Chap. 41

1.5K 49 8
                                    

*Alex Pov*

Ilang araw na akong hindi pinatulog ng lalaking tumulong sakin dun sa mga adik na muntik akong pansamantalahan. naikwento ko na ito sa lahat at ayun labis yung pag-alala ni papang. naereport na din namin sa pulis pero bago pa namin maereport napag-alaman namin na nakakulong napala ang mga ito mula nung gabing tinangkaan akong masama.

"Chef may naghahanap sainyo sa labas. - nagising ang diwa ko sa sigaw ni lira na isang waitress dito sa pinagtatrabahuan ko. "Ahh..sino daw?

"Miss Joanna daw po. - sagot naman nya. kaya inalis ko yung hat ko at hairnet. "chef mike ikaw muna bahala dito. - sabi ko sa assistant chef ko. agad naman itong tumalima.

tatlo kaming chef dito at ako ang head nila. bakit marami kami? kasi nagseserve kami ng different cuisine. at yun ang gusto ng management.

Ano kaya kailangan ng bruhang yun.

"bruha! - tawag ko kay joanna na umiinom ng pineapple juice.

"Hi girl! - bati nya at tumayo para bumiso sakin.

"Napasugod ka?

"Kaloka napasugod agad? hindi ba pwedeng mag punta dito at kumain? - sabi nya sabay irap nito.

"Oh? bakit nag order ka ba?  juice lang ata inorder mo eh. - sarcastic na sabi ko sa kanya.

"hehe ito naman masyadong dolyar ang presyo ng pagkain dito. ito lang afford ko noh!

"sabihin mo kuripot ka lang. ano ba kailangan mo? at may trabaho pa ko!

"Wala. namiss lang kita. - cool na sagot nya sabay sipsip sa straw ng juice nya.

"Anak ng! pinagtriripan mo ba ako? bahala ka nga may trabaho pa ako! - inis na sabi ko hilig talaga mang trip nitong babaeng to.

"oyy wait lang! ito naman di na mabiro. kasi may sasbaihin ako. - nakangiting sabi nya.

Napakamot ako sa kilay ko. "Oh ano?

"Diba magtatayo kayo ng restaurant ni stef? ito kasi nabalitaan ko na ibebenta na daw yung italian restaurant na favorite mo. nag asawa na daw kasi yung may-ari at doon na daw sa paris ito maninirahan kaya ibebenta na daw nila yung restaurant dahil hindi na nila maasikaso ito. - parang nalungkot naman ako sa balitang dala nya. 

"Ganun ba sayang naman. - malungkot na sabi ko.

"Gaga bat ganyan reaction mo? chance nyo na to bilhin nyo yung resto diba mahalaga sayo yung lugar na yun? pag iba nakabili nun ewan ko lang kung hindi iparenovate yun. saka ito pa hindi basta-basta binibigay ng may ari ang resto sa kung sino-sino lang na bibili. namimili ito ng taong magpapahalaga sa sinimulan nila. kaya ikaw na yun. - magiliw na sabi nya. napaisip naman ako sa totoo lang magpapasa na ako ng resignation dito para simulan namin yung negosyo na pinapangarap namin ni stef.

Pero baka hindi naman namin afford yung presyo. "magkano ba daw? - alanganing tanong ko.

"hindi ko alam. hindi naman kasi sinabi yung presyo calling card lang meron ako mag set lang daw ng meeting sa may ari. gusto mo mag set ako ng appoinment sa may-ari? sasamahan kita kasi idol ko din yung may-ari eh. - ngiting-ngiting sabi nya. tama sya iniidolo namin yung may-ari ng resto na yun sya din mismo ang chef doon.

"sege! sabihan ko din si stef tungkol dito.

"hehe alam na nya nasabi ko na. - nahihiyang sbai nya naka peace sign pa. hindi naman sya excited ano?

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon