*Alex Pov*
Katahimikan, yan ang bumabalot saming dalawa ngayon. pagkatapos naming kumain hinila nya ako paakyat dito sa rooftop ng hotel. Sampung minuto na kami dito ngunit wala ni isa saamin ang nagsalita.
"Alex. - sa wakas binasag din nito ang nakakabinging katahimikan. lumingon ako sa kanya punong puno ng emosyon ang mga mata nya. ramdam kong kinakabahan sya bigla yatang nawala yung lucas na kaharap ko kanina na pinipilit akong pakainin, yung maawtoridad na lucas na may pagkabastos ang bunganga.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at tinuon yung tingin ko tanawin. "Go on, I will listen. - kalmadong sabi ko.
"Look I know galit ka sakin and Im sorry for that alex. It's just that we need to leave that time and stay away from you and tito ganda para sa kaligtasan nyo. -napalingon ako dito na may kunot saaking noo. kaligtasan?
"Alam kong nalilito ka kahit noong una ako din kami ni mommy. sino ba naman mag-aakala ang simple at tahimik naming buhay ni mommy ay bigla nalang mabubulabog ng dumating ang daddy ko. hindi sya nagpakita ng mahabang panahon para sa kaligtasan namin ni mommy. galing sa isang mayaman ang daddy ko, pilit syang pinapakasal ng tatay nya sa anak ng kasusyo nya sa negosyo, ngunit hindi sinunod ni daddy si lolo sa halip si mommy ang pinili nito. lumayo sya kasama si mommy na walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ni daddy. akala ng mommy ko isang ordinaryong tao lang pinakasalan nya. saka lang nya nalaman nung umalis si daddy at iniwan kami. nilihim nya saakin ang lahat. sobra akong nasaktan ng mga panahon na yun. naisip ko ngang puntahan ka nun eh kaso naalala ko kasama mo pala si kenneth nung gabing yun. - tumingin ako sa kanya pero nakatingala ito sa langit pasimple nitong pinupunusan ang luha nya gamit ang kamay nito.
walang salita ang lumalabas sa bibig ko pero isa lang alam ko ngayon sobrang bigat ng pakiramdam ko. naguguluhan parin ako sa nangyayari pero ramdam ko yung bigat at sakit na dinadala nya.
"Nagkaroon ng kalaban ang lolo ko sa negosyo hindi naman maiiwasan yun kaso lumala lang yung sitwasyon 5 years ago at nalaman ng mga kalaban nya tungkol sa pagkakaroon ng asawa at anak ng anak nya which is my dad kaya yun bigla syang dumating sa bahay nun. ayaw ko sanang umalis, God knows alex ayukong umalis. ayuko! - tumingin ito sakin na nanunubig ang mga mata.
"Ayukong iwan ka lalo na't madami pa akong gustong sabihin sayo at hindi ko lubos maisip sa mga panahon na yun na hindi ka makita kahit sandali sa isang araw para na akong pinapatay. pero ayuko ding madamay ka, kayo nila stef at tito.
Natawa ako ng pagak sa sinabi nito. "Pero lucas BESTFRIEND mo ako diba? mauunawaan naman sana kita kung sinabi mo saakin yung totoo eh. kung totoosin sabay na tayong lumaki eh, pero hindi mo ako pinagkatiwalaan hinayaan mong lumayo na hindi mo sinabi saakin kung bakit ka, kayo umalis. - mariin kong sabi sa kanya.
"Alex It's not just that I don't trust you, hi-hindi ko lang maintindihan yung sarili ko sa mga panahong yun. and I don't want to say goodbye to you, its just that.. I.. I don't know. - nakayuko nyang sabi.
"Dont tell me that 'dont know' thingy lucas. Dont waste this chance that i given to you! Just tell me your real reason or maybe you just forgot me that time kaya umalis ka nalang ng basta-basta. - di ko mapigilang sumbat sa kanya.
"No, of course not alex! - umiiling na sabi nito. Napahilamos ito ng mukha at tumingala sa langit.
"We're bestfriends alex, I know nasaktan kita and Im sorry for that. Naalala mo ba dati nag-text ako susunduin kita kaso nung sinundo kita sainyo naunahan na ako ni kenneth eh. - seryosong sabi nito.
BINABASA MO ANG
Ang Nerdy Kong Bestfriend
Teen FictionLucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina hina nya sya naman kina tapang ng bestfriend nya. Alex is a boyish kind of girl, matapang,palaban...