CHAPTER FIVE
NADATNAN niya ang dalawa na matamnang naghihintay sa kanya sa airport. Nang makita na nga niya ang dalawang ito ay ang isang bagay na lubos na ikinasasaya ng puso niya. Mabilis na nga niyang tinigil ang sasakyan at agad na bumaba para masalubong ito.
"Aira!" masayang bati sa kanya ni Mira na mabilis rin naman niyang niyakap
Para silang bata na nagtatatalon pa dahil sa tagal na hindi nagkita. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng ito ang bata noon na laging sabog na naka-headband ang buhok at palihim na may gusto sa Kuya niya.
"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin marealize ng Kuya ko ang kagandahan mo, ang laki ng pinagbago mo Mira!" hindi siya makapaniwalang saad rito na ikinatuwa rin naman ng dalaga
"Ito talaga ang nagagawa ng love sa babaeng inspired" wika pa nitong ikinangiti niya
"Eh bakit nga pala kayo nandito? Alam ba ni Kuya na nandito kayo?" pagtatanong muli rito
"Alam ni Yiro at Gure na pupunta si Ury dito pero hindi nila alam na kasama ako kaya huwag kang maingay ha. Isa pa kaya kami nandito ay para kahit papano masimulan na ang pagpapagawa ni Ury ng wedding gown" saad nitong itinuro ang kaibigan nilang patuloy pa ring nanahimik sa isang tabi
Speaking of Uryllane, ito lamang ang malungkot sa nangyari rito at kay Mira. Hindi niya alam kung bakit sobrang lungkot nito naturingang masaya naman si Mira na sinalubong siya
"Ano ba talagang nangyari?" saad niyang tinanong na lamang si Mira sa nangyayari kay Uryllane
"Siya kasi yung nakipag-usap sa loob kanina since nga hindi makita iyong bag namin. Sabi sa kanya tomorrow pa madedeliver pabalik sa'min iyong bagahe naming dalawa kaya iyan nagmumukmok, nandoon kasi iyong gift niya kay Shigure. Alam mo naman minsan lang sila magkita ng irog niyan kaya ganyan, pakiramdam niya kung kailan mas naging maganda ang araw na ito dahil magkakadaupang palad muli sila tsaka pa hindi nakisama sa kanya ang sitwasyon. Sa kasamaang palad kasi, naligaw sa Vienna iyong bag namin" wika ni Mira na ikinalungkot na rin lamang niya"
Kahit naman sino malulungkot sa ganoong pangyayari. Alam niya kung gaano kagustuhan ni Uryllane na gawing espesyal ang araw na iyon para rito at sa nobyo pero sadyang ganoong ata talaga ang buhay. Minsan talaga ang pangit ng nangyayari
"Hey Ury, huwag ka nang mag-alala. I'm sure may mahalagang dahilan kung bakit nangyari ito. Isa pa, bukas rin lang naman babalik iyong bags niyo. I'm sure kahit hindi ngayon, magiging special pa rin kay Kuya Shigure iyon"
Malungkot na napatingin sa kanya si Ury bago ito muling nakapagsalita.
"Hindi lang kasi iyon..." mahinang wika nitong ikinapagtaka nila ni Mira
"Eh ano pa?" pagtatanong na niya rito
"Kasi iyong confirmation ng reservation natin sa hotel nandoon sa bulsa ng maleta ko" naiiyak na saad muli nitong ikinadilat ng mata ni Mira
"What?!"
Hindi niya mapigilang matawa sa nangyayari sa dalawang ito kaya nga ba bago pa tuluyang magtalo ang dalawa ay hinila na niya parehas ito papasok ng sasakyan.
"Cancel your reservations, hindi ko alam kung bakit kahit anong sabihin ko hiyang-hiya pa rin kayong lumapit sa'kin" wika nito sa dalawang tatanggihan nanaman sana ni Ury
"But—"
"No more buts, you're both staying at my house hanggang sa huling araw niyo rito sa Japan. So cancel your reservations and ipa-address niyo na rin sa bahay iyong pagpapadeliver ng mga bagahe niyo. Kahit anong mangyari hindi ko kayo pababayaan"
BINABASA MO ANG
One Step Closer to Her
RomanceAihira Moriko is a tall and slender girl living a double life, a model and one of the owners of Moriko Group of Companies. Due to her brother's request, she became one of the producers and turned actress of their Ski Resort's advertisement with her...