Chapter One

4.1K 41 24
                                    

CHAPTER ONE

SA BAWAT PITIK ng camera, isinasabay ni Aira ang pag-iiba ng postura ng kanyang katawan. Ito nanaman siya at nag-momodelo para sa mga bagong design ng kanyang ine-endorsong clothing line. Talento na niya ito simula pa noong hindi niya malaman, at sa totoo lang ni minsan ay hindi naman siya nakapag-training sa Paris, Milan o New York para maging modelo. Kumbaga ay natural na talaga itong nasa katauhan niya na pinagkakakitaan.

Pamilya niya ang may kasalanan kung bakit nandito siya sa industriyang ito. Hindi naman talaga niya pinangarap na magmodelo sa harap ng maraming tao pero dahil sa suhestisyon na rin ng mga ito na bigyan niya ng hustisya ang biniyaya sa kanyang kagandahan ng Diyos ay inilabas na rin niya sa mga tao ang lihim na talento.

Noong unang beses na tumapak siya sa entablado ay halos isuka na niya ang sarili dahil sa pag-aakalang hindi para sa kanya ang mundong iyon pero nang matapos rin ang lahat ng iyon ay tuloy-tuloy na ang naging pagbabago sa kanyang buhay. Nanalo kasi siya sa isang sikat na paligsahan at tinanghal na 'Modeling Queen of the World' para sa taong iyon. Maraming endorsement at offers rin ang dumating sa kanya na sadyang ikinabuhay ng modeling industry ng Japan at maging ng Pilipinas na siyang dalawang bansa na pinanggalingan niya. Mula Paris, New York at Milan ay nagawa na niyang makapagmodelo sa harap ng maraming tao pero higit kanino man mas pinipili niyang manatili sa Japan kung saan mas alam niyang malapit lang siya sa tunay na responsibilidad niya sa buhay.

Hindi niya hiniling na maging modelo. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makatulong sa pagpapalago ng negosyong ipinundar pa ng kanilang lolo na pinasa lamang sa kanyang ama na ngayo'y nasa pangangalaga na ng kanyang nakakatandang kapatid na si Yiro. Her mom is a pure blooded Japanese habang ang ama naman niya ay kalahating Pilipino at kalahating Hapon. Kumbaga ay 75% Japanese siya pero iyon nga lang mas madaling sabihin na kalahating Hapon at kalahating Pilipino siya na maski ang kaisa-isa niyang Kuya ay nasanay na sabihin sa mga tao. Isa pa, lumaki rin siya sa Pilipinas dahil dito rin mas lamang na lumaki ang ama nila noon. Lumipat lamang sila ng Japan ng buuan nang tinanggap ng kanyang ama ang negosyo at hindi lamang ang mga branch sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay siya lang naman ang tumatayong isa sa mga Director ng kompanya at humahawak sa pagtaas ng sales ng Moriko Internet Mall na siyang pinakamalaking online shopping mall sa buong Japan.

"Moriko-san, sugoi! You're really amazing!" wika sa kanya ng isang staff habang inabutan siya nito ng tubig

"Arigato Mei-chan! Thank you!" nakangiting saad naman niya rito bago umupo sa kanyang silya

Halos siya na rin ang napahinuhod sa pagod na naramdaman. Mabuti na lamang at tapos na ang pictorial niyang iyon kahit papano'y mapagtutuunan na naman niya ang trabaho sa kompanya. Sigurado kasing malalagot siya sa kanyang kuya Yiro kapag nalaman nitong hindi pa niya natatapos analisahin ang mga dapat niyang pirmahan. Doble kara ba naman kasi ang pagkatao niya.

Nang tuluyan nang maayos ang lahat ay nagpasalamat at nagpaalam na rin siya sa mga kasama. Wala siyang sariling driver at wala na rin siyang panahon para maghanap nito. Isa pa, masaya na siya sa ganoong katayuan. Kaya naman niya ang sarili niya.

Matapos magmaneho ng isang oras mula sa outdoor venue na pinagkuhanan sa kanya ng larawan ay nakarating na rin siya sa kompanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis na dumaretso sa loob ng opisina upang simulan muli ang naiwan niyang trabaho.

"Oi Aira, kakarating mo lang ba?"

Sa saad na iyon ay muntik na siyang mahulog sa kinauupuan. Mariin siyang napapikit nang marinig ang boses ng nakakatanda niyang kapatid. Ang kuya pa niya, kahit gaano katahimik at kabait ito. Napaka-nagger naman nito kapag tungkol sa trabaho.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon