Chapter Fifteen

84 4 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

SA ILANG ARAW pang nagdaan ay para na rin siyang babawian ng buhay sa dami ng pinagkakaabalahan. Dito lamang niya naranasan na ang bawat oras ay mahalaga sa kanya.

Matapos niyang tanggapin ang mga role na binigay sa kanya ay sunod-sunod na rin ang naging preparasyon at paghahanda nila. Mayroon na rin siyang mga tv guesting at ilang gigs na pinagkakaabalahan. Kahit patuloy ang pagmomodelo at ang pagtatrabaho niya sa opisina, pinipilit pa rin naman niya sa sarili na makasaglit kahit papano ng tulog.

"Aira, ano? Buhay ka pa?"

Iyon ang pag-upo ng kapatid niya sa likod niya matapos nitong pasukin ang kwarto niya. Apat na oras pa lamang simula ng makauwi siya. Sa dami ng ginawa niya nang mga nagdaang araw. Iyon na ata ang pinakamatagal na nabigay na oras sa kanya.

"Kuya, get off" mahinang saad naman niyang sinubsob pa rin ang mukha sa unan

"Today's the day"

"I know, so please let me take a rest. I did what you told me. Inereserve ko ang araw na ito para lang sa preview. I still have three hours bago ang board meeting, right?"

Sa sinabi niyang iyon ay napatayo na rin ang kapatid sa pagkakaupo sa likod niya. Humarap na rin ito sa kanya bago lalong ginulo ang magulo na niyang buhok.

"See you sis!"

Nang narinig na niya ang pagyabag ng kapatid ay kusa na ring dumilat ang mga mata niya. Nakatulog? Sa apat na oras na nagdaan kahit ata katiting ay hindi pa siya nakakatulog. Hindi niya mapigilang hindi mag-isip. Sa mga araw na lumipas, pinagod niya ang sarili. Pinagod niya ang sarili para wala nang iba pang problema na pumasok sa isip niya. Pero ngayong paparating nanaman ang ikinakakaba niya, hindi nanaman niya mapigilang mapaisip.

Bakit kasi sa dami ng lalaki sa mundo, si Hino pa? Hindi na lamang niya mapigilang mapatulala sa naisip.

Makalipas ang ilang oras ay nagsimula na rin siyang mag-ayos. Ilang araw rin niyang pinaghandaan ang araw na ito. Ayaw rin naman niyang masayang ang lahat ng paghihirap niya. Dahil kahit anong kaba at takot pa rin ang nararamdaman niya kailangan pa rin na ipakita niyang hindi na siya apektado.

Nang kahit papano ay makumpirmang okay na ang itsura niya ay mabilis na rin lamang siya napabuntong-hininga bago na rin kinuha ang bag na dadalhin. Mabilis na rin siyang sumakay ng sariling sasakyan at pinaandar ito. Makailipas nga lamang ang labinlimang-minuto, nakarating na siya sa lupang kinatatayuan ng kompanya. Inabot niya sa valet ang susi ng sasakyan bago na rin madaling pumasok sa loob. Nakita niyang bukas pa ang elevator na madali rin namang ikinabalis ng takbo niya.

"Chotto matte kudasai! Please wait a minute!" saad niyang naglakad ng mabilis upang maabutan ito

Nang makita naman niyang muling bumukas ang pinto ay hindi na rin niya mapigilang mapangiti. Thank God, hindi na niya kailangang maghintay pa ng susunod na elevator. Mabilis na rin siyang nakangiting dumating sa harap ng elevator upang pasalamatan ang mga ito ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakasakay ay napamaang na siya sa nasilayan.

"Ohayo Moriko-san!"

Iyon ang bati sa kanya ng manager ni Hino at Keiko ng makita siya ng mga ito.

"Good morning Aira!" saad rin naman ni Keiko na pilit na ikinangiti na rin lamang niya

"Ohayo minna-san. Good morning everyone" wika na lamang niya bago naiilang na pumasok na rin sa loob

Tahimik lamang siya habang hinihintay na makarating sa 20th floor ang elevator na iyon. Maski ang mga tao sa likod niya ay mainam na rin lamang na naghihintay.

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon