Chapter 5

2.1K 159 35
                                    

LUCY'S POV

"Ms. Castro!" pagtawag sa akin ni Ma'am Consolacion. Lahat ng atensiyon ng mga kaklase ko ay nasa akin. Ano na naman bang ginawa kong mali?

"Y-yes po?" sagot ko. Napasulyap ako kay Shawn na diretso lang ang tingin sa blackboard. Siguro nagsumbong 'to kay Ma'am.

"Ang bababa ng mga grades mo Ms. Castro, gusto mo bang bumalik sa pagiging fourth year?"

"Hindi po," sagot ko. Ano ba naman kailangan pa talaga sa buong klase niya ako ipahiya? Ihawin ko 'tong teacher namin eh.

"I see. You need to improve your grades as well as your tiny brain. Napag-iiwanan ka pagdating sa academics. You need a suitable tutor," tuluy-tuloy na sabi ni Ma'am.

"Wait ano po? Tutor?"

"Narinig mo naman diba? And I'll assign Lucas Ramirez to be your tutor. Ayos lang naman sa'yo Mr. Ramirez?"

"Yes Ma'am. Okay lang po," sagot ni Lucas.

Hay salamat, akala ko teacher ang magtuturo sa akin. Buti na lang si Lucas. Tumingin ako kay Lucas at nag-thumbs up siya sa akin.

"Ma'am!" napatingin naman ako kay Shawn sa pagsigaw niya. Aba nananahimik lang 'to kanina eh.

"Yes Mr. Rimas?"

"Can I be the tutor of Ms. Castro instead of Mr. Ramirez?"

Ano na naman 'to?

"Ako ang in-assign ni Ma'am Mr. President so please respect it na lang at isa pa marami ka ng ginagawa at napapagod ka rin," pagsagot ni Lucas at ngayon ay nakatayo na rin.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Hays ano ba naman 'yan, ganito ba talaga ako kabobo? Pwede naman kasing mag-self study na lang ako.

"As a President of this classroom, tungkulin ko ang maging responsable pagdating sa kapakanan ng mga kaklase ko. This work should be done by the Supreme President which is me kaya ako ang magiging tutor ni Ms. Castro and it's final."

Nagpalakpakan ng mahina ang mga kaklase ko. Masyado kasing ginalingan ni Shawn eh.

"Whoo! President namin 'yan!" sigaw ni Romeo kaya sinamaan siya ng tingin ni Ma'am.

"Very well said Mr. President, karapat-dapat ka nga sa naging posisyon mo. After all, every teacher admires you. I'm so sorry Mr. Ramirez but I think Mr. Rimas will be the best tutor for Ms. Castro."

"I understand Ma'am," nakayukong sabi ni Lucas saka umupo na siya. I feel bad for Lucas. Tinignan ko naman si Shawn na pangiti-ngiti nang bigla siyang napatingin sa akin kaya nawala na yung ngiti niya.

Sinulyapan ko si Lucas at nginitian ko siya kaya nginitian niya ako pabalik pero ramdam ko ang lungkot sa mga ngiting 'yun. Ganun ba siya kalungkot na hindi siya ang naging tutor ko? Pwede pa naman siyang humanap ng iba na matuturuan.

Maya-maya ay may dumapo na papel sa desk ko at sa tingin ko ay galing 'yun kay Shawn. Binuksan ko ito at binasa.

...UGLY CREATURE...

Nilukot ko ang papel at tinignan ko siya ng masama. Bwisit!

"Class dismissed."

Agad na naglabasan ang mga kaklase.

"Tayo na," hinila ako ni Shawn papalabas ng room.

"Teka lang! Si Levy!" nagpupumiglas ako sa paghawak niya sa akin pero mas malakas talaga siya sakin.

"San mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

"Sa bahay ko."

"Huh bakit?!"

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon