CHAPTER TWENTY-ONE
"AIRA, AYOS KA na ba? Gusto mo ba ihatid kita sa airport?"
Iyon ang pag-uusap ni Aira at ni Yiro sa telepono habang isinasakay na niya ang bagahe sa likod ng sasakyan. Kahit medyo nanlulumo ay may kahit papano na naitulong naman sa kanya ang ginawang pagluha. Bukod kasi sa nakatulog siya dahil sa pagod na naramdaman kanina ay gumaan kahit papaano ang loob niya sa pagsisiwalat ng damdamin na pilit na itinatago sa kaloob-looban ng sarili niya.
"Huwag na Kuya, kaya ko na ang sarili ko. It's not like I am going home for good. Isang buwan lang ako mawawala plus sa pag-uwi mo doon, magkikita at magkikita naman tayo. Ipakuha mo nalang itong sasakyan ko sa airport pagkaalis ko" pagsagot na rin naman niya rito bago pumasok na rin ng sasakyan
"Okay okay, susunduin ka naman nila Uryllane hindi ba?"
"Yes Kuya, sige na, magmamaneho na ko. Magkita nalang tayo sa Pilipinas"
"Okay, take care sis! I'll see you there" saad na rin naman nitong ibinaba na ang telepono
Sa pagbubukas niya ng makina ay naramdaman na rin niya ang simula ng maaaring pagbabago sa buhay niya. Sana sa pag-uwi niya ng Pilipinas, mabago na rin ang takbo ng puso niya.
NAPADILAT SI Hino nang tapikin siya ng sarili niyang manager at sabihing nasa Toyani Group na sila, ang talent agency kung saan siya napapabilang.
Napabuntong hininga na lamang siya bago bumaba ng sasakyan. Si Aira nanaman ang laman ng panaginip niya. Bakit ba kahit anong gawin niya ay hindi siya matauhan? Kahit anong galit niya hindi niya tuluyang matigilan ang pagbaling sa dalaga? At kahit ito na ang nagsabi sa kanya ng harap-harapan na niloko siya nito ay hindi pa rin sumusuko ang puso niya.
Simula ng maghiwalay sila. Pakiramdam niya, may isang bagay pa rin siyang hindi maintindihan. Nakita niya ang seryoso at mataas na tingin nito sa sarili noong araw na umamin itong niloloko siya. Ngunit noong naghiwalay sila ng landas sa Ski Paradise, nakita rin niya ang sakit sa mga mata nito na alam niyang ikinatulad ng sa kanya. Hindi niya ata talaga maintindihan si Aira. Ilang beses na niya itong nahuling inaalipusta si Keiko at ilang beses na niya nakita ang pagsasawalang-bahala nito sa kanya pero sa simpleng ekspresyon lamang nito noong araw na magpaalam sila sa isa't isa sa Ski Paradise ay nagbago ang tingin niya. Hindi na talaga niya maintindihan ang tunay na dahilan sa nangyari sa kanila.
Pagkatapos niyang gawin ang kailangan sa lugar na iyon ay hinanap na rin niya si Keiko. Alam niyang nasa gusaling iyon ang babaeng ito. Minsan nag-iisip siya kung tama bang pagbalingan niya ng pansin si Keiko kahit hindi niya mahal ito, ngunit siya na rin ang nagsasabi sa sarili na wala namang masama kung turuan niyang mahalin ang taong ito na matagal nang nasa tabi niya. Kaysa isipin niya ang isang babaeng niloko siya, bakit hindi na lamang niya bigyan ng pansin ang taong kayang magbigay ng pagmamahal sa kanya? Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad sa direksyon papunta sa kinaroroonan nito.
Matapos ang makailang ikot at pag-iisip ay sa wakas natunton na rin niya ang lugar na sinasabing pinagpapahingahan ng dalaga. Ngunit maliit pa lamang ang nabubuksan niya sa pinto ay siya na rin ang napatigil sa narinig na sinasabi sa sinumang kausap nito sa telepono.
"Anong akala mo sa'kin bobo? Syempre hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na piliin niya ang sarili niya. Aihira Moriko has no choice but to leave Hino. Sa totoo lang, I can't believe na gagawin niya ang lahat kamuhian lang siya ni Hino. If you were here, makikita mong ang sarap nilang panoorin na nagsasakitan silang dalawa. Masyado lang matapang si Aira, lumalaban pa rin siya kahit nawala na sa kanya si Hino. Minsan talaga ang sarap gamitin ng posisyon ni daddy, nagagawa ko ang kahit anong gusto ko" wika nitong ikinatigil na ng mundo niya
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...