Chap. 4

4.9K 64 3
                                    

Habang binabaktas ko yung daan pauwi nakita ko si lucas sa bintana ng kwarto nya nakatingala sa langit tila pinagmamasdan nya ang mga bituin. nadadaanan lang kasi bahay nila. .

"Aba tignan mo tong mokong na to.. mapag tripan nga.

Dahan-dahan akong yumoko at pumasok sa gate nila para di nya ako makita.. buti nalang bukas ang gate. Nagtungo agad ako sa puno ng mangga.. katapat lang ang puno sa may gilid ng bintana ni lucas.. buti nalang madilim kaya di nya ako makikitang umaakyat. Tama lang naman ang taas ng puno at madali lang akyatin.

Agad ako pumwesto malapit sa kanya.. nakikita ko sya ng malapitan pero sya hindi nya ako kita.. sakto lang paglabas ng pusa.. nasa bobong lang naman ang pusa pero dahil may naka harang na sanga ng mangga namumukha itong galing sa puno.
Kaya di narin sya nag taka may gumagalaw sa puno. Napa kaseryoso nya. Tinignan nya lang saglit ang pusa papalapit sa kanya saka sya tumingala ulit para pagmasdan ang mga butuin.

Meow..meow..

Umakyat sya sa bintana saka umupo.. pinatong nya paa nya sa bobong.. sabay tingin sa pusa.

"bakit kaya ganon.. bakit ang unfair ng buhay. . – malungkot na sabi nya sa pusa.. drama nito anong meron. Ano kaya problema nito kaya siguro di sya nagparamdam sakin ngayon baka may nangyari.

Tumalikod sa kanya ang pusa at humiga. Hinaplos haplos nya ang likod ng pusa. Gustong-gusto naman ng pusa ang ginagawa sa kanya. Aba!

"Bad ba ako? Pangit ba ako..? – tanong nya sa pusa. Anong trip ng bespren ko at ang pusa na kinakausap.

"Di ka naman bad! Pangit ka lang..- opps.. sabay takip sa bibig ko napalakas ko ata.

Mukhang narinig nga ako.. inikot nya paningin nya.. wala naman syang nakitang tao..

"si..sino yan..na..dinig ki..kita! – paktay..

"meow..meow... - kunwari pusa ako.. jusko ano ba tong pinasok ko.

Agad naman syang nagulat napatungin sya sa pusa.

"ikaw ba yon ming-ming? -tanong nya sa pusa.. di naman sya pinansin nakatingin ito sa gawi ko.

"meow..meow.. -kunwari sagot ko.

"ba..bat ka na..nagsasalita? -lucas.

"malamang may bibig ako.. -iniba ko yung boses ko baka makahalata na.

"pe..pero di naman kayo nagsasalita ah. -kinakausap nanya talaga ang pusa naniwala naman ang ugok. Jusko naman lucas.

"yung iba pero iba ako.. tinanong mo ako eh di sinagot kita.. – halata sa itsura ni lucas na takot na takot na sya. Gusto ko ng humalagakpak sa tawa..pinipigilan ko lang.

"hi..hindi ka totoo.. ba..bahala ka nga!- utal utal nyang sigaw sa pusa sabay baba na ng bintana na at aakma na nyang isisirado ang bintina nya.

"at hindi ako pangit!.. -sigaw nya ulit sa pusa.. at tinuluyan na nyang sinirado ang bintana nya.

"Pangit ka pangit! - pahabol ko.. wala namana yung pusa tumakbo na sa gulat ng isinara ni lucas ang bintana nya. Dahan dahan akong bumaba at lumabas ng gate..

Doon nako humahagalpak ng tawa..

*Lucas POV*


Maaga ako gumising para tulungan si mommy mag bukas sa shop. May business kami kasosyo namin ang papang ni alex si tito jacob. Patahian ng mga gown.. nag paparenta din kami.. si mommy ko ang namamahala kasi bukod dito may sariling negosyo din si tito jacob isang beauty salon.

Weekend! kaya walang pasok.. pupuntahan ko si bespren ngayon at sobrang miss ko na yon. Nasira kasi phone ko kahapon.. napagtripan ako ng mga kaibigan ni trisha habang gumagawa kami ng thesis.. nakita kasi nila wallpaper ko si trisha ayon nakipag agawan ako kaya biglang tumilapon sa may fishpond ng school. Nagalit ako nun kasi syempre andun yung number ng daddy ko eh. Pati mga address ng companya sa korea kung saan meron pangalan ng daddy ko.

Mga info nya andun pa eh kakakuha ko lang kasi ng mga info na yon. Pero nawala na parang bola. Nagkasagutan kami nung kaibigan ni trisha.. asa pa daw ako kahit kailan hindi daw magkakagusto si trisha sakin. Hindi naman ako umaasa pero nasaktan padin ako sa sinabi nya.. nag walkout nalang ako.

Gusto ko na munang kalimutan yung nangyari. Kesa mag mokmok ako pupuntahan ko nalang bespren ko.ayuko maiwan sa bahay natatakot ako, baka kausapin nanaman ako nung pusa.

"Oh.. Magandang umaga baby boy..aga natin ah.. - bati sakin ni tito.

"Magandang umaga din po po tito ganda si bespren po?

"Ayon.. alam mo naman pag ganitong walang pasok nasa dreamland payon.. pasok ka.. nag almusal kana ba?- yaya sakin ni tito..

"Tapos na po tito ganda..

"Mabuti pa ikaw na gumising don sa bespren mo ng makapag almusal na yon..hala gora! - agad naman ako nag tungo sa kwarto nya..

Kumatok ako ng dalawang beses bago bago inikot yung doorknob at binuksan ang pinto.
Tulog pa nga.. nilapitan ko sya at dahan dahan niyoyogyog.

"Bespren?.. bes.. gising na.. - nakailang yogyog nako pero ayaw magising..




*Alex POV*




Kasalokoyan akong naghihiwa ng mga ingredients ng lulutoin ko.

"Alex si boss nandyan.. - bulong sakin nung babae.. diko alam pero sa sinabi nya kinabahan ako..napatingin ako sa pintuan at tama nga yung babae bumukas yung pinto at malamang si boss nga.

"Arayy...! - sigaw ko kaka tingin ko sa pinto di ko namalayan nahiwa ko na pala daliri ko.. panay ihip ko sa sugat ko ng may biglang lumapit sakin at kinuha kamay ko sinubo nya yung daliri ko na may sugat at sinipsip yung dugo.

Diko maaninag ang lalaki gawa ng sikat ng araw na pumasok sa bintanang kaharap namin.

Matangkad ito at makinis ang kamay.. mukhang makisig din at maganda ang tindig ng pangangatawan nya.

"Ayos ka lang ba? - tanong nya..

Tulala padin ako sa kanya..gusto ko makita ang mukha nya pero parang mas lalong tumitindi ang liwanag na nagmumula sa labas.

Ting..ting...ting..

(Ingay ng dalawang takip ng kaldero)

"Aaaahh..ano bayan!! Ang ingay ingay.. - sigaw ko.. bubuksan ko sana mga mata ko pero dahil sa sikat ng araw di ko pa kaya buksan. Panaginip lang pala.

"Bes?? Gising kana? ang hirap mo naman gisingin.. - teka boses yun ni lucas ah.. ano ginagawa ng mokong na to dito.. binuka ko mata ko at sya nga todo ngiti naka porma pa.. ilang baby oil kaya binuhos nito sa buhok nya.. sobrang kintab eh flat na flat pa. Idol ata nito si jose rizal.. naka polo pa ito with matching necktie.. ussual na ka tuck in. Inusisa ko talaga sya mula ulo hanggang paa.

"Kintab ng sapatos natin ah.. pati langaw nyan madudulas pag dumapo dyan. Anong meron? - tanong ko sa kanya sabay bangon.. nakaupo lang ako sa kama.

"Hehe..a..ayos ba bespren? Pogi ko noh? - pangitngitng sabi nya.sabay naman pasok ni steff narinig ata sinabi ni lucas at nag iba ang templa ng mukha nya.

"Talaga naman tong si lucas oh.. kay agaaga.. kumain na nga kayo.. ihahanda ko na yung pagkain. - singit ng pinsan ko.

"D..di na stef... tapos nako si be..bespren nalang.. - pagtatangi nya kay stef.

"Hindi kakain ka mukhang may dalang hangin yung kinain mo kanina.. kaya yung sikmura mo hinahanginan eh. .oppss. wag kanang tumangi ha.. maaga pa wag mokong bwebwesitin.. - pag tataray nya kay lucas.

"Su..sungit ng pinsan mo noh? - sumbong nya sakin.

"San kaba pupunta? - tanong ko.

.....






..to be cotinued😊

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon