Chap. 43

1.4K 50 13
                                    

*Alex Pov*

Napahawak ako ng mariin sa aking ulo at pilit inaalala kung paano ako nakauwi kagabi. nagising ako na kumikirot ang ulo ko.

Nagtataka ako kung bakit wala akong maalala sa nangyari kagabi. alam ko meron nangyari hindi ko lang mapagtanto kung ano. isa din sa dahilan ang pamumula ng kabilang pisngi ko at kunting pasa at pamumula ng mga wrist ko na parang hinawakan ng sobrang higpit kung bakit feeling ko may nangyari sakin.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may kakaiba akong nararamdaman. bukod sa medyo makirot yung mga wrist ko at isang pisngi ko wala namana akong ibang naramdamang masakit.

Shit ano bang nangyari sakin?

Nagpasyahan ko nalang bumangon at itanong kina papang kung ano nangyari sakin. napahinto ako ng may nahagip akong papel sa ibabaw ng lamesa ko.

Princess,

Don't force yourself to remember what happened last night. just take a rest and don't worry about what happened to you. What important is you're safe. let's just say that I saved you from ugly monster that wanted to hurt you. I already took care of everything and I promise you that I will protect you no matter what, my princess.

Just whisper to the star if you need me.

Knight

"whisper to the star? bubulong sa bituin? naka drugs ba to? lakas ng trip! - nakangiwi kong bulong sa sarili ko.

Ugh! mas lalong sumakit yung ulo ko sa nangyayari. una yung mga pasa ko, pangalawa itong si knight alam nya kung anong nangyari sakin. ibig sabihin baka nagkita kami kagabi? ewan! ang gulo!

"bakit ba kasi wala akong matandaan! - napo-frustrate kong sigaw sa sarili ko.

Nataranta ako ng makita kung tanghali na pala. agad kung hinanap ang phone ko at tinawagan ang manager ng hotel.


Calling Sir Marlon....

"Chef alex? napatawag ka? Good afternoon by the way.

"Good Afternoon sir, sir kasi ano hindi ako nakapasok. Ano kasi..

"Chef Ok na may tumawag na dito at pinagpaalam ka. magpahinga ka muna para gumaling ka kagad.

"ho? sino po'ng tumawag?

"yun ang hindi ko alam sinabi lang sakin ng head ng HR.

"Ah ganun po ba. sege po.

...

Habang inaantay kung matapos sa pag aasikaso si stef sa mga customer sa labas, inabala ko naman ang aking sarili sa pag check ng sales at expences ng resto dito sa loob ng munting opisina namin.

"Shit ang gwapo nung isang customer doon. kaya lang kung anong kina gwapo nya saka naman kinapangit ng taste nya sa babae. kaloka parang nangudngud yung pagmumukha nung babae sa polvora eh! sindihan ko lang yun tyak puputok yun. marsoyep! wala naba syang ibang nahanap para jowain? - napaikot ako ng mga mata sa mga sinasabi nya.



"Wag mong pakialaman yung taste ng tao. pag ganun wag ka ng umipal sa kanila dahil wala kang laban pag ganoon. dahil yun ang tinatawag na true love. - nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko.

"It's unfair! - sigaw nya tas umupo sa swivel chair nya.

"Seriously? ang unfair nun! paano naman ako? mga ganong lalaki na matitipuno, matangkad, gwapo ay nababagay lang sa katulad ko. - pagmamayabang nya.


Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon