CHAPTER TWO
"KKKKUUUYYYAAA!!!" hindi niya mapigilang mapasigaw ng mabasa ang sinasabing bagong konsepto na ipinadala pa niya sa planning team sa bahay
Dalawang araw na simula nang huli silang magkausap ng Kuya niya. At dahil sa ideya nga na maaari siyang magbakasyon hanggang sa susunod na linggo ang naging dahilan kung bakit madaling nailipad sa utak niya ang pagtingin sa bagong konseptong tinutukoy nito. Kani-kanina nga lang niya muling naalala ang tinutukoy nito, kung hindi pa niya nakita ang isang larawan ni Oshiwahara Hino sa isang magazine ay siguradong wala pa rin sa isip niya ang tungkol rito.
Bakit ba hindi niya naisip na kapag ideya ni Uryllane at Almira ay siguradong makakasama sa kalusugan niya. Tapos ang lakas pa ng loob niyang magpauto sa sariling kapatid niya iyon pala ay balak lamang siyang ibenta talaga nito. 'it's all for the purpose of advertising' ha, nakakainis talaga.
"OHAYO GOZAIMAS' Moriko-san!Good morning"
"Ohayo Moriko-sama!" bati ng mga taong nasa paligid niya pagkarating na pagkarating niya sa isang eskwelahan sa Tokyo kung saan gagawin ang unang bahagi ng commercial.
Ito ang unang araw ng taping nila. Unang araw na pinipilit niyang magpakatino ayon na rin sa utos ng nakatatandang kapatid niya.
"Kuya! Wala sa usapan natin 'to! Bakit ba kasi nagpauto pa ko sa'yo?! Bakit ba kasi hindi mo muna ako kinausap tungkol dito?" naiinis na wika niya sa sariling kapatid nang tawagan niya ito sa telepono
"O, ngayon mo lang nakita? Akala ko naman matagal mo nang nabasa at ayos lang sa'yo kaya hindi ka naga-alburoto" kalmadong saad naman nito sa kanya
"Alam mo namang hangga't kung maaari ay ayaw kong makatrabaho si Oshiwahara Hino, may attitude problem ang lalaking iyon at alam mong mahina ang pasensya ko kapag hindi marunong rumespeto kahit papano ang taong kaharap ko" pagsagot pa niya rito
Oo, ayaw niya sa lahat iyon taong selfish at hindi marunong makibagay sa mga taong nasa palagid niya. Noong nasa Pilipinas nga siya, kinder palang ay nanuntok na siya ng kaklase niyang lalaki dahil binubully nito ang kaklase niyang babae. Ganoon ang tema niya ng hustisya, kapag hindi ka marunong rumespeto, wala ring matututong rumespeto sa'yo.
"Aira, you can't act like that all the time. Professional si Oshiwara Hino kaya kailangan gamitin mo rin ang pagiging professional mo. You have to understand other people as well. Behave for the sake of the company, okay? Maaasahan ko ba iyon?" matibay na pahayag ng Kuya Yiro niya
Kapag ganito na ang usapan nila, kadalasan ay tumitiklop na siya pero sa pagkakataon na ito, hindi niya maaaring basta tanggapin na lamang ang saad ng kapatid niya. After all, desisyon ito tungkol sa kanya pero hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon para makielam man lang.
"Okay, I'll behave. For the sake of the company, I'll do my best. Pero I'm telling you in advance Kuya, if I can't work it out. I'll quit. Hindi dahil hindi ko na kayang umakto professionally kung hindi dahil hindi ko talaga kayang sukatin ang ugali niya. Alam mong hindi ako madaling sumuko, I was never a loser. That's why, I am going to do my best but I can't promise anything. Sana naintindihan mo rin iyon" matibay na saad rin niya bago ibinaba ang telepono
And that's how it turned out this way. Kung bakit nagpapakabait siya ngayon. Ayon na rin sa isa sa mga staff ng production. Nakarating na rin daw si Hino at ang manager nito. Now it's time to meet and greet her co-star.
Madali naman siyang napapasok sa dressing room ng binata ng makita siya ang kumatok. Hindi pa ito nakakapagpalit ng damit at kakatapos pa lamang ayusan, panandalian muna itong nagbabasa ng libro habang nagpapalipas ng oras .
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...