Chapter 14

1.7K 114 10
                                    

LUCY'S POV

"Lucy will you marry me?"

Nakatayo ako sa isang stage na punong-puno ng mga dekorasyon. Gabi na ngunit nagmumukhang umaga dahil sa mga nakakasilaw na ilaw na pumapaikot sa buong stage hanggang sa baba. Napakaraming tao ang nanonood sa amin, tila isang konserto na pinakaaabangan ng lahat. Halos estudyante ang nakikita ko, natanaw ko rin sila Mamzi at Papzi na umiiyak.

"Yes! I will marry you!" sagot ko at napaiyak na rin ako kasabay ng napakalakas na hiyawan na nagmumula sa crowd.

Tumakbo siya papalapit sa akin at binuhat niya ako saka pinaikot sa ere.

"Thank you Lucy. Thank you for accepting me in your life, I promise, I will make you my queen. Just stay with me forever, I love you, my queen."

"I, too, will fulfill the responsibility of a queen to serve and love her king, to light the way of his castle and bear a precious child. I love you too, my king."

Papalapit na ng papalapit ang mga mukha namin sa isa't-isa, naging tahimik ang buong paligid na tila inaabangan ang aming gagawin.

BANG!

Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya at tuluyan na akong bumagsak sa sahig ng stage. Nakita ko ang sarili kong dugo na walang tigil sa pag-agos.

"Lucy! Lucy! Lucy!"

Sa huling pagkakataon ay nakayanan ko pa ring masilayan ang kanyang pagmumukha. Lihim akong nagdasal na sana, sa susunod naming buhay ay kami pa rin ang itadhana sa isa't-isa, na kami pa rin ang magkatuluyan sa bandang huli, na sana ay maging happy ending na ang love story namin. Walang mawawala at walang mang-iiwan.

"Lucy! Wake up please! Don't leave me alone! Lucy! Lucy! Ahhhh!"

I guess this is the right time to say goodbye to you. I promise, I will look for you in our next life. Thank you for everything, Sting...

"Ahhh!" napahawak ako sa dibdib ko at napakabilis ng tibok ng puso.

Thanks God, it's just a dream. Oh wait, I think it's a nightmare.

Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa right side ng kwarto ko at alas singko pa lang ng umaga. Bumangon na ako at tumingin na muna ako sa salamin. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko ang sarili ko na umiiyak. Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha, walang tigil.

Why am I crying?

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko gamit ang aking palad.

Beep! Beep!

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa itaas ng study table. Kinuha ko ito at binasa ang message.

From 09*******

Lucy, I want to talk to you right now. Meet me in front of your house. Wear something think, it is cold outside. I'll wait for you.

Huh? Sino naman 'tong nag-text? Kagigising ko pa lang tapos papalabasin niya ako. Ano ako, uto-uto na susunod sa text niya? Utot niya! Prank message lang 'yan, bwisit talaga at ini-stalk pa ata ako ng gumawa na 'yan. As far as I know, hindi ako nagbibigay ng number ko sa ibang tao.

Psh! Makatulog na nga ulit tutal Sabado naman ngayon.

Beep! Beep!

"Argh!" kinuha ko ulit ang cellphone ko at binasa ko 'yung message.

From 09*******

Lalabas ka diyan o gusto mong ako pa ang kumaladkad sa'yo papalabas ng bahay niyo? Sagot!

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon