Chapter Eighteen

67 7 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

NAPADILAT NA SI Aira sa malakas na tunog ng ulan sa labas. Malamig lalo ang buong paligid. At tila malamlam ang araw na iyon para sa kanya. Alam niya, iilang oras pa lamang siya nakakatulog. Ngunit doon ay naniniwala rin siyang magiging kapani-paniwala ang bunga ng lahat.

Bumangon na rin siya sa kama at nag-ayos na ng sarili. Hindi niya mapigilang mapatingin sa repleksyon niya. Tama naman na ang ginagawa niya hindi ba? Tama naman.

Matapos makapaghilamos at makapagsipilyo ay nag-umpisa na rin siyang kumain ng agahan. Solo na muli niya ang bahay. Nakabalik na kasi sa Pilipinas ang mga doktora niyang kaibigan. Nasa Pilipinas rin ang Kuya niya kaya hindi rin ito dadaan doon at nasa Europa na muli ang mga magulang niya. Mag-isa na muli siya, ngunit maganda iyon para sa lahat ng pagdadaanan niya. Mabuti nang walang makakakita sa paghihirap niya.

Maya-maya pa ay iniabot na rin sa tabi niya ang dyaryo para sa araw na iyon. Puno ng kaba ang dibdib niya. Ngunit kailangan na niyang panindigan ito. Ito nalang talaga. Ito nalang.

Sa kanyang pagbukas ay hindi na rin siya nagulat. Kagaya ng inaasahan, nakaheadline na sa dyaryo ang larawan na pina-edit niya kasama ang isang lalaki pinagmukhang kasing edad lamang niya. Naroon na rin ang balita na may nobyo siya na hindi taga-showbiz.

Ito lang ang paraan para maging maayos ang lahat. Alam niyang marami ang mabibigla. Alam niyang marami ang hindi makakapaniwala. Ngunit pwera sa mga tauhan nila sa kompanya, hindi na alam ng publiko na may relasyon sila ni Hino. Ito lang ang paraan para tuluyan na siyang kamuhian nito. Walang iba kung hindi gawan niya ng isyu ang sarili niya sa likod ng maraming tao.

Hindi na lamang niya mapigilang mapabuntong hininga bago pilit na nilulunok ang lahat. Ngayon nagawa na niya. Kahit pasimulan pa lamang ay matatanaw na rin niya ang katapusan ng lahat.

AIHIRA! ANONG ibig sabihin ng balita? Ito ba ang pinaplano mo? Ano ba talagang nangyayari?

Ibinaba na lamang niya ang telepono matapos mabasa ang mensahe ng kapatid. Sigurado siyang nakarating na sa Pilipinas ang balita. Expected na niya ang mga reaksiyon nito at siguradong ano mang oras, darating na rin ang hinihintay niya.

Hindi na lamang niya mapigilang mapatanaw sa labas ng bintana ng opisina. Malakas nanaman ang ulan. Kasabay ng patuloy na pag-aalinlangan ng dibdib niya sa balitang ito ay ang pagtitibay rin niya sa sarili na darating ang panahon na hindi na niya kailangang masaktan pa. Na magkakaroon din ng kaayusan ang lahat. Matatapos na din ito. Tama ang pinlano niya.

Maya-maya pa ay narinig na rin niya ang mabilis at kumakaripas na pagpasok nito sa pinto ng kanyang opisina. Kahit sa sandaling panahon, nababasa na niya ang mga galaw nito. Maski ang amoy nito ay tumatak na rin sa kanya. Ngunit kasabay na rin ng nararamdaman niyang kakaibang aura nito ay ang panginginig na rin ng tuhod niya.

"Can I talk to you?" mahina ngunit seryoso nang wika nito mula sa likuran niya

Mariin niyang binuo ang paninindigan sa sarili bago pinilit na masayang hinarap ito.

"O Hino, nandito ka na pala. Long time no see" nakangiti naman niyang wika ritong itinaas pa ang kamay bilang pagbati

"Totoo ba?"

Ramdam niya ang unti-unting pamumuo ng galit nito na pilit pa ring pinipigil. Sa maikling tanong nito na iyon ay hindi nagbago ang ekspresyon ng binata. Seryoso pa rin itong nakamasid sa kanya. Ngunit hindi siya dapat magpatalo. Kung kailangan gamitin niya ang pagiging artista niya ay gagawin niya.

"Totoo ang alin?" pagmamaang-maangan naman niyang lalong ikinasimangot nito

Sa isang iglap, tumaas na rin ang boses ni Hino.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon