Chapter Sixteen

104 3 2
                                    


CHAPTER SIXTEEN

"KA-RA-O-KE hey!"

"Hayy sabi ko na nga ba" hindi na lamang niya maiwasang bulong sa sarili bago na rin tuluyang tumayo at sumunod sa mga ito.

Maski sa daan ay makulit ang mga kasamahan niya. Natatawa pa rin siya sa pinagagawa ng mga lasing na katauhan nito. Ibang-iba sa katotohanan kapag oras ng trabaho.

"Ai-hi-ra" mula kung saan ay napaigtad siya sa mahina ngunit may dating na boses nito sa kanyang tenga

Mabilis na rin siyang napakilos palayo rito bago mariing tiningnan ang binata. Napatitig lamang siya rito habang hindi pa rin alam ang sasabihin sa seryoso ngunit may maliit na ngiti nito.

"Hanggang kailan mo ba balak magtago sa'kin?" seryoso pa ring saad nitong ikinabalik ng isip niya

Napatingin siya sa likod. Wala na at tila nauna na ang mga kasamahan nila. Kahit nakadisguise pa silang dalawa sa gitna ng daan ngayon ay hindi pa rin niya magawang mailang rito. Sa huli ay mabilis na rin lamang siyang lumayo. Ngunit kahit gaano ata kabilis ang paglalakad niya ay nagawa pa rin siyang mahagip at mahila nito sa tahimik na bahagi ng eskinita.

"Speak to me"

Sa pagkakataon na iyon ay mariin itong nakapigil sa kamay niya habang seryoso pa rin itong nakatitig sa mga mata niya. Tila may orchestra nanaman sa puso niya. Patuloy ang pagkalabog na iyon kasabay nanaman ng pagbalik ng sakit, takot at pangako sa sarili na lalayuan na niya ito.

Sa pakiusap na mas lamang na utos na kausapin ang binata. Hindi niya mapigilang maitiklop ang mga labi niya sa pagpipigil na rin na sagutin ito.

"Aira, tingnan mo nga ako" saad ng binatang iniharap na rin ang mukha niya sa mukha nito

Malapit nanamang lumabas ang kinatatakutan niya. Akala niya kahit papano magiging maayos na siya. Tanggap naman niyang hindi pa siya hundred percent na okay. Naiintindihan niya iyon dahil hindi naman ganoon kadali ang pag-ibig. Pero hindi pa rin pala siya ganoon katibay. Masakit pa rin pala talaga.

"Aira--"

"Hino, sa tingin mo ba tama 'tong ginagawa mo? Alam mo ang nararamdaman ko sa'yo. At hindi pa ko ganoon kaaayos. Hangga't nandiyan ka, hindi ako magiging ayos. Kaya pwede ba hayaan mo muna ako?"

Sa pagkakataon na iyon ay pinutol na rin niya ang pagsasalita ni Hino bago na rin madaling kumawala sa pagkakahawak nito.

Nagawa niyang maibalik ang ere niya. Ang taray at tibay niya sa harap ni Hino noon. Tinawag siya muli nito ngunit mabilis na rin siyang naunang lumayo. Nadudurog nanaman ang puso niya. Hanggang kailan ba niya kailangang magpakatibay habang unti-unti natatapakan ang nararamdaman niya? Naman.

Mabilis siyang nakasunod sa karaoke house na pinuntahan na rin ng mga kasama niya. Sinabi niyang dumaan lamang siya sandali sa CR ng tila mapansin ng mga ito ang pagkawala niya. Umupo na rin siya sa pwesto niya bago na lamang ibinalik ang tuon sa pakikisaya sa mga ito.

Maya-maya na nga rin ay bumukas ang pinto. Sa pagkakataong iyon ay napatingin ang lahat kay Hino na tila hindi rin napansin ang pagkawala. Tinanong ito ng ilang kung saan nanggaling. Sinabi nitong may kinausap lamang sa telepono. Ngunit sadyang malakas na rin ang tama ng mga kasamahan nila. Hindi pa man kasi nakakaupo si Hino ay ipinilit na sa kanila ang pagkanta na mabilis niyang tinanggihan.

Kahit anong pilit ng mga ito ay hindi siya sumasang-ayon. Tama na ang naging ingkwentro nila. Ayaw na niyang madagdagan pa muli ang rason niya kung bakit gusto niya ito.

"Dare ga utau no kibun des' ka? Who will sing?"

Iyon ang pagtatanong ng PD nila nang hindi nito mapilit na pakantahin siya.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon