Chapter 28

873 80 8
                                    

May isang batang lalaki ang tuwang-tuwa habang pumipili ng mga laruan na lalaruin niya sa kanyang toy box. Hindi maalis sa kanyang labi ang mumunting ngiti na palagi niyang suot sa tuwing sasapit ang bagong umaga.

"Ang dami naman niyan anak ko. Makikipaglaro ka ulit kay Lucy?" tanong ng ginang na nasa mid-30's.

"Yup mom!" masiglang sagot ng bata.

"Do you alredy eat your breakfast?"

"Kanina pa po and I've prepared sandwiches and cookies. Mom, can you make us fresh orange juice?"

Humalakhak ng tawa ang nanay ng bata bago ito sumagot. "Sure. Ihahanda ko na rin ang mga ginawa mo. Wait me in the living room okay?"

Tumango ang bata at nilagay na niya sa isang plastic box ang mga laruan na napili niya at nagtungo sa kanilang living room.

"I'll go first Mom. Uuwi na lang po ako pagkatapos namin," paalam ng bata at humalik sa pisngi ng kanyang mommy.

"Take care my son!"

"Yeah. I will Mom!"

Lumabas na ang batang lalaki sa kanilang bahay at nagtungo sa bahay ng kanyang kalaro na si Lucy. Hindi ganoon kalayuan ang distansya ng kanilang bahay, tatlong bahay lang ang madadaanan bago makarating sa bahay ng isa't-isa.

"Lucas! Lucas!"

Nasa labas pa lamang ang batang lalaki nang marinig niya na ang boses ng kanyang kalaro. Agad na sinalubong ni Lucy si Lucas sa gate ng kanilang bahay at pinapasok ito sa kanila.

"Mamzi! Lucas is here! Maglalaro na po kami sa garden," masiglang sambit ni Lucy sa kanyang mommy na kasalukuyang abala sa gawaing bahay.

"Wag kayong masyadong magpapagod okay? At 'wag niyong hayaang matuyuan kayo ng pawis. Teka nga lang Lucas, kumain ka na ba? Meron pang pancakes na natira," baling ng mommy ni Lucy kay Lucas.

"Kumain na po ako sa amin. Thank you na lang po Tita, may dala-dala rin po akong foods para sa amin ni Lucy."

Sabay taas nito sa hawak niyang basket. Napangiti na lang ng lihim ang mommy ni Lucy at hinayaan niya na ang dalawa upang makapaglaro na sila.

Matalik na magkaibigan ang nanay ng dalawang bata. Simula pa lamang noong ipinanganak sila ay sabay na silang lumaki ng magkasama. Wala silang ibang kinakalaro kundi ang isa't-isa lamang. Kung maghihiwalay man sila ay iyon ang oras ng pag-uwi.

"Wow Lucas! Ang dami mong dalang toys!" masayang sambit ni Lucy na pumapalakpak pa at nagsimula nang mangalkal sa mga laruan.

"Dinala ko talaga 'yan para sa'yo. Anong gusto mong laruin?" tanong ni Lucas at umupo sa tabi ni Lucy.

"Hmm ano kaya kung bahay-bahayan? Tapos may lutu-lutuan din!"

"Sige! Gusto ko rin 'yan! Pero ako ang magsisilbing tatay at ikaw naman ang nanay tapos itong mga toys kunwari ang mga anak natin," nakangiting sabi ni Lucas habang nakatingin sa masayang mukha ni Lucy. Agad namang nagliwanag ang mukha ni Lucy sa sinabi ni Lucas.

"Ibig sabihin mag-asawa tayo Lucas?"

"Ah eh parang ganoon na nga," nahihiyang sagot ni Lucas at umiwas ng tingin para itago ang kanyang mukha mula kay Lucy.

Nagsimula na ngang maglaro ang dalawang bata. Nandiyan ang magluluto sila gamit ang mga laruang panluto at kakain kasama ang mga manika at teddy bears na kunwari ay mga anak nila.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon