Chapter Twelve

73 4 0
                                    

CHAPTER TWELVE

NAPAMULAT SI Aira sa narinig na pagkalabog sa ibabang bahagi ng bahay na iyon. Noong una ay nag-aalinlangan pa siya ngunit hindi kalaunan ay may narinig nanaman siyang mga yabag na naging dahilan para mapabangon na siya ng kama. Agad niyang kinapa sa ilalim na bahagi ng kanyang unan ang pepper spray na lagi niyang baon-baon bago dahan-dahan sumilip sa may pinto.

Madilim ang paligid, wala siyang makita ngunit ng may galaw nanaman siyang narinig ay napasandal na lamang siya sa likod ng pinto. Kinakabahan siya. Paano kung may magnanakaw? Paano niya dedepensahan ang sarili niya dahil baka akala nito ay walang tao sa loob ng villa nila? Kailangan niyang makahanap ng paraan, pero paano? Paano kung kahit anong lakas ng loob ang gawin niya ay wala pa ring mangyari? Paano na siya? Baka mamaya, mamatay siya ng walang nakaalam man lang.

Ipinigit niya sandali ang mga mata bago pinipilit na kainin ang takot na nararamdaman niya ngunit nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ay higit pa sa nakakita ng multo ang kaba niya nang makita itong nakatayo roon. Madali nitong tinakpan ang bibig niya upang hindi siya tuluyang makasigaw.

"Please, huwag na huwag kang sisigaw" saad naman nitong nakadilat pa rin na baling niya sa binata

Nang tumango siya ay hindi na rin niya napigilang mapaluhod kasabay na rin na pagsuko ng tuhod nito. Kailangan ba palagi nalang siyang ninenerbiyos tuwing nagtatagpo landas nila?

"Ano bang ginagawa mo rito?" mahinang saad naman niyang hindi mapigilang balingan ang binata

Pawis na pawis pa rin ito mula sa ilang metrong layo ata ng Villa nila sa isa't isa. Ngunit sa huli ay nakahinga na rin ito ng maluwag na nag-explain sa kanya

"Nalaman nila kung nasaan ako" hinihingal na saad naman nito bago na rin may kung anong itinuro sa bintana niya. Maski siya ay nagulat ng makita ang nagkalat na mga reporter sa paligid

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya rito na napasandal namang tinanguan ng binata

"Akala ko talaga katapusan ko na, mabuti na lamang at nang magkaroon ng pagkakataon ay nagawa kong makatakas. Kung hindi ay siguradong mahuhuli nilang nasa Okinawa nga ako" hinihingal pa rin na saad nito

Napabaling na lamang siya sa pagod na pigura ng binata bago nagdesisyong tumayo mula sa tabi nito.

"Ikukuha lang kita ng tubig" saad niyang napatayo muli sa tabi nito at nagmadali na ring makalabas ng kuwarto

Napasapo nanaman siya sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nanaginip lang siya para masabing nasa loob nga ng bahay niya ang taong itong kanina pa sumisira ng sistema niya. Siya muna ang uminom ng tubig bago kinalma ang sarili.

"Kaya mo ito Aira" saad na lamang niya sa sarili bago kumuha na rin ng basong may tubig at dinala sa kuwarto

"Hino, mabuti pa uminom ka muna?" saad niyang madali na rin ikinatigil ng balingan ito

Nakatulog na ang binata sa sobrang pagod na naramdaman nito. Maski siya ay napatulala sa simpleng imahe nito. Hindi niya mapigilang lapitan at kusang pagtitigan ang itsura ng binata. Hindi rin niya mapigilan ang patuloy na pagkalabog ng dibdib niya habang nakamasid rito. Ngunit nang maisip ang ginagawa niya ay siya na rin ang napaatras sa kahihiyan.

"Nasisiraan na ata ako" mahinang saad na lamang niya hinawi ang buhok na nakasaboy sa mga mata nito bago na rin nilagyan ng kumot ang binata at mabilis na ikibalik niya sa higaan

Hindi niya alam kung hanggang saan siya makakarating ng dahil lang sa napipinto niyang damdamin pero kung ano man ang kalabasan ng lahat. Sana malagpasan niya ang ipinaglalaban niya ngayon. Sana mabaliko pa niya ang namumuong ugnayan na tila ipinaglalaban ng puso niya.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon