Chapter 44

221 41 0
                                    

LUCY'S POV

"Uminom ka muna, Shawn." Inalok ko sa kanya ang binili kong mineral water doon sa labas.

"Thanks."

"Kumusta na si Tita Bethilda?" Napatingin ako kay tita na mahimbing nang natutulog sa hospital bed. Umalis si Tito Simon at umuwi muna saglit sa bahay nila, nagpaalam na kukuha siya ng mga damit at magdadala na rin ng pagkain.

"Inatake na naman siya sa sugar level niya pero maayos na rin ang kalagayan niya ngayon. Mabuti na lang ay kaagad siyang nadala ni Dad dito kundi muntikan na namang mangyayari 'yon."

"Ang alin?" nag-aalangan kong tanong at umupo sa tabi niya. Kaagad siyang tumingin sa akin at ngumiti nang bahagya.

"Bakit ka ba tanong nang tanong?"

"Masama ba ang mag-alala sa magiging future mother-in-law ko?" Natawa siya dahil sa sinabi ko kaya napangiti na rin ako. Sa wakas, napatawa ko siya kahit konti lang.

"Gabi na. Baka hinahanap ka na nina Tita Layla, nag-aalala na sila siguro sa'yo. Tara, hatid na kita." Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay agaran siyang tumayo kaya pinigilan ko siya.

"Okay lang ako. Mas kailangan ka ni Tita dito. Tatawagin ko na lang ang driver namin para masundo ako."

"You sure?" may pag-aalala niyang tanong.

"Yup. Kaya ang mabuti pa ay bantayan mo muna si Tita. Dadalaw ako bukas. Kaya 'wag mo ako masyadong mami-miss, ah?"

"Thanks, Lucy. Ingat ka."

Hindi na kumibo pa si Shawn at halatang nag-aalala pa rin siya sa mommy niya. Tahimik akong lumabas ng kwarto at sakto ang paglabas ko sa pagdating ni Sting na may kasamang babae at lalaki. Siguro ay mga magulang niya 'to.

"Lucy." Bakas sa mukha ni Sting ang pagkagulat nang makita ako.

"Ohh, so that's Lucy?" turo sa akin nung babae kaya tumango si Shawn. Teka, bakit niya ako kilala?

"Good evening po. Ako nga po si Lucy, classmate po ni Sting," magalang kong pagbati at saka nagmano sa mga magulang ni Sting. Napansin ko rin na kanina pa nakangiti sa akin ang mommy ni Sting kaya nailang ako.

"Mauna na po ako. Nasa loob po si Shawn at si Tita Bethilda."

"Oh, Sting, balak mong kausapin si Lucy, right? Mauna na kami ng papá mo sa loob." Humarap sa akin ang mommy ni Sting at bineso ako sa pisngi. "It's nice to meet you, Lucy."

Pumasok na sa kwarto ni Tita Bethilda ang mga magulang ni Sting kaya kami na lang dalawa ang natira dito sa labas.

"Umm.. Balak mo raw akong kausapin?" pagsisimula ko. Napansin kong napatingin siya sa akin kaya itinaas ko ang aking kilay. Hinihintay ang kanyang isasagot.

"Nagkaroon ka lang ng jowa, ang taray mo na," may pagka-masungit na tono niyang sambit at dahil doon ay natawa ako.

"E, ano naman? Inggit ka? Edi mag-jowa ka rin!" Hinampas ko siya sa braso at pareho kaming natawa.

"May irereto ka ba sa akin?" Napa-isip naman ako sa tanong niya nang biglang may isang napaka-bright idea ang lumitaw sa aking isipan.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon