Chapter 46

222 42 0
                                    

LUCY'S POV

"Lucy!"

Naririnig ko ang pagtawag ni Shawn sa akin pero hindi ako kumikibo. Sumilip ako mula sa aking pinagtataguan at nakita ko siyang naghahanap sa akin. Maya-maya ay nawala na siya sa paningin ko. Naiinis ako sa kanya! Naiinis ako sa babaeng 'yon! How dare they!

Parang may kung anong nag-init sa loob ko at gusto kong ilabas ito sa pagmumukha ng kahalikan niya kanina. Ano pa bang ipapaliwanag niya sa nakita ko? Hindi naman pwedeng aksidente lang silang naghalikan at hindi nila sinadya 'yon.

Lumabas na ako mula sa aking pinagtataguan at nagmartsa papunta sa kwarto ni Tita Bethilda. Alam kong bumaba si Shawn at hinahanap niya ako. I feel guilty at the same time dahil alam kong mapapagod lang si Shawn kakahanap sa taong ayaw magpakita sa kanya. It's only just for this moment. Ako mismo ang pupunta sa kanya mamaya. I'm going to settle this with that girl.

Humanda ka sa akin ngayon.

I stomp my feet one another on the tiles until I set them on my destination. Huminga muna ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay sasabak ako sa giyera. Pero siyempre, kalma lang dahil hospital 'to at kuwarto ni Tita Bethilda ang papasukin ko.

Pinihit ko ang doorknob at hindi naman iyon nakalock kaya walang katok-katok na binuksan ko 'yon at basta na lang ako pumasok sa loob. Inilibot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kuwarto pero wala rito ang babaeng kahalikan ni Shawn kanina. Napatingin naman ako sa gawi ni Tita na mahimbing na natutulog at lumapit ako sa kanya.

"Tita," mahina kong sambit habang dahan-dahang umupo sa upuan na nandito sa gilid ng hospital bed. "... may kasalanan po si Shawn sa akin." Natatawa ako sa kalagayan ko dahil parang bata akong nagsusumbong sa aking laruan na hindi ako masasagot. Hinawakan ko ang kamay ni Tita at marahan iyong pinisil. "Pero may explanation naman po siguro si Shawn, Tita. I'll listen and try to understand him po. Ise-settle ko lang po muna sa babaeng nandito kanina."

"Oh? Are you talking 'bout me?"

Para akong nalagutan ng hininga dahil sa gulat mula sa boses na bigla na lang nagparinig sa akin. She must be her, right? Napalunok ako bago ako humarap sa kanya pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Ang kaninang babae na nakita ko ay iba sa babae na nakatayo sa harapan ko.

"Umm... excuse me?" nag-aalinlangan kong tugon.

"Dadaan ka? Okay, there you go." She smiled as she made a path for me.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya pero naglakas loob akong tanungin siya. "Nasaan 'yung babae kanina rito?" malumanay kong tanong.

Nag-cross arms siya at saka siya ngumisi. "Ako lang 'yung babae na nandito, simula kaninang umaga."

Napakunot-noo ako dahil ang gulo niya. Ang nakikita kong babae ngayon ay parang isang tomboy. Oo, parang isang tomboy dahil ang pormahan niya ay panlalaki.

"I'm talking about the girl who kissed my boyfriend a while ago. Where is she?"

"Ah! So, you're the girlfriend of Shawn? He talks a lot about you the moment I arrived here. But I think you misunderstood the scene you're talking about."

Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa narinig ko. Ibig sabihin ay kinekuwento ako ni Shawn sa iba? Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti dahil naiimagine ko si Shawn.

"Hey! You're spacing out!"

Nabalik ako sa aking ulirat nang yugyugin niya ako sa aking balikat. "Ha? May sinasabi ka?" nahihiya kong tanong. Kung bakit ba kasi lumipad na naman ang isipan ko.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon