Chapter Eight

68 6 0
                                    

CHAPTER EIGHT

UMAGA NA ngunit hindi pa rin nagagawang lumabas ni Aira ng kwarto. Hindi naging maganda ang pagtulog niya, at hindi pa rin niya maisip na totoo nga lahat ng narinig niya simula pa noong gabi na isipin niyang nagtatagalog ito.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya na inabot rin naman niya sa tabi ng kama. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumatawag dahil wala pa rin siya sa wisyo sa lahat ng nangyari.

"Moshi Moshi"

"Baka gusto mong bumangon na ng kama mo? Kumakain na ang lahat ng breakfast pero nakakulong ka pa rin diyan. Ano paninindigan mo na ba ang pagiging walang kuwenta mo?"

Sa narinig niyang boses ay agad na gumapang nanaman ang kilabot sa katawan niya. Biglaan rin niyang tiningnan ang numero ngunit unregistered number ang nakarehistro rito. Si Hino ang kausap niya?

"Ikaw ba si Hino?" pagtatanong niya rito na bahagyang ikinabuntong-hininga ng nasa kabilang linya

"Hindi ba't sabi mo na mas magkakaintindihan tayo kung magsasalita ako ng ganito? Kaya pwede ba bumangon ka na diyan nang makatapos na tayo rito? Kailangan ko pang bumalik ng Tokyo!" may halong irita na wika nito bago mabilis na binaba ang telepono sa kanya

Si Hino nga.

ALAM NIYANG bawat isa sa kanila ay babalik na ng Tokyo pagkatapos ng ilang eksenang kukunan sa kanila ng magkasama. Kaya kahit naiilang ay lumabas na rin siya ng kwarto at nakisalo sa mga ito. Nakatingin lamang sa kanya si Hino habang sumisimsim ng kape nito. Nahihirapan tuloy siyang lumunok sa sobrang hiya sa lahat ng nasabi niya. Ngayon parang nagsisisi na siya na marunong nga itong magtagalog.

Matapos makakain ay nag-ayos at nagbihis na rin sila habang sineset-up na ang gagamitin para sa unang eksena sa araw na iyon. Minabuti na lamang niyang magbasa ng script sa isang tabi habang naghihintay ng pagtawag sa kanya.

"Hanggang kailan ka ba mananahimik?" napabalikwas siya ng bigla itong nagsalita at tumabi pa talaga sa kanya

"Wala lang ako sa mood" iniwasang tingin na lamang niya rito habang hindi maiwasang kumunot ang noo

"Nabigla ka ba?" pagtatanong muli nitong nakamasid sa kanya

"Iyon naman ang gusto mo hindi ba? Alam ko naman, simula't simula gusto mo lang akong paglaruan. Palibhasa alam mo na Filipino ako" nakasimangot pa ring saad niya habang binabasa ang script na hindi na niya maintindihan

"Wala akong against sa mga Pilipino. Ako pa ang nagsimula ha? Sino ba sa atin dalawa ang walang sawa sa kakaasar sa Tagalog? Ako ba? Kung ganoon, pasensya na kung napahiya ka pa" mariin muling saad nito na hindi makapaniwala sa narinig sa kanya

"Alam mo buti pa, mag-japanese ka nalang ulit. Wala namang pagbabago kahit nagtatagalog ka, masama pa rin ang ugali mo" mariing pagbaling na rin niya ritong seryosong ikinangisi ni Hino

"At hindi mo alam kung bakit? Hindi bale, palalagpasin kita ngayon. Ikaw ang nagsimula nito at ikaw ang may gusto nito. Ngayon masisisi mo ba ko kung nagagawa kong gumanti sa'yo? Sa lahat ng panlalait na ginawa mo sa'kin, panahon na para ako naman ang bumawi sa'yo" confident naman na saad nitong tumayo na sa tabi niya at naglakad palayo

Napamaang siya habang sinusundan ito ng tingin. Siya pa? Siya pa ang nagsimula? Nakakalimutan na ba nitong ito ang unang nagsuplado noong una silang nagkita? Ito ang gumawa ng paraan para magkaroon ng inis ang puso niya sa katauhan nito? Tapos sasabihin ng pesteng lalaking iyon na siya pa ang may kasalanan dahil una siyang nang-asar rito?

Mabilis na nag-iba ang ihip ng puso niya. Ito ang pakiramdam na biglang nawala sa kanya ng unang beses na inakala niyang nagtatagalog si Hino. Ngunit ngayong nakumpirma na niya iyon at wala pa rin nagbabago sa binata, siya na ang napangiti. Ngayong bumalik na sa kanya ang pakiramdam na iyon, hindi na muli siya magpapadala sa pagkabigla sa kahit anong gagawin o sasabihin ni Hino.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon