Chapter 39

249 51 1
                                    

LUCY'S POV

"Matutunaw na 'yan kakatitig mo riyan."

Paulit-ulit kong pinapaikot nang pakanan at pakaliwa ang kamay ko habang nakatutok ito sa ilaw. Kumikinang kasi 'yung singsing na ibinigay sa akin ni Shawn kapag natatamaan ng sinag ng ilaw.

"Sa susunod na singsing na isusuot sa akin ni Shawn ay magpo-propose na siya." I giggled at my thought.

"Are you hundred percent sure na kayo ang magkakatuluyan hanggang sa huli?"

Napabalikwas tuloy ako ng bangon at lumingon kay Levy na umiinom ng kape at may binabasa sa diyaryo.

"Grabe ka naman! Oo naman, no!"

Umayos ako ng upo at tinignan ulit ang singsing na nakasuot sa ring finger ko. Hindi ko 'ata maimagine na ibang lalaki ang papakasalan ko maliban kay Shawn.

"Para namang ayaw mo kaming magkatuluyan, Levy," malungkot kong pahayag habang nakatalikod sa kanya.

Naramdaman kong umalis siya sa kinauupuan niya and I heard her footsteps coming near to me. Walang pasabi siyang umupo sa tabi ko.

"You know what, Lucy? Masaya ako para sa inyong dalawa ni Shawn. I know how much you love him, pero.."

Tumahimik siya bigla kaya napatingin ako sa kanya. Naging seryoso ang mukha niya at bumalik din sa normal nung nagbuntong-hininga siya.

"Pero, ano?"

"Pero, hindi ba masyadong mabilis? We're still young, Lucy. Magco-college pa tayo, remember? Marami pang pwedeng mangyari," she smiled as she held my left hand.

"At kahit ano pa mang mangyari sa hinaharap, I will always be your best friend and a partner in crime. At makikita mo, isa ako sa magiging parte ng istorya niyo ni Shawn tungo sa happy ever after na sinasabi mo. Basta, masaya ka ay masaya na rin ako."

Niyakap ko si Levy dahil na-touch ako sa sinabi niya. How could she said those words to me, that she will be happy too if I'm happy?

"I appreciate you, Levy."

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil inspired ang isang dyosa na katulad ko. Nabigla nga si Lucas dahil ang aga aga ko. Sumunod namang dumating si Shawn.

"Hey, good morning," bati niya sa akin habang inaayos ang kanyang salamin.

"Good morning, handsome," balik ko naman. Tumawa siya ng konti at inilapag niya ang gamit niya.

"You're early," sambit niya habang inusog ang upuan niya sa upuan ko. Bilang lang ang mga kaklase namin na nandito.

"Gusto ko kasi, ako ang unang babae na babati sa'yo ng good morning."

"Too bad, Lucy. The guard lady geeted me before you did," mapang-asar niyang sagot.

I rolled my eyes at saka ko inusog ang upuan ko papalayo sa kanya.

"Edi siya na lang ang gawin mong girlfriend mo."

I heard him chuckled.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon