CHAPTER TEN
"ANO?! NAGTATAGALOG si Hino?"
"At kaklase mo noong kinder?"
Parehong hindi makapaniwalang saad ni Mira at Ury nang magconference sila sa isang site. Nakasubsob lamang siya sa ibabaw ng desk habang hindi pa ring makapaniwala sa kailan lamang natuklasan. Tumango lamang siya rito bago mariing napabuntong-hininga.
"Ibig sabihin ba noon kalahating Pinoy din si Hino?" pagtatanong na ni Ury na ikinailing naman niya
"Hindi, sigurado akong pure-blooded siya. Sa totoo lang, naguguluhan rin ako kung paanong nangyari at marunong siyang magtagalog at nag-aral sa Pilipinas sa ganoong edad pero hindi ko alam, naguguluhan pa rin ako" saad na niyang halos sabunutan na ang sarili
"Hayy naku Aira, kung totoo nga lahat ng sinabi mo edi wala palang dahilan para mainis ka kay Hino dahil simula't simula ay kasalanan mo naman pala" saad pa ni Mira na lalong ikinababa ng enerhiya niya
Iyon na nga eh. Kasalanan pala niya pero hindi man lang niya alam. Ngayon, lalo pang nangigilaiti sa kanya si Hino at hindi niya alam kung paano babawi sa lahat ng kasalanan niya sa dating kaibigan.
"Alam na ba ng Kuya mo ito?" narinig niyang pagtatanong na ni Mira na ikinailing muli niya
"Pagtatawanan lang ako noon, alam ni Kuya kung gaano ako kabuwisit kay Hino tapos all of the sudden biglang kasalanan ko pala lahat"
"Eh kahit sino naman, matatawa sa sitwasyon mo. Alam mo, kung hindi lang namin nakikita iyang itsura mo ngayon siguradong hindi kami matitigil ni Ury kakatawa pero ito seryosong tanong, bumalik ba ang feelings?" mala-usyosong pagtatanong ni Mira na ikinasimangot niya
"Kinder lang ako noon, iisipin niyo in love na kaagad ako?" hindi makapaniwalang pagkausap niya sa mga ito
"Bakit naman hindi? Minsan may ganoon namang pagkakataon, hindi imposible iyon na bata palang pinakita na sa'yo ang soulmate mo" seryoso pang pagsagot ni Mira na mukhang binabase ang sinasabi nito sa nararanasang pag-ibig
Hindi na lamang siya nag-react. Minabuti na lamang niyang isubsob muli ang mukha sa lamesa at isipin kung paano gagawin.
"Ano nang balak mo ngayon? Makikipagbati ka na ba?" si Uryllane
"Hindi ko alam, walang matinong bagay na pumapasok sa isip ko ngayon matapos lahat ng kalokohan at lahat ng rebelasyon, hindi ko na talaga alam kung paano ako haharap kay Hino"
Kinomfort na lamang siya ng mga ito habang kung ano-anong sinasabi para lamang mapasaya siya. Mukha siguro siyang sira sa nagdaang mga araw. Naiiyak na talaga siya.
KASABAY NG araw ng release ng mini-serye nila ni Hino ay isinagawa rin ang araw ng Presscon para sa promotion ng Ski Paradise. Nakatulala lamang siya sa dressing room habang pinagtitigan ang mga katagang nababasa niya sa screen ng laptop niya ngayon.
Iamtheone: Buhay pa ba ang number 1 fan ni Aihira Moriko?
Iyon ang tanong sa kanya ng fan ni Hino dahil hindi na niya nagawa pang sumagot sa mga paratang nito matapos siyang mabisto ng kapatid. Sasagot pa ba siya? Hindi na rin niya mawari. All this time kaya niya pinagtatanggol ang sarili dahil si Hino ang inilalaban sa kanya pero tama ba lahat ng sinabi niya? Kung tutuusin, hindi naman pala talaga suplado si Hino. Ginagawa lang nito iyon kapag nasa paligid siya dahil na rin sa lahat ng kalokohan niya. Napabuntong-hininga na lamang siya sa nangyari.
"Moriko-san, Ikimasho! Let's go!" iyon ang pagtawag na sa pangalan niya bilang hudyat na magsisimula na ang presscon
"Hai! Yes!" pagsagot na rin naman niya bago tinipa ang sariling laptop at mabilis na sinulat ang mga bagay na gusto na niyang ipahiwatig
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...