Chapter Seven

69 7 0
                                    

CHAPTER SEVEN

NANG SUMUNOD NA araw ay hindi niya magawang alisin ang tingin kay Hino. Alam niya, naniniwala siya na tama ang narinig niya kagabi. Kung hindi kasi si Hino, sino ang sasagot sa kanya ng ganoon samantalang sila lang naman ang nasa bahagi ng lugar na iyon? Hindi naman siya naniniwala sa supernatural beings at alam niyang walang nuno sa resort nila. Kailangan malaman niya kung naiintindihan ba talaga ni Hino ang mga sinasabi niya.

Pagkatapos i-retouch ang make-up niya ay pinuntahan na niya ito. Kahit sa malayo ay mariin lamang niyang sinusundan ang galaw ng binata. Nang tinawag ito dahil ito ang unang kukuhanan ng eksena ay hindi niya maiwasang magsalita sa pagdaan nito sa kanya.

"Bakla" wika niyang marahang ikinatigil nito ngunit dumaretso muli na parang hindi inisip na ito ang pinaringgan niya

Ano iyon? Ganoon na lang? Wala na bang mas malupit na reaksiyon doon? Hindi ito pwede, kailangan makumpirma niya ang katotohanan.

Nakasubaybay lamang siya sa bawat kilos ni Hino. Umaarte ito at halata niya ang emosyon sa karakter na ginagampanan nito. Isang karakter na hindi mukhang suplado at malayong-malayo sa tunay na Hino. Nang matapos ang parte nito ay siya naman ang tinawag para sa kukuhanang parte niya.

Bahagya itong tumingin sa kanya ng daanan siya at alam niyang sa narinig niya kagabi, kahit malabong mangyari, naniniwala siya na maaring si Hino iyon.

"SUMIMASEN! Excuse me!" pagtabi na niya rito matapos rin kuhanan ang eksena niya

Nakakunot ang noo nitong napabaling sa kanya. Maski ang iba ay naninibago sa nakitang pagtabi niya kay Hino pero hindi na importante iyon! Ang mahalaga sa kanya ay malaman ang sikreto rito.

"Nani des' ka? What is it?"

Ibinaling na muli nito ang tuon sa binabasa ngunit kahit na ganoon ay hindi siya magpapadaig. Sanay na siya sa ganoong reaksiyon nito.

"Daisuki! I like you" nakangiting bulong niya rito na madaling ikinabaling ng binata

Pero hindi pa tapos ang sasabihin niya. At nang tuluyan itong mapamaang sa narinig mula sa kanya ay nag-iba na rin ang ekspresyon ng mukha niya sa harap nito.

"Kaso asa ka pa. Bakla ka kaya! Ikaw lang ang nakilala kong lalaking pumapatol sa babae pero alam mo, magkakasundo tayo kung ganoon! Masarap magkaroon ng kaibigang bakla!" nakangiti muling saad niyang ikinakunot ng noo nito at napamapang-asar na ngiti bago mariing isinarado ang binabasang libro at tumayo sa tabi niya

"Anata mo yurusai yo. You're noisy" mahinang saad na rin nitong tinapik ang likod at lumayo sa kanya

Hindi siya susuko! Nag-uumpisa pa lamang siya!

Sa buong maghapon ay ganoon lamang ang ginagawa niya. Hindi siya magawang asarin ni Hino dahil nauunahan niya ito. Lagi rin siyang nakasunod sa binata at pinaparatangan ito ng ilang bagay na sa nakikita niya ay kahit ikinakukunot ng noo ni Hino ay iniiwasan nito. Kung totoo man ang naiisip niya, marahil ay may himalang pangyayari na nangyari sa binata para malaman nito ang lenggwahe niya.

Sa paglipas ng oras ay hindi siya nito pinapansin. Kahit ilang beses niyang tagalugin ito ay umaalis lamang sa harap niya si Hino na akala mo ay walang naiintindihan nga sa kanya habang sinasabihan siya nang 'weirdo' o 'masyadong maingay'. At kahit sumapit ang gabi at paglipas ng ilang panibagong umaga ay ganoon pa rin ang sitwasyon nila. Naiirita na siya, parang siya pa ata ang mawawalan ng pasensya sa hindi na nito pagkibo sa ginagawa niya.

Dalawang araw na ang lumipas at kung matatapos pa ang araw na ito ay siguradong hindi na niya makukuha ang kailangan niya dahil katapusan na ng taping nila bukas.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon