CHAPTER TWENTY
"NASAAN NA SI Mira, bakit parang wala atang maingay diyan sa likod mo?" nakangiting pagtatanong na ni Aira sa kausap sa telepono habang pinapasok na niya sa likod ng sasakyan ang bag na dala
"May operasyon iyon ngayon, 5 hours na nga siyang nasa Operating Room. Mukhang matatagalan pa, pero I know in God's grace magiging succesful naman ang operation. Ilang linggong pinaghandaan ni Mira iyon" wika rin naman nitong ikinangiti niya
"That's great! At least I know, you'll have time for me" saad naman niya na sumandal panandalian sa sasakyan
"Time? Eh hindi ba, so far nakakapagchat naman tayo once in a while. We have time for you naman ah!" pagtatanggol pa nitong akala mo ay sinisisi niya
"That's not what I mean, remember, may deal kaming magkapatid? Gagawin ko itong mini-serye/commercial kapalit nang 1 month stay ko sa Pilipinas?" nakangiti na rin naman pagpapaalala nitong ikinatuwa rin ng nasa kabilang linya.
"Oo nga pala! Dito ka na tumuloy sa'kin ha? Maliit lang bahay namin but dahil mag-isa nalang ako, keri na rin"
"Asus! I'm sure mago-offer rin si Mira. May condo naman ako hindi ba? Doon nalang siguro ako"
"Ayoko nga! Dito ka, wala nang kahit anong reklamo. Sagot ko na 1 month living expenses mo"
Natawa na lamang siya sa mga sinasabi ng babaeng ito nang maya-maya ay maramdaman niya na may nakamasid sa kanya.
Napabaling naman siya sa direksyon kung saan niyang tanto na pinanggalingan nito. Ngunit siya na rin ang napamaang ng makitang si Hino ang nakatayo malapit sa kanya.
"Ury, tatawagan nalang kita pagkauwi ko ha?" pagpapaalam na lamang niya sa kaibigan bago hinarap ang lalaking ito
Bumibilis nanaman ang tibok ng puso niya sa biglaan pa nilang pagtatagpo. Akala kasi niya nakaalis na ito. Hindi niya nakondisyon ang sarili sa kung paano pakikiharapan ito.
"Pwede ba tayong mag-usap?" magaan na pagtatanong nitong ikinapagtaka niya
May tila kasing nag-iba sa tono ng binata. Lumambot kahit papano ang kanina'y matigas na boses nito.
"Hindi ba't nag-uusap na nga tayo? May kailangan ka nanaman bang iparatang sa'kin?" pagtatanong naman niyang seryosong ikinapag-isip nito bago muling hinarap siya
"Bakit mo sinabing isinuko mo ako kay Keiko? Ipinamigay mo lang ba talaga ako o sadyang nagsawa ka kaya ka sumuko at nanloko?" seryoso na ring pagtatanong nitong ikinaiwas niya ng tingin
Sa kauna-unahang pagkakataon. Alam niyang may naramdaman na si Hino. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya pwedeng magsalita. Sa oras na malaman ni Keiko na nagsalita siya kay Hino. Ito nanaman ang apektado.
Kaysa magpakain muli siya sa panghihina ng loob. Inipon na lamang niya ang natitirang tibay ng loob na meron bago hinirap ito.
"Hindi na mahalaga iyon Hino. Isipin nalang natin na patas lang tayo. Ako na nanloko at nakipagdate sa iba at ikaw na kinamumuhian ako at nagsisimula nang maging kay ni Keiko. This is life, hindi lahat pwedeng magtagal sa'tin. Pero isang katotohanan lang ang masasabi ko sa'yo Hino..." pagdaretso na niya ng tingin bago totoong nginitian ito
"Noong panahon na magkasama tayo, minahal kita sa paraang alam ko pero hanggang doon na nga lang ata talaga iyon. Wala na kong karapatan para ibalik ang nasira nating nakaraan. Sorry Hino sa hindi ko pagtupad ng pangako ko. Sorry" pahuling saad na lamang niya bago na nagmadaling pumasok sa sasakyan at mabilis na pinaandar
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...