Chapter Nine

90 6 0
                                    

CHAPTER NINE

"SINABI KO NA sa'yo, I don't have time to tell things to anyone" pagsagot kay Aira ni Yiro habang pinuntahan niya ito sa loob ng opisina

Hindi siya mapakali na isipin na baka sa kapatid niya nalaman ni Hino ang tungkol sa pangalan niya. Naalala niyang ang nakatatandang kapatid niya ang kumausap sa mga ito ng magbago ang konsepto, maaaring natanong ito ni Hino sa kapatid niya o kaya ay may nagtanong sa kapatid niya na sinagot naman nito. Ngunit sa nakikita niyang reaksiyon sa Kuya niya, mukhang malabo nga talagang dito nanggaling ang impormasyon.

"Kuya, sigurado ka ba?"

"I am a hundred percent sure Sis, pero bakit mo ba tinatanong? Sino namang tumawag sa'yo sa buong pangalan mo na hindi katanggap-tanggap?" pagtatanong na nitong ikinaisip niya

Kung ganoon, hindi nga galing sa kapatid niya. Wala na siyang ibang tao na maisip na maaaring may alam ng pangalan niya bukod sa pamilya niya. For sure, hindi niya parents iyon. Malayo ang mga ito. Hindi rin mga Japanese friends niya, mas kilala siya ng mga ito bilang Aihira o Moriko. Hindi rin sila Uryllane, nasa Pilipinas ang mga ito. Kung ganoon, paano nalaman lahat ito ni Hino?

"Si Hino" tipid na sagot na lamang niya rito habang patuloy na nag-iisip

"Si Hino? Bakit ka naman tatawagin no'n sa nickname mo?" pagtataka rin ng Kuya niya ng hindi niya sinasagot

Marahan pa siyang nag-isip bago may biglang pumasok na ideya sa kanya. Tama! Maaaring iyon na nga ang dahilan!

"Kuya! Sa bahay ko nalang gagawin iyong mga dapat kong pirmahan, uuwi muna ako!" pagpaalam niya ritong mabilis na lumabas ng opisina

"Teka Aira! Marami kang trabaho ngayon!" pagsigaw na rin nitong hindi na niya pinansin

Isa na lang ang maaaring dahilan kung bakit kilala siya ni Hino. Maaaring nagkita na sila ng binata dati pa. Maaaring noon pa man ay nasa paligid lang niya si Hino na hindi na niya matandaan. Kailangan malaman niya, nararamdaman niyang may isang malaking dahilan kung bakit ganoon na lamang ang mga sinasabi sa kanya ng binata. Kung bakit tinago nito na marunong itong magtagalog. At kung bakit, may gusto itong ipaalala na hindi niya maintindihan.

Pagkarating niya sa bahay ay nagkulong siya sa library ng tahanan nila. Nandoon lahat ng pictures na mayroon ang pamilya niya pati na ang mga fan pictures na pinapadala sa kanya. Kailangan niyang malaman kung totoo nga bang maaaring parte ng nakaraan niya si Hino.

Sa dami ng mga photo albums na naroon ay inabot na rin siya ng ilang oras. Magmamadaling araw na ay wala pa rin siyang nakikita. Sumasakit na rin ang batok at likod niya sa kanina pang pagkakasalampak sa sahig para lamang makahagilap ng ilang impormasyon rito. Ngunit pagkatapos nga ng ilang box ng random pictures at halos nasa daang photo albums ay wala pa rin siyang nakita. Kung ganoon, posible kayang nakasalubong lamang niya si Hino sa daan kaya pakiramdam niya ay nakilala na niya ang binata?

Napatayo na siya sa pagkakaupo bago muling tiningnan ang lagayan ng mga larawan.

"University Year book, High School Year book ni Kuya Yiro, High School Year book ko, Junior High ni Kuya, sa akin...." pagbabasa niya sa iba pang mga librong naroon ngunit nang makarating siya sa dulo ay hindi niya mapigilan na mapangiti

"Kindergarten Year book, buhay pa pala ito" wika niyang kinuha na rin ang libro

Natutuwa siya nang makitang iyon nga ang year book niya noong grumaduate siya sa Pilipinas. Kung tutuusin ay wala na sa isip niya ang tungkol sa hinahanap noong mga panahon na iyon. Ngunit hindi niya maipaliwanag nang makitang sa listahan ng mga kaklase niya ay may pangalan na hindi niya akalain doon niya matatagpuan.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon