Chapter 32

713 78 6
                                    

[ super short update ]

10 years ago...

"Lucy! Baby ko!" tawag ng ina sa kanyang anak. Agad namang tumalima ang bata at mabilis na kumilos papunta sa kanyang ina dala-dala ang kanyang backpack na Minnie Mouse.

"Naka-ready ka na ba? Wala ka na bang naiwan sa itaas?"

"Wala na po Mamzi. Let's go na. Excited na po ako sa magiging new house natin."

Mabilis na sumakay ng kotse si Lucy, yakap ang kanyang backpack ay nagsimula nang paandarin ng kanyang ama ang sasakyan.

Nakamasid lamang si Lucy sa bintana, namamangha tuwing siya ay may makikitang lupain na kulay berde. At makalipas lamang ang kalahating minuto ay nakatulog na ito kaagad.

"Baby wake up."

Inalog ni Layla ang kanyang anak upang gisingin at nagwagi naman ito. Pupungay-pungay na bumangon si Lucy mula sa pagkakahiga at kinusot ang kanyang mga mata.

"Nandito na po ba tayo Mamzi?" inaantok na tanong ni Lucy.

"Oo anak kaya tara na. Nauna na ang papa mo sa loob at tayo na lang ang hinihintay."

Bumaba na ang mag-ina sa sasakyan at magkahawak-kamay na tinahak ang daan papunta sa kanilang bagong titirhan. Isang subdivision ang lugar na iyon kaya napakatahimik ng buong sulok.

Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Lucy dahil ang inaasahan niyang maabutan ay isang maingay na lugar at punung-puno ng mga batang naglalaro.

"Mamzi wala po bang mga kids dito?"

"Meron naman baby ko. Hindi lang siguro sila lumalabas," ang sagot ng ina.

"Wala po ba akong makakalaro dito?" malungkot na tanong ni Lucy at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng kanyang backpack.

"Hindi lang kalaro baby ko, I'm sure na magkakaroon ka ng kaibigan dito kaya tara na at magligpit muna tayo."

Tumango na lamang si Lucy at tuluyan na silang nakapasok sa kanilang bagong bahay. Maaliwalas ang buong lugar kaya hindi naiwasan ni Lucy ang magtatakbo.

"Be careful baby!" paalala ng kanyang ina na kasalukuyang nasa kusina at naghahanda ng miryenda.

"Yes Mamzi!"

Takbo dito. Takbo doon.

'Yan ang ginagawa ni Lucy at parang hindi nauubos ang kanyang energy dahil masigla pa rin ito. Sa kakatakbo ni Lucy ay napadpad siya sa likod ng bahay kung saan doon makikita ang malawak na garden na may fountain sa gitna at isang gazebo na naroon sa gilid. Ang paligid ay napapalibutan ng mga bulaklak at maliliit na damo.

"Wow! It's so beautiful!"

Natigil sa pagtakbo si Lucy at nilibot ang kabuuan ng hardin. Hanggang sa may napansin siyang siwang sa pagitan ng dalawang halaman. Napuno ng kuryosidad ang bata kung ano ang naroon kaya inalis na muna niya ang kanyang backpack at gumapang doon sa siwang. Sa hindi inaasahan ay isa ring hardin ang kanyang nakita na katulad ng sa kanila.

Sa ikalawang pagkakataon ay namangha ulit si Lucy dahil kumpara sa kanilang hardin ay mas organisado ang isang 'to. Maliban sa fountain at gazebo, mayroong isang set ng table with chairs na kulay puti ang nakapwesto sa bandang tabi ng gazebo. Mayroon ding swing at ito'y napapalibutan ng mga gumagapang na bulaklak. Mula sa pinto ng bahay na 'yon ay mayroong stone path papunta sa hardin na mas lalong nitong ikinaganda.

"Wow! Parang dito ko na talaga gustong tumira." Nagtatalon si Lucy at inilibot niya ang kanyang paningin. Ilang saglit pa ang lumipas at bumukas ang pintong 'yon. Lumabas mula roon ang isang batang lalaki na mayroong dala-dalang libro.

Nagulat si Lucy dahil hindi niya inaasahan na may darating na tao. Sa sobrang taranta na baka siya ay mahuli ay pumunta na lamang ito sa gazebo at doon nagtago. Mahuhuli kasi siya kung sakaling lulusot ulit siya doon sa may siwang sa pagitan ng mga halaman.

Pinagmasdan ni Lucy ang batang lalaki habang papunta ito sa direksiyon niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at tinakpan ang bibig gamit ang kanyang kamay.

"Mahuhuli na ako," bulong nito.

Tuloy-tuloy pa rin ang paglakad ng batang lalaki ngunit hindi siya sa gazebo tumuloy kundi sa may upuan sa tabi nito. Nakahinga naman nang maluwag si Lucy pero ang pinoproblema niya ngayon ay paano siya makakalabas nang hindi siya napapansin ng batang lalaki.

Binuksan ng batang lalaki ang kanyang libro at nagsimulang magbasa. Tahimik lamang ito at nakapokus sa binabasa. Chance na iyon ni Lucy upang lisanin na ang lugar.

Dahan-dahan siyang humakbang na walang ginagawang ingay at nang makalabas na sa gazebo ay nagtuluy-tuloy siya ngunit kaagad ding napahinto nang magsalita ang batang lalaki.

"Aalis ka na kaagad?"

Sinara ng batang lalaki ang kanyang libro at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumakad ito papunta kay Lucy.

"Ah...eh... sorry sa pagpasok ng walang paalam. Hindi ako magnanakaw at nagsasabi ako ng totoo!"

Tumawa ang batang lalaki at ginulo ng kaunti ang buhok ni Lucy.

"Naniniwala ako at hindi ka naman mukhang magnanakaw," kalmado niyang sagot.

"Bakit niya ba ginulo ang buhok ko? Inayos pa lang ito ni Mamzi kanina," ang nasa isip ni Lucy.

"By the way, kayo ba ang bagong lipat diyan sa kabila?" tanong ng batang lalaki at itinuro ang bahay na nasa harapan nila.

"Kami nga. Sorry ulit ha? Hindi ko naman sinasadyang mapunta dito. May siwang kasi doon oh kaya lumusot ako at napunta dito sa inyo. Ang ganda ganda kasi ng garden niyo kaya nag-stay muna ako dito," mahabang paliwanag ni Lucy at parang mauubusan siya ng oxygen sa katawan.

"Okay lang at hindi naman ako galit. Buti nga ay napadpad ka rito. Sobrang lungkot ng lugar na 'to at halos ako lang ang tumatambay dito sa garden," malungkot na kwento ng batang lalaki at pilit na ngumiti.

"Wag ka ng maging sad. Gusto mo ay araw-araw akong pumunta dito? Para may kasama ka na at may magiging kalaro na ako!" masayang sambit ni Lucy at tumawa-tawa pa ito.

"Sige, payag ako. Thank you."

"Yehey! My name is Lucy, I'm six years old na. Ikaw?"

"Lucas and I am also six years old."

"Wow! Pareho tayo ng age Lucas! Paano ba i-spell ang name mo?"

"L-u-c-a-s," mabagal na pagkakabigkas ni Lucas.

"Ang galing! Pareho tayong may l-u-c sa name natin." Pumapalakpak na sambit ni Lucy. Napaka-hyper na bata.

"Oo nga no?" Napatawa na lamang si Lucas dahil sa inaasal ni Lucy. At sa isip niya ngayon ay hindi na siya malulungkot, mayroon na siyang magiging kasama at kalaro sa kanilang hardin.

"So friends na tayo Lucas?"

"Oo. Friends na tayo Lucy."

"Mag-pinky promise muna tayong dalawa."

"Hahaha okay sige. Game ako diyan."

"Let's be friends forever, Lucas."

"Yeah. Let's be friends forever too, Lucy."

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon