Chapter Fourteen

71 3 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

SA PAGLIPAS ng mga araw, nanatili siyang tahimik sa mga isyu na nakatuon sa kanila. Walang ni-isa ang nagsasalita sa kanila sa media ngunit kahit tatlong araw na simula ng lumabas ang balita. Hindi pa rin humuhupyaw ang usapan sa pagitan ng fans nilang dalawa. Marami man ang pabor, hindi rin naman maiiwasan na lumabas ang mga ayaw sa tambalan nila. Isa pa, sino ba ang papabor sa katulad niya? May moralidad din ang mga tao, at kahit kailan hindi naging maganda sa paningin ng tao ang mang-agaw ng pag-aari ng iba. Ito na nga ba lalo ang mas kinakatakot niya kaya ayaw niyang ma-in love kay Hino.

Simula rin noong araw na nakipagkaibigan sa kanya si Keiko ay mas naging vocal na ito sa lahat ng bagay. Hindi lang puso niya ang gustong sumuko kung hindi pati ang tenga na rin niya. Lagi rin itong nakasunod kay Hino. Mukhang masaya naman ang dalawa dahil mukhang sanay na ang nobyo nito. Nahihirapan na siyang ngumiti. Napapagod na rin pumeke ang puso niya. Sa totoo lang, akala niya talaga matalino siya rito at ang alam niya ay nakapaghanda na siya pero hindi ito ang sitwasyon niya ngayon. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ni Uryllane sa kanya ngunit hindi siya pwedeng tuluyang magpadala. Kahit alam niyang totoong nasasaktan siya, mas tama na iyon kaysa makasira siya ng damdamin ng iba. Hindi ito ang love story na hiniling niya. Ang gusto niya iyong in love sa kanya iyong lalaki, iyong kanyang-kanya lang at walang kahati. Kaya malabo si Hino. Dahil kapag hindi niya ginamit ang utak at basta na lamang pinagana ang puso, matatalo siya ng walang kalaban-laban.

Oo, aaminin niya, nahihirapan na talaga siya. Sumisikip ang dibdib niya kapag nakikita ang dalawa na magkasama. Hindi mapigilang mainggit ng puso niya kapag harap-harapang niyayakap ni Keiko si Hino at guguluhin naman ng binata ang buhok nito. Sa huli, umaalis at humihiwalay na lamang siya. Sa loob ng mga araw na lumipas, pinipigilan na rin lamang niyang makihalubilo sa mga ito. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, madudurog lang siya.

"Cut!"

Napasulyap siya sa direksyon ng direktor nila. Nawala sa isip niyang kinikuhanan siya ng eksena noong mga panahon na iyon.

"Good take!" wika naman nitong tila naligayahan sa nagawa niya

Sino ba naman hindi? Solong eksena niya ang kinuhanan sa likod ng Villa nila. Isang eksenang nagpapatunay na nasasaktan ang karakter niya sa karakter ni Keiko at Hino.

Hindi niya mapigilan mapasulyap sa langit. Inaarte nga lang ba niya ang lahat? O sa katunayan na parehas na talaga sila ng katayuan ng karakter niya?

Yumuko na lamang siya sa mga tao sa paligid bilang pasasalamat bago na rin nagtuloy-tuloy papasok ng Villa. Iyon na ang huling eksena para sa araw na iyon at dahil huling araw na nila bukas ay magdiriwang muli ang lahat.

Matapos mabilis na makapagbihis at makapagtanggal ng make-up ay madali na siyang naglakad palabas ng Villa. Kailangan na niyang dumaan naman sa opisina.

"Aira!"

Napatigil siya sa paglalakad nang makitang humahangos papalapit sa kanya si Keiko. Nakangiti ito kagaya ng nakagawian. Napangiti na rin lamang siya rito.

"May gagawin ka?" pagtatanong nitong ikinailing niya

"May dadaanan lang ako sa opisina, bakit?"

"Pwede ba akong sumama sa'yo? May photoshoot kasi si Hino kaya umalis sandali, mamayang gabi pa raw siya makakabalik kaya wala akong kasama. Ito, may dala akong wine. Samahan mo naman ako" saad nitong ipinakita nga ang dala-dalang red wine

Napatango na lamang siya rito at hinayaang sumunod sa kanya si Keiko. Wala nanaman siyang magagawa sa sitwasyon nila. Tatanggapin na lang niya.

Pagdating nila ng opisina ay hinayaan lamang niyang maglibot-libot ito sa loob habang may pinipirmahan siya ngunit nang matapos ay binigyan na rin niya ito ng wine glass na madaling ikinapagpasalamat naman ng dalaga. Sa ilang oras na nagdaan ay matiyaga na rin nilang pinakinggan ang isa't isa.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon