Chapter 43

230 40 0
                                    

LUCY'S POV

"You ready?" Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Shawn nang makababa na kami mula sa kotse ng pamilya niya. Nakatayo na kami ngayon sa harapan ng gate ng bahay nila.

"Oo. Pasok na tayo?" nag-aalangan kong tanong. Napansin niya 'ata na ayoko pang gumalaw sa kinatatayuan ko kaya pinisil niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Don't worry, Lucy. You'll be fine."

He gave me a securing smile before we walk in to their house. Hindi tulad ng una kong pagpunta rito, may mga iilang guard at maid ang nandirito ngayon. Siguro dahil bumalik na sa bahay ang parents ni Shawn kaya bumalik na rin sila? Noong pumunta kasi ako dito, si Shawn lang naman ang nag-iisang nakatira.

Nang makapasok na kami nang tuluyan sa loob, lahat na 'ata ng sulok ng bahay nila ay kumikinang dahil sa sobrang linis at organisado pa ang furniture nila pati ang iba pang mga gamit.

"Nagpaulan ba ng pixie dust si Tinker Bell dito, Shawn?" hindi ko mapigilang pagtanong. Sobra lang talaga akong na-amaze like wow. Parang nakakahiya tuloy pumasok nang naka-sandals ako.

Shawn chuckled while pinching my cheeks. "Silly. Of course not, sadyang pulido lang talaga magtrabaho ang mga maid ni Mom."

"Speaking of your mom, nasaan na sila?"

"Bonjour!"

Pareho kaming napalingon ni Shawn sa nagsalita. Mula sa itaas, nakita kong pababa na ngayon ang isang eleganteng babae na may kasamang lalaki sa tabi niya.

"Parents mo?" bulong ko kay Shawn. Nginitian niya ako at tumango.

Hindi ko sila namukhaan nung una pero nang nakatingin lamang ako sa kanila hanggang sa makalapit sila sa amin, sila pa rin ang nakilala kong mga magulang ni Shawn noong bata pa kami. Bumongga lang ang suot at itsura nina Tita Bethilda at Tito Simon ngayon.

"Looking young and fresh." Nabigla ako sa lumabas sa bibig ko. Aish! Hindi ko naman dapat sasabihin 'yon nang malakas, nasa isip ko lang naman 'yan. Pati si Shawn nagulat pero napansin ko na tatawa-tawa siya.

"You're talking about us siguro, hija. You have a good eyesight. Right, Hubby? Narinig mo siya, fresh and young pa rin tayo kahit na matanda na tayo," natatawang batid ni Tita Bethilda, nahihiya namang ngumiti si Tito Simon.

I awkwardly smile, "Ah, e, mano po pala." Inabot nila ang mga kamay nila para makapagmano ako.

"Gutom ka na ba, hija? Halika, nagpahanda ako ng masasarap na putahe at para talaga ito sa pagdating mo." Hindi na ako nakapagsalita nang iangkas ni Tita ang kanyang braso sa akin at iginaya ako papunta sa kusina nila kung saan may iba't-ibang masasarap na putahe ang nakahanda sa mahabang mesa.

"I didn't expect my son has finally have a girlfriend. Akala ko ay tatanda ng binata 'yan dahil napakasungit. Buti na lang, Lucy, hija, napagtiyagaan mo si Shawn."

"Mom! You don't need to say that."

Nagpipigil ako ng tawa habang sumusubo ng ulam. Simula kasi nang kumain kami, panay ang kwento at panunukso ni Tita Bethilda sa kanyang nag-iisang anak. Wala namang laban si Shawn dahil hindi siya pinapakinggan ni Tita sa sinasabi nito. Hindi ko akalain na ganito kadaldal ang nanay ni Shawn, wala kasi sa itsura niya. Para ngang mas madaldal pa 'tong si Tita kaysa kay Mamzi, e.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon