Chapter Twenty-Two

83 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

"AIRA, AIRA, uy AIRA!"

Iyon ang pagpitik na ng daliri ni Uryllane sa harapan niya na mabilis na ikinabalik niya sa katinuan. Nakatulala nanaman siya. Kailan ba matatahimik ang mundo niya sa kakaisip sa mga nangyari sa Japan? Tatlong araw na siyang nasa Pilipinas ngunit wala pa ring nagbabago sa kanya.

"Sorry Ury, ano nga ba iyon?" pagtatanong na naman niyang ikinabuntong-hininga nito

"Kako, kung anong flavor ng milk tea ang gusto mo?"

"Kung ano na lang yung sa'yo, iyon na rin lang iyong akin"

Napatango na lamang ito bago na nga lumayo sandali sa kanya at sa pagbalik na nga nito bitbit ang inumin nila ay hindi na rin nito maiwasang magtanong sa kanya.

"Iniisip mo nanaman ba ang irog mo?" saad nitong ikinabuntong-hininga na rin niya

"Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa airport Ury, iniwanan ko pa rin siya kahit hinihiling na niya na lumaban kaming dalawa. Minsan hindi ko na alam kung tama pa ba iyong pinaninindigan ko. Pakiramdam ko, sa sobrang pagpoprotekta ko, nagiging selfish na ko sa kanya. Ako na ata talaga ang may problema" saad na naman niyang naisapo ang kamay sa mukha

Nakakainis na.

"Alam mo ganyan ata talaga, nakakalito, nakakaguilty, nakakaloka, nakakakaba, nakakaihi, lahat nga ata ng nakaka, mararamdaman mo kapag na-in love ka. Ganyan din ako kay Gure noon, iniwanan ko siya kahit alam kong selfish na. Sa takot ko rin kasing mawala ang lahat ng pinaghirapan niya, isinakripisyo ko pati sarili kong kaligayahan. Mabuti pa nga ikaw, alam mong mahal ka ni Hino. Back then, nakita mo naman kung paano ako nagpapakasasa sa trabaho para lang makalimutan kong mahal ko siya. Hindi ko alam noon na gusto niya rin ako. Pero ikaw, you were lucky to know that he loves you" wika na nitong nakangiti sa kanya

"Hindi ba't hindi mo naman siya pinasagot noong iniwanan mo siya sa airport? Hindi kaya iyon ang rason kung bakit nagkakaganyan ka? Dahil hindi mo alam ang maaari sanang sagot niya?" pagtatanong pa muli nitong hindi niya pa rin malaman ang sasabihin

Sa pagkakataon na iyon ay hinawakan na lamang ng dalaga ang kamay niya. Napatingin na rin lang naman siya rito bago ito nagpatuloy pagsasalita.

"Huwag mo na kuwestiyonin ang sarili mo, hintayin mo nalang sa kung paano maipapakita ni Hino ang sagot niya sa mga sinabi mo. For now, hayaan mo munang makalaya ang sarili mo. Nandito ka para mag-enjoy. Ginawa mo na ang parte mo at iniwan mo na iyon sa Japan. Hayaan mo nang maging masaya ka kahit sa maliit na kadahilanan lang. Kung sakaling palayain nga ni Hino ang sarili niya dahil sa pagkamasokistang hiling mo eh iyon na ang sagot niya pero kung dumating sa punto na hindi niya sinunod iyon at nagpakita siya ng ibang motibo ay hindi natin alam. Basta darating ang panahon na maiintindihan mo rin ang nais niyang ipahiwatig sa'yo" wika na lamang muli nito na maliit na ikinangiti niya

Tumango na rin lamang siya sa kaibigan bago na rin muling uminom ng ibinili nito sa kanya. Kahit papaano, nakatulong rin naman ang mga sinabi nito sa kanya. Kaibigan nga naman.

NAPATINGIN SI AIRA sa labas ng bahay ni Uryllane bago mabilis na binalingan ito. Naga-almusal pa lamang silang dalawa. At dahil nabalitaan niya na palihim muling uuwi ng bansa si Kuya Shigure ay ang rason kung bakit napakaganda nanaman ng ngiti nito.

"Iyon ba ang bahay ni Kuya Shigure?" pagtatanong na niya sa kaibigan na mabilis namang ikinalapit nito sa kanya

"Yup, that's his nest. Gusto mong i-infiltrate?" pagyayaya naman nitong ikinangiti rin niya

One Step Closer to HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon