*Alex Pov*
"Hi Baby girl. - napangiwi ako sa hyper na hyper na pagbati sakin pagpasok ko dito sa salon. sabay sabay pa talaga sila. buti nalang walang masyadong customer.
"hello sainyo mga shoko...y.. este mga serena! si papang? - biglang bawi ko baka malagot ako eh.
"nasa loob baby girl. - sagot ni juanita.
inalis ko yung sombrero ko at tumango nalang sa kanya. umupo muna aq sa couch at nakinood ng tv. si barbie lang ang may inisikasong customer ngayon.
Gabi na din kasi pag ganitong araw na may mga pasok hindi busy yung salon pwera nalang pag weekends kahit gabi ang dami paring customer.
dapat kanina pa labas ko sa school eh.. di ko tuloy maiwasan sumimangot maalala ko yung letseng ugok na yun. dahil sa kanya di ako makalabas agad ng school nakita ko sya kanina sa labas ng gate nakasandal sa kotse nya. hindi naman ako nag aassume na ako hinihintay nya kaso knowing kenneth hindi ako titigilan nun hanggat di nya nakukuha gusto nya, lalo na't tinakbuhan ko sya kanina.
"Anong mukha yan baby girl? - di ko namalayan nakaupo na pala si papang sa tabi ko.
"wala po papang.
"talaga? mukhang malalim yang iniisip mo at mukha din namang wala yung utak mo sa pinapanood mo kahit titig na titig kasa telebesyon. hhmmm.. may problema ba ang baby ko? - sabay akbay sakin ni papang at isinandal ko naman yung ulo ko sa balikat nya.
"wala po talaga papang, may asungot lang kanina sa school nangungulit. ewan ko ba dun wala sigurong mapagtripan at ako yung pinagtripan nya! - nakasimangot kong sabi.
"bakit ano ginawa ng asungot na yun sa baby ko ha,inaapi kaba doon? may ginawa bang masama sayong asungot na sinasabi mo? sabihin mo ng makatikim yang asungot na yan ng power punch ni papang! aba't di ako makakapapayag na may mang aapi sa princessa ko! - Oa'ng reaksyon ni papang, napaikot tuloy ako ng mata.
"naku sasama kami jan mother! di din kami papayag ano walang pedeng mang api sa baby girl namin! - biglang singit ni juanita.
"Kurak at di lang power punch ang matitikman nya pati mega power kili-kili..este kick din hano! - gigil na sabi ni carla na mukhang ispasol sa puti ng mukha. carlito ang pangalan nya pag kaharap ang tatay nya, di alam ng tatay nya na bakla sya ayaw nya namang sabihin sa takot na baka tagain sya ng itak ng tatay nya. nasa malayong probinsya yung magulang nya at ang alam nila ay nagtratrabaho ang anak nila dito ng house boy.
kaya diko alam kung paano nya natatago ang kabaklaan nya sa harap ng tatay nya eh ang harot harot nitong baklang to. napahilot tuloy ako sa sentido ko. ang oa nilang mag react jusko!
"Ano ba kayo! pang wala pong epopower punch at ememega power kick okay?! kasi ok lang ako saka yakang yaka ko yun at isa pa wala naman syang ginawa saking masama eh. - paliwanag ko sa kanila.
"eh akala ko ba pinagtritripan ka? - biglang tanung ni barbie napatingin tuloy kami sa kanya tapos na pala sya sa customer nya.
"hhmm oo. - nakapout na sagot ko.
may sasabihin sana si papang na naunahan na sya ni carla."eh baby girl ano ba ginawa sayo at badtrip na badtrip ka?
"hhmm wala sinusundan nya lang ako. - kunot noo silang nakatingin sakin na parang nag aantay ng saaabihin ko pa.
"ahh.. - di na natuloy sasabihin ni papang ng inunahan na sya ni barbie.
"tapos?"kung ano-ano sinasabi nya.
"gaya ng? - si juanita.
"gaya ng ano maganda daw mata ko.
"Ano????- sabay sigaw ng mga bakla kasama na si papang. may masama ba sa sinabi ko?
"Ano? ano yun baby girl maganda yung mata mo? lintek kayo ..*pak.. nagulat ako sainyo nakisigaw din ako!.. *pak.. *pak... - pinaghahampas ni papang yung mga baklang oa kung maka react. panay aray naman yung mga bruha.
" sorry naman.. na carried away lang! ✌🏻 - paumanhin ni carla.
"baby girl ano pa sabi? - nakangiting tanong ni juanita. ang gugulo talaga ng mga baklang to! natahimik naman sila at nag aantay sa sagot ko. kya wala nakong choice kundi ikwento sa kanila yung nangyari kesa kulitin ng mga to at alam ko di nila ako titigilan.
"eeehhh nagdadalaga na sya.. - tukso nila sakin. napangiwi lang ako sa turan nila.
"sino ba yang asungot na yan baby girl? - tanong ni papang.
"si kenneth po yung anak po ng isa sa may ari ng school. - deretsong sagot ko.
"mayaman! - sabay sabi ng tatlong bakla.
"ganun ba pag yang kenneth na yan may ginawang di maganda sayo sabihin mo agad sakin si papang ang bahala jan. - seryosong sabi ni papang ko.
"opo papang. - ngiting sagot ko.
"baby girl ahh matangkad ba? - tanung ni carla.
"hhmmm oo!
"maputi?
"oo.
"matangos ang ilong?
"oo.
"may expressive na mga mata?
"oo. - kunot noo kung sagot bat parang natutugma yung sinasabi nila sa itsura ni kenneth.
"mapupang labi?
"oo? teka nga ano ba yang mga tanung nyo!
"isa pa baby girl naka leather jacket batong asungot na to?
"oo? teka pano nyo nalaman? - takang tanong ko.
"ahh baka nga sya si asungot! - sabay turo nila sa pintuan.
sinundan ko ng tingin yung tinuturo nila at laking gulat ko ng makilala ko kung sino yung lalaking nakatayo doon at nakatingin sakin.
"What the hell are you doing here!?
😜 to be continued..
Bitin ba? ganun talaga wag nyo ko sakalin ha..😁✌🏻
Vote2x din para alam ko nagustuhan nyo gawa ko..☺️
BINABASA MO ANG
Ang Nerdy Kong Bestfriend
Teen FictionLucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina hina nya sya naman kina tapang ng bestfriend nya. Alex is a boyish kind of girl, matapang,palaban...