kring... kring...
kring... kring...
tok..tok..
"Anak? gising na kanina pa yang alarm mo tumotunog! ma lalate kana, anak?? "- sigaw ni mommy.
aga aga pa eh.. pinilit kong abutin yung alarm at pinindot agad ang off button.
"Ano ba lucas tanghali na malalate ka na sa school..ayon si alex iniwan kana dahil tanghali na malalate na daw sya." - si mommy tuluyan na ngang pumasok sa kwarto.
"opo!" - tanging sagot ko nalang sa mommy ko.. antok na antok pa ako tagal ko kasi nakatulog kagabi dahil sa dami kong ginagawang project, sumabay pa yung pinapagawa ni trish.
hay si trish ang aking prinsesa!
diko tuloy maiwasan mapangiti."Hoy! lucas patricio ano nginingiti mo jan late kana!" - nakakabingi yung sigaw ni mame.
agad ko kinuha ang aking salamin at sinuot.
tinignan ko naman ang oras 9:30..sus 9:30 lang pala eh..
"Aaaaahh mommy!! but di mo sinabi tanghali na late nako.." - maktol ko sa mommy ko agad agad akong bumangon.
"Ay ewan sayong bata ka.. bilisan mo jan akoy baba na.." - di ko sinagot ang mommy ko dali dali akong pumunta ng banyo ngunit di ko pala dala ang towel ko kaya lumabas ako at kinuha agad ang towel ko.
di na ako makakaabot sa unang klase ko kaya sa second class nalang ako papasok. late na nga ako nakisabay pa ang traffic dahil may bangaan.
maayos din palang maging late minsan. nakakapasok ako ng maayos at matiwasay sa classroom ko ng walang kahit gusot ang damit ko. at walang magsisigaw na pangit ako at kung ano ano pang tinatawag sakin.
nakakapanibago.. araw araw kasi akong binubully dito sa school, araw araw akong sinasaktan, tinatawag akong nerd, lucasio, pangit, lampa, tanga at kung ano ano pa. ewan ba naging routine na nila yan, jan sila nagiging masaya, tuwang tuwa sila pag nakikita akong nasasaktan, nadadapa. gugupitin buhok ko, kukunin salamin ko at pasapasahan doon ako nahihirapan dahil di ako makakita pag wala ang salamin ko.. sa totoo lang di ko na matandaan kung pang ilang salamin ko na tong soot ko ngaun. nag dadahilan nalang ako sa mommy ko para di sya mag-alala sakin. isa pa ayuko din umalis sa paaralang ito. bukod sa scholar ako andito bestfriend ko at andito yung prinsesa ng buhay ko.
kaya kahit anong ipagawa sakin ni trisha gagawin ko mapansin lang nya ako. ako gumagawa ng mga project at assignment nya. parehas din naman kami ng course kaya ayos lang. kunti nalang gagraduate na kami. BSBA major in marketing kurso ko. plano ko bago kami makapagtapos sasabihin ko na sa kanya nararamdaman ko.
kahit bespren ko diko sinabi nahihiya ako eh. hehe.."Aray!" - sabay hawak ko sa ulo ko may kung ano tumama sa ulo ko. tinignan ko kung ano, papel na may lamang candy na halatang galing na sa bibig.
napatingin ako sa likod ko nakita ko tatlong lalaki kong ka klase.pagkaminalas malas naman oh classmate ko pala ang mga bully na to. madami sila pero tatlo lang classmate ko sa subject na to.
instead na patulan ko sila di ko nalang sila pinansin. sakto naman pumasok na ang prof. namin.natapos na din yung klase ko.. agad ako sumunod sa prof. ko palabas para matakasan ko yung mga bully kong kaklase.
nag tungo ako sa canteen para makakain di kasi ako nakapag almusal sa pagmamadali ko kanina.
BINABASA MO ANG
Ang Nerdy Kong Bestfriend
Teen FictionLucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina hina nya sya naman kina tapang ng bestfriend nya. Alex is a boyish kind of girl, matapang,palaban...