Chapter Nineteen

48 4 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

NAG-AAYOS NA ng sarili si Aira habang nakaharap sa salamin. Nagawa niyang makapagpalipat sa hotel nang walang kailangang maghinala sa kanya. At dahil malapit sa opisina ang kwarto niya, iisipin lamang ng mga tao na marami siyang kailangang trabahuhin.

Maya-maya pa ay tumunog na rin ang telepono sa kwarto niya. Iyon ang ipinagawa niyang signal upang malaman kung naroon na ang mga staff ng produksyon nila. Napahinga na lamang siya ng malalim.

"Matagal kong inihanda ang sarili ko para rito. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, hindi ka na dapat magpaapekto Aira"

Iyon ang pagkakakalmang ginawa niya sa sarili bago na rin mariing ipinigit ang mga mata at mabilis na napatayo sa harap ng salamin.

Ibinalik niya ang ngiti sa mga labi na madalas niyang napapakita rito. Sa pagkakakita nga niya ay mariin na rin niyang binati ang produksyon habang kanya-kanya na rin lakad papunta sa villa na muling nakalaan para sa mga ito.

Matapos maisaayos ang mga pangangailangan ng mga bisita ay lumabas na rin siya ng Villa upang kumpirmahin naman ang lagay ng mga bagong facilities na pagso-shootingan nila. Ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay natanaw na niya ang dalawa na papalakad papunta na rin sa direksyon na tinatahak niya.

Napatigil siya sa paglalakad. Alam niyang nagkasalubong ang mga mata nila ngunit madali nitong iniwasan iyon. Imbis na hindi pansinin ay si Keiko pa ang unang tumakbo papalapit sa kanya. Dali-dali siyang niyakap nito na ikinaumay na rin naman ng buong pagkatao niya.

"How are you?" bulong nitong seryosing ikinangisi niya

"Anong gusto mong sabihin ko? Masaya ako o nasasaktan pa rin ako?" matapang na wika naman niyang ikinangiti nito

"Don't be too harsh Aira, tinupad ko naman ang pangako ko. He's doing great, actually nirequest ko pa nga ang dad ko na ipadala siya sa Paris para mas makilala na rin doon. Plus, he's becoming every woman's dream in Germany" wika pa nitong ikinabuntong hininga na lamang niya

"Fine, kaya pwede ba bitawan mo na ko? Hangga't wala kang maling ginagawa. I won't do anything stupid. Nagmumukha ka lalong desperada sa harapan ko" seryosong wika na rin naman niyang alam niyang ikinasimangot ng impaktang babaeng ito

Dahan-dahan na rin siyang binitawan nito at sa pagkakataong iyon ay siya naman ang pekeng nakangiting humarap rito.

"Sana mag-enjoy tayo ulit ngayon, since na marami akong trabaho sa opisina. Ikaw muna Keiko ang gagamit ng kwarto ko. And you Hino..." saad na niyang binalingan ito

"Same room" nakangiting saad naman niyang walang ekspresyong ikinalakad na lamang nito at nilagpasan sila

Ganoon din ang naging pakikitungo nito sa kanya noong nagkita sila sa daan. Malamig na pakikitungong mas malamig pa ata sa mga snow na nasa paligid nila.

"See you later Aira" nang-uuyam na rin namang pagpapaalam ni Keiko na halatang inaaasar siya

Sa paglagpas ng dalawa ay mariin na rin niyang ipinigit ang mga mata. Matapos lang ang proyekto na ito. Wala na siyang dahilan para makita si Hino. Unti tiis nalang. Sisiguraduhin niyang kahit may kontrata pa sa kompanya nila si Hino ay hinding-hindi na sila magkikita.

"HOW'S YOUR heart?"

Iyon ang pagtatanong na ni Mira sa kanya habang kausap niya ito sa telepono. Nakaayos na siya muli base sa karakter niya. At dahil tungkol sa kanila ni Hino ang unang kukuhanan sa skating rink ay dahan-dahan na rin niyang kinokondisyon ang sarili.

"I don't know, minsan pinapagana ko na rin lang iyong utak ko dahil siguradong kapag pinairal ko ang puso ko, babagsak lang lahat ng pinaghirapan ko" sagot naman niyang ikinabuntong hininga nito

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon