CHAPTER ELEVEN
ISA'T KALAHATING BUWAN na ang lumipas simula nang huli silang magkita. Sa nakalipas na dalawang buwan ay nagawa na niyang makapagmodelo muli sa Milan at Paris dahil na rin sa mga offers na hiningi pa mismo nga mga kaibigan niya sa mga nasabing lugar. Paulit-ulit na trabaho na rin naman sa opisina ang pinagkaabalahan niya. Ngunit sa nakalipas rin na panahon na iyon ay hindi ata nagawa ni Hino na balitaan lamang siya tungkol sa buhay nito.
Hindi niya mapigilan mapatulala sa nabasa niya sa dyaryo. Nakita si Hino na namamasyal sa Germany kasama si Tonaya Keiko, anak ng isang sikat na may ari ng modeling company nito at isa ring modelo. Bilang babae, hindi naman dapat siya apektado pero hindi niya mapigilan ang sariling mag-isip sa pagkirot na rin ng kabilang bahagi ng puso niya. Wala rin naman siyang ine-expect mula rito dahil simula't simula magkaibigan lang naman sila.
Sa nabalitaan rin niya sa telebisyon at diyaryo ay busy ang binata sa mga new projects nito. Hindi pa rin lumalagapak ang career nito at ikinatutuwa na rin niya iyon. Ngunit mukhang nagagawa nang magmahal ng kababata niya. Bakit parang siya, hindi pa rin alam ang dapat gawin?
Iamtheone: Good mood ka ba today?
Napatingin siya sa nakita sa screen bago napabuntong hininga. Nasa loob lamang siya ng opisina habang nagpapahinga mula sa trabaho na iniwan sa kanya ng Kuya niyang patuloy na nanatili sa Pilipinas.
Sa nakalipas na mga linggo ay itong taong ito ang naging kaibigan niya. Simula kasi noong binawi niya ang lahat ng sinabi niya ay naging mabait na rin ito sa kanya. Sa katunayan, lagi nga siyang kinakamusta nito. Pati pagkain na kinakain nila ay pinagkekwentuhan nilang dalawa. Para na nga silang virus sa forum na iyon dahil sila na lamang ang nagkakaintindihan.
whatiknow: Yup, good mood today. Ikaw? How are you? It's been like two days.
Pagsagot naman niyang hinihintay na rin lang ang reply nito na hindi rin nagtagal at sinagot.
Iamtheone: Hmm..I kinda feel emotional, you know? The feeling you get when you miss someone?
Napangiti siya sa sagot nito. Impaktang babae. Gumaganon na?
whatiknow: Well, think of it as if that someone misses you too
Pagsagot naman niyang imbis na ikachismis niya rito ay pagtulong na rin niya para gumaan ang loob ng kausap. Hindi naman niya maiwasan pagtitigan na rin ang naging sagot niya.
"Missing someone ha?"
Napatawa na lamang siya sa mga ideyang pumapasok sa isip niya.
Iamtheone: Sa tingin mo? Sana nga. Thanks for saying that, it makes me feel a little bit better.
whatiknow: Glad to help.
Napabuntong hininga na rin lamang siya habang ibinaba ang sandali ang screen ng laptop na nasa harap niya ngayon. Buti pa ang iba may love life, siya kaya kailan magkakaroon?
Sa kusang pagpigit ng mata niya ay nablangko ang buong sistema niya. Ngunit sa kabila ng lahat, ikinakilabot niya ang imaheng biglaang pumasok sa sariling isip.
Mabilis siyang napaayos ng upo sa upuan sa biglang imahe na iyon. Hindi pwede ito, hindi naman kasama sa candidate ng iibigan niya ang binata pero bakit kusa itong sumusugod sa utak niya? Sinasapian na ata siya.
"AIRA, READY na ang lahat" iyon ang bungad na saad sa kanya ng nakatatandang kapatid niya ng sagutin niya ang tawag nito mula sa Pilipinas
"Ready ang lahat saan Kuya?" pagkukumpirma pa niya rito habang hindi pa tuluyang idinidilat ang mga mata
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...