CHAPTER THREE
PANIBAGONG ARAW nanaman para sa kanyang kagandahan. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit umpisa pa lamang ng araw niya ay ang mukha kaagad nito ang nasilayan niya. Sa dami naman kasi ng masasabayan niya sa parking lot, ang tao pang ito.
"Ohayo Moriko-san!" pagbati sa kanya ng manager ni Hino na binati rin naman niya
"Ohayo Tanaka-san, Oshiwahara-san" pagpipilit niyang nakangiting binati ito
Napatigil sa harap niya si Hino habang pansamantalang binaba ang shades nito at iniyuko ang mukha para malapit sa mukha niya.
"Ohayo Nigai-chan, Gambatte ne Miss Oksubushi. Good morning Bitter-chan! I am wishing you goodluck, Miss Good-for-nothing" mahinang saad sa kanya ni Hino na ikinakunot naman kaagad nang noo niya
Sagarang panlalait iyon hah.
Naglakad na muli ito kasunod ang manager nitong palayo sa kanya. Sa hindi mapigilan na emosyon ay sinigawan na rin niya ito.
"Kainis ka na! Peste ka pa!"
Napatigil sa paglalakad si Hino. Ngunit hindi na siya binalingan pa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Syempre tagalog iyon, asa pa siyang maiintindihan ng isang pure-blooded Japanese ang natatanging cute na lenggwahe niya. At tsaka malay ba nitong siya ang pinapatamaan niya. Mag-split at kandirit man si Hino, hindi nito ganoon kadaling maiintindihan ang lenggwahe ng mga Filipino.
Nang matapos siya pag-aayos ay binalingan muna niya ang script sa araw na iyon. Sa pagkakataon na ito, kailangan maipakita niya kay Hino ang kaya niya. She was never a good for nothing! At hindi niya matatanggap iyon na manggaling sa isang taong wala rin namang kwenta para sa kanya.
Nang tawagin na siya bilang panimula ay sumunod na rin naman kaagad siya. Ang araw na ito ay nakalaan para sa kanya dahil sa pagkakataong ito, siya na ang magdadala ng storya.
Buong umaga ay sa harap lamang sila ng eskwelahan nag-shooting. Ang scene na iyon ay para sa pagba-bonding ng karakter niya at ng karakter ni Hino. Naging maayos naman ang lahat, madali niyang naipapakita ang ekspresyon ng isang babaeng in love ngunit hindi nito kayang sabihin sa taong mahal nito ang totoong nararamdaman. Kahit sabihin niyang hindi pa siya nai-inlove, alam naman niya ang sakit dahil na rin sa ekspresyon na naipapadama sa kanya ng daan-daang pelikulang napanood na niya na tungkol sa pag-ibig. Hindi na mahirap sa kanya ang gawin ang masayang ekspresyon nito ngunit may tinatago sa loob.
Nang maghapon na ay lumipat na sila sa loob ng eskwelahan. Ito na ang climax ng highschool life nila kung saan malalaman ng karakter ni Hino na may gusto siya rito dahil na rin sa naging pagkalat nito sa buong campus.
Ito na ang challenge, ang pag-iyak niya. Ano ba dapat ang maramdaman ng karakter niya tungkol dito? Oo, alam niya magiging masakit. Pero sa paanong paraan niya maipapakita sa tao na sobrang nasasaktan ang karakter niya dahil sa biglaang paglayo rito ng iniirog niya.
Napabuntong hininga siya sa bagay na iyon bago naisip na tawagan ang isang taong alam niyang makakatulong sa kanya. Si Mira.
"Hello Aihira! Loka!" masayang pagbati nito sa kabilang linya na ikinangiti naman niya
"Mira, may ginagawa ka ba?" pagkukumpirma muna niya kung nakakaabala ba siya sa kausap
"Hindi naman, nagpapahinga pa naman ako bago mag-rounds. Bakit mo natanong? May problema ba?" nag-aalala kaagad na saad nitong itinanggi niya
"Wala naman, may itatanong lang kasi ako sa'yo. May pagkapersonal at baka ikasakit ng puso mo pero pakiramdam ko iyon ang makakatulong sa'kin" saad niyang hinihiling ang pakikinig nito
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...