CHAPTER FOUR
"AIRA, BUMANGON ka muna diyan. Samahan mo na akong mag-exercise" bungad na bati sa kanya ng kanyang Kuya nang gisingin siya nito sa pagkakatulog
"Kailangan ka pa nakauwi?" saad naman niyang bahagyang bumangon na rin para rito
"Dumating ako kagabi pero tulog ka na kaya hindi na kita ginising, may dala nga pala akong chocolate muffins at chocolate truffle sa'yo. Wala nanaman kasing magawa iyong dalawang doktora sa Pilipinas kaya nagpaligsahan sa pagbe-bake at napagkaisahan nanaman kami ni Shigure pero parehas namang masarap. Wala namang itatapon sa lasa kaya walang natalo at walang nanalo. Try mo nalang mamaya sa breakfast" saad nitong ikinangisi niya
"May talent ang dalawang iyon sa pagbe-bake? Parang malabo naman ata. Baka may lason iyon ha" nakangising saad niyang binalingan ang nakatatandang kapatid
"Wala naman siguro, hindi naman bumula ang bibig namin" pagsagot pa nitong ikinangiti niya
Kagaya nga ng plano ay sinamahan na niya pagjo-jogging ang Kuya niya. Hindi pa rin nagbabago ito, kahit na workaholic ay nagagawa pa ring ingatan ang katawan. Sana lang ay ganun rin siya kaya lang ni-minsan hindi siya naging fanatic ng exercise. Balance diet lang ang sekreto niya.
Nang makuntento ito sa ilang oras nilang pag-iikot ay minabuti na rin nitong umuwi sa bahay niya. Ganoon naman ang Kuya niya, hindi man nito sinasabi ay alam niyang kapag namimiss siya ng Kuya niya ay sa bahay niya ito tumutuloy. Kung tutuusin ay may sarili naman itong bahay na Japanese na Japanese ang pagkakagawa, ang sa kanya kasi ay Western Style at ito ang original na bahay nila kasama ang pamilya pero nang pinili nang magulang nila na mamalagi na lamang sa Europe matapos saluhin nilang magkapatid ang negosyo ay ibinigay ng Kuya niya ang karapatan ng bahay na iyon sa kanya habang nagpagawa naman ito ng sariling laking liit sa pagme-may-ari niya.
KASALUKUYAN NA silang nagbe-breakfast na magkapatid ng inabot nito sa kanya ang isang maliit na papel.
"Ano ito?" pagtatanong niya sa Kuya niyang nginitian naman nito
"Paunang resulta ng dugo't pawis mo" saad naman nitong nginitian siya
Isang website ang laman ng maliit na papel na iyon. Hindi niya alam kung anong meron sa site na iyon at talagang ibinigay pa ng Kuya niya sa kanya ang eksaktong address nito.
"Kumusta ang commercial?" pagtatanong muli nito sa isang bagay na ayaw sana niyang pag-usapan
"Okay naman" sagot na lamang niya para hindi na humaba pa ang usapan
"You're getting well with Hino?" pagtatanong muli nitong ikinabaling niya sa kapatid
"Kuya, tanong ba iyan?"
"Hayy naku Aihira, kailan ka kaya matututo? Sinabi ko na sa'yo, behave yourself" pagbibilin muli nito
"I am, Kuya. Isa pa hindi naman nahahalata ng mga katrabaho namin na magkaaway kami lalo na ngayon na minamaliit ako ng pesteng iyon" inis na pagkekwento pa niya rito
"Minamaliit ka ni Hino?" interesanteng pagtatanong nito
"Well, sort of. Nung first day kasi ng taping nadala niya ko ng acting niya kaya ayun parang sobrang natural ng pag-arte ko to the point na hindi na kailangang i-retake ang scene namin. Simula noon, tingin niya wala akong kwenta kasi madali akong nadadala"
Imbis na kahit papano ay ipagtanggol at maging kakampi niya ito ay natawa pa ang kapatid niya sa ikinwento niya rito.
"Kuya, okay ka lang ba?" nagtatakang saad niya sa reaksiyon nito
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...