CHAPTER SEVENTEEN
"KUYA, I'll go na. Dalhin ko nalang ito! Bye guys!"
Iyon ang mabilis na pagpaapaalam ni Aihira sa mga tao sa bahay niya. Kahapon lamang ay nakaalis na muling ang mga magulang niya matapos ang ilang araw na pagpapahinga sa Japan. Nagawa naman niyang samahan ito sa mga free time na meron siya kaya kahit papano ay masaya na rin siya. Isa pa, nandito pa rin naman sa Japan ang dalawang doktorang kaibigan niya kasama ang kanya-kanyang mga irog nito. Hindi pa rin siya mabobored.
"Teka Aihira! Yung --"
Hindi na nagawang matapos ng Kuya niya ang dapat sabihin dahil na rin sa mabilis niyang paglayo. Masyado siyang napagod kasi sa nagdaang araw kaya heto't muntikan pa siyang malate.
Ngunit papasok pa lamang siya sa vicinity ng pagte-patapingan nila ay narinig na niya ang pagtunog ng ringtone niya. Mabilis naman niyang sinagot iyon ng hindi na tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Moshi moshi"
"Good morning Aira!"
Iyon ang malakas at maligayang bati nito na ikinatigil niya paglalakad.
"Keiko?" biglang kaba niyang saad sa taong ito na nakalimutan niya noong mga nagdaang araw
"Hai. Yes"
"Ahh, Aira! Pwede ba tayong magkita sa Blossom Cafe? Malapit siya sa kompanya namin. I have something for you" saad nitong ikinaisip niya
Kung ganoon, wala siyang dapat ikatakot. Wala siyang relasyon na tinapakan. Inexplain na sa kanya ni Hino ang katotohanan. Hindi na rin niya kailangang mag-alinlangan. Marahil, binibiro lamang siya ni Keiko nung mga panahon na iyon. Tama, iyon na nga iyon.
"Okay, I'll see you by 9pm. Pwede na ba yun?"
"Right, thanks Aira! See you!" maligaya pa ring saad nito na kahit papano'y ikinangiti na rin niya
Natatakot lang siya sa wala.
Nang makatapos sa pagtetaping ay dumaretso naman siya sa isang photoshoot. Dumidilim na ang langit at nagbabadya na rin ang tila pagpatak ng ulan. Napalingon na siya sa langit habang nakatanaw sa bintana ng kanyang sasakyan. May mangyayari nanaman ba? Hindi na lamang niya inisip ang patuloy na bumabagabag sa kanya. Matatapos na ito. Para kay Hino.
"AIHIRA, UUWI ka na ba?" pagtatanong ng Kuya niya ng makita na siya nitong nag-aayos sa opisina
Nag-aayos na siya ng mesa bago inipon ang mga papeles na dadalhin sa bahay. Sa tingin niya ay matatapos naman niya iyon sa araw na ito.
"Hindi pa, may dadaanan pa ko. Bakit?" pagtatanong naman niyang hinihintay na tuluyang makalapit ito sa kanya
"Here, pwede ka bang bumili ng sandamakmak na sushi at chocolate cake? Nangungulit nanaman iyong mga kaibigan mo sa bahay. Pagkatapos nito, dadaan lang ako sa bahay tapos punta na rin ako" saad naman nitong kinuha ang pera sa kapatid
"Okay, sige, ako nalang bibili. Una na ako Kuya!" pagpapaalam na rin niya ritong ikinakaway ng kapatid
Mabilis na siyang lumabas ng pinto at iniayos ang mga papeles sa likod ng sasakyan. Sumakay na rin siya bago ito pinaandar. Magna-nine na, baka mahuli pa siya sa usapan nila. Sa ilang minuto ay nababaybay na niya ang street kung nasaan ang agency ni Hino. Mariin pa niyang hinanap ang Blossom Cafe na tinutukoy nito bago na rin pinark ang sasakyan at nakababang may disguise papasok rito.
Luminga-linga pa siya ng ilang beses bago mahagip ng mga mata niya ang kumakaway na ekspresyon nito. Magalak na nakangiti sa kanya si Keiko na ikinangiti na rin naman niya. Wala nga talaga siya dapat ikakaba.
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...