Chapter Thirteen

118 4 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

DAHAN-DAHANG napamulat ng mata si Aira dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Pagod pa rin ang utak niya sa pagkakapuyat na nangyari sa kanya pero ang higit na ikinagulat niya ay ang makita ang gahiblang pagitan ng mukha nila ni Hino sa isa't isa.

Sa isang iglap ay hindi niya mapigilang mapasigaw. Nagawa na ring magmulat ng mata ni Hino at sa pagkakataong iyon ay parehas silang napabalikwas sa kinahihigaan.

"Teka! Pwede ba huminahon muna tayong dalawa?!" pagsigaw na ni Hino na pilit na ikinakalma silang dalawa

"Walang akong ginawang masama!" natatarantang saad naman niya kahit na hindi pa naman siya kinekwestyon ng binata

"Kalma muna Aira, kalma! Hingang malalim!" saad na nitong sinunod na rin lang niya

Ilang beses pa nilang ginawa ang breath in, breath out bago kahit papano ay humina na rin ang boses niya

"Hindi pwede ito. Kapag nalaman ni Kuya na nakasama kita matulog sa isang lugar, siguradong mapapatay ako nun! Pero yung katotohanan palang na kasama kita rito, mapapatay na talaga ako ng kapatid ko! Hindi pwede ito! And what if mabalita pa ito?! What if may makaalam at may maglagay ng malisya?! What if --"

"What if huwag na lang natin isipin?"

Iyon ang madiin na pagpuputol na ni Hino sa sasabihin niya. Napatingin siya rito habang dahan-dahan na rin naman itong lumapit sa kanya.

"Its too late para mamoblema pa tayo, huwag na lang natin isipin pwede ba? Kalma lang. Wala tayong dapat ikatakot. Wala tayong ginawang masama, hindi lang natin namalayan na nakatulog na pala tayo ng magkatabi"

Seryoso na may pag-iingat ang binitawan sa kanyang salita ni Hino. Tama ito, huli na para mamoblema sila pero hindi na sila maaaring manatili sa ganoong kalagayan. Kahit pa sabihin nilang wala naman silang ginawang masama other than the fact na nakatulog sila sa sofa ng magkatabi ay siguradong hindi nila kontrolado ang pwedeng isipin ng mga tao kapag may nakaalam nito. Maaaring may maglagay pa ng malisya sa pagkakatulog lang nila. Lalo na ngayon na mas mabilis pa sa nagkakarerang mga kabayo ang tibok ng puso niya. Alam niya, naniniwala siya. Malakas ang naging impact nang pangyayaring iyon sa puso niya pero paano naman si Hino? Sa kanya Kuya lang niya ang magagalit eh kay Hino? Nandiyan si Keiko. Nandiyan ang babaeng maaari niyang masaktan at masira ang relasyon. Dapat hindi na lang siya nag-movie marathon! At dapat hangga't maaga, matigil na ito.

"Uuwi na ko" iyon ang saad niyang tatalikuran na sana ito pero bago pa man siya nakahakbang ay pinigilan na ni Hino ang mga braso niya

"Nang ganoon na lang? Aira, wala ka pang matinong pahinga. Ako na lang ang aalis tutal hindi na rin naman ako safe dito. Madami pa ring reporters na nagkalat sa paligid ng dahil sa'kin. Nandito ka para magbakasyon, hindi ba? Nasa akin naman ang problema kaya ako nalang ang aalis"

Sa saad nito ay hindi na rin niya mapigilang mapabaling muli sa binata. Mali ang iniisip nito.

"No Hino, kailangan ko nang umuwi. Kung tutuusin, hindi nga dapat tayo nagkita. Hindi dapat tayo nasa sitwasyong ito. Alam mo ang nangyari kay Kuya Shigure, kahit sabihin pa nating wala lang ito, hindi naman natin kontrolado ang isip ng ibang tao. What if may nakasunod at nakakakita sa bawat galaw natin? Maaapektuhan lalo ang buhay mo at ang mga taong mahalaga sa'yo"

"Stop thinking too much Aira! Please huwag mong isipin na may madadamay pa rito. Ituloy mo lang ang bakasyon mo at ako nalang ang aalis"

"There's a reason kung bakit ako nanatili rito. And I think, tama na ang mga araw na nakalayo ako. Hindi ako magiging okay kahit pa iwan mo ko rito kaya mabuti pa, umuwi na rin ako"

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon