Chapter Six

109 5 0
                                    

CHAPTER SIX

"HEY SIS! ANONG ginagawa mo?" napaigtad si Aira ng makitang nasa likod na pala niya ang kapatid niya

Kanina pa kasi siya nakatulala dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang 'Iamtheone' na iyon na walang tigil sa panlalait sa kanya. Lalo lang tuloy siyang naiinis dito.

Tumingin ang kapatid niya sa ginagawa niya sa laptop. At kagaya nga ng inaasahan ay napadilat pa ito sa nabasa. Alam na niya ang kasunod nito.

"Nakikipag-away ka sa isang fan?!" hindi makapaniwalang saad nito sa kanya na tumayo sa harap niya

Napakagat-labi na lamang siya ng marinig nanaman ang nagsisimulang panenermon nito. Siguradong lagot nanaman siya sa kapatid niya. At parang mas lalong nadagdagan ang pressure niya ng makitang pati ang tatlong nanonood sa loob ay lumabas sa balkonahe para lamang tingnan ang sinasabi ng kapatid niya.

"Woahh! Ibang klase Aira!" hindi makapaniwalang saad naman ni Shigure na tuwang-tuwa sa nakikita

"Ito iyong site nang fansclub niyo ni Hino ah!" wika rin ni Mira na hindi mapigilan matawa rin sa nakikita

"Hey! Huwag niyong itolerate iyang ginagawa ni Aira hah! Aira, hindi ko binigay iyang site na iyan sa'yo para makipag-away ka sa kung sino mang may ayaw sa'yo" madiin nanamang pagsasalita ng kapatid niya

"Kuya, hindi naman ako nakikipag-away. Pinagtatanggol ko lang iyong sarili ko" pagsagot naman niya ritong ikinatango nang dalawa babae

"Iroy, hindi naman masama ang ginagawa ni Aira. Sumasagot lang naman siya. Isa pa site nila ni Hino ito. Nagkataon lang na tinatanong ang opinyon ng bawat miyembro kaya may ganitong mga salita. Hindi mo naman mapipigilan ang tao at lalong hindi naman masamang ipagtanggol ang sarili mo" saad ni Mira para mapaliwanagan ang kapatid niya

"Kahit na. Hindi na siya bata para makipag-sagutan sa ganyan. Isa pa, dapat umaakto na siyang professional lalo na't bukod sa pagmomodelo, nagco-commercial na siya"

"Kuya, kagaya nga ng sinasabi ni Mira, I mean Ate Mira. Wala naman akong balak na gawing masama, sinasagot ko lang ang patutsada niya" pagdadahilan naman niya

"Hayaan mo na Yiro, wala namang makakaalam na si Aira na nga iyang nakikipagtalo para sa sarili niya" sagot naman ni Ury na ikinasimangot ngunit ikinaisip lalo ng kapatid niya

"Kailan ang start ng taping niyo sa Ski Paradise?" pagtatanong nito sa kanyang sinagot naman niya ng maayos

"Sa Wednesday next week" pagsagot naman niya ritong hindi malaman ang gustong ipahiwatig ng kapatid niya

"Since na Friday palang naman ngayon, bukas pumunta ka at pirmahan mo ang lahat ng kailangan mong pirmahan sa opisina. Sa Linggo, kahit hindi ka pumasok walang problema pero sa Lunes, pumunta ka na ng Ski Paradise. Gawin mo ang lahat ng kailangan trabahuhin doon. Tamang-tama, ako dapat talaga ang pupunta doon pero since na may kasalanan ka, mabuti nang kahit papano maparusahan ka diyan sa ginagawa mo" pagpapaliwanag pa nitong ikinanganga niya

"Kuya!!" pagtanggi niya sa pinapagawa nito sa kanya

"Kaysa gumawa ka ng kalokohan mabuti nang maging busy ka nalang sa trabaho"

"Pero may photoshoot ako sa Lunes!" pagsigaw muli niya rito habang patuloy na itong pumapasok muli sa loob

"Then do it on Sunday!" pagsigaw rin nito sa kanya

Para siyang napatulala sa gusto nitong gawin sa buhay niya. Sira tuloy lahat ng plano niya. At kasalanan lahat ito ng 'Iamtheone' na iyon.

"Yiro is still as harsh as ever" wika ni Kuya Shigure niya na sinang-ayunan naman ng dalawang babae

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon