Chap. 46

1.4K 54 4
                                    

*Alex Pov*

Nilibot ko aking paningin sa buong paligid ng bahay. lahat ng bulaklak nandidito ay noong nakaraang linggo pa, malalanta na nga ang iba.

Hhmm.. aba himala ata si Mr. knight sunod-sunod na ang araw na hindi ito nagpapadala ng bulaklak.

"Let's go let's! - hiper na sabi ni stef pagkababa nya ng hagdan. sabay kaming papasok ngayon sa resto.
sya na ngayon ang pinaasikaso ko sa office at ako sa kitchen bilang head chef.

Hindi lang Italian ang seneserve namin ngayon kundi filipino din. seneserve ko narin ang specialty ko na naexperiment ko noon matapos akong makapagtapos ng pag-aaral.

Isang magarang sasakyan ang bumungad samin ni stef sa labas ng bahay.


"Woah!! kanino etech? - manghang tanong ni stef at mula doon lumabas ang isang gwapong nilalang..este pesteng nilalang.






shit! Oo na gwapo na pero peste pa din sya!

"Ow the ex-bf! Hi lucas! - magiliw na bati ni stef na syang sinamaan ko ng tingin.

"Hoy anong ex-bf pinagsasabi mo?! - asik ko kay stef.

"couz! chill ka nga! ex-bf! ex-bestfriend. - ismid na sagot ito.

"Hi stef, Hi Alex. ahm, hatid ko na kayo? - sabi nito na kinataas ko ng kilay.

"Bakit? close ba tayo? who are you anyway? I don't even know you, kaya umalis kana! - asik ko rito. nagulat ito sa sinabi ko at bumahid ang sakit sa mga mata nito kaya umiwas ako ng tingin. I know it's below the belt na yung sinabi ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. I really hate him.

"wow amnesia ang peg ni insan! ikaw naman kasi lucas tagal mong nag disappear kaya ayan nagme-menopause na! hehe. - sabat ni stef at humahagikgik pa.

"Shut up stef! tara na! - sabay hila ko rito ng may nakita akong taxi.

hindi ko na narinig ang sagot ni lucas dahil agad akong sumakay sa taxi, sumunod naman sakin si stef napansin ko pang nakatingin ito kay lucas na parang naawa.

"Ang sama mo couz! - nakapout na sabi nito.

"tss!

"Good Morning Maam, Chef. - bati ng mga tauhan namin pagkapasok namin sa resto.

"Ah chef may nagpadeliver pala dito bouquet po nasa office nyo po. - malumanay na sabi ng isa sa mga empleyado ko. tinanguhan ko lang ito at dumretsyo sa opisina.

pagkapasok ko bumungad sakin ang isang bouquet ng white tulips.


tulips? si knight lang ang nagpapadala sakin ng tulips ah.

"Kinakabahan na talaga ako sa knight na yan. Pati ang resto nato alam nya. - kinakabahang sambit ko. napatingin naman saakin si stef nakunot-noo. tinignan nya ang bulaklak saka nilapag pabalik sa mesa ko.

"Anong pinagsasabi mo eh hindi naman kay knight galing yan. may card oh try mo kayang tignan. - mataray na sabi nito saka pumunta sa  table nya. bipolar lang? kanina ang hiper ngayon ang taray. may sapi na naman ata tong pinsan ko. manilis kong dinampot ang card at binasa.

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon