*Continuation..
Jusko winindang na naman nya buong internal organs ko. napahigpit ako ng hawak sa kanya ng pinaharurut nya ang motor nya. hhhmm bango nya talaga. napaisip ako iba ang pabangong gamit nya ngayon at pamilyar sakin ang amoy.
Napapikit pako habang dinadama yung hangin na sumasalubong samin hindi ko kasi binaba yung salamin ng helmet.
lahat ng iniisip at pag-alala ko mula nung nakaraang araw ay biglang naglaho ngayong nandito sya kasama ko.Hindi ko na talaga siguro matatakasan tong nararamdaman ko sa kanya.
Paano naman si kenneth? - sabat ng utak ko.
I sigh in frustration, Actually I really don't know. I admit may puwang na sya sa puso ko kahit madalas akong naiinis sa kanya.
Huminto kami sa harap ng Italian restaurant kung saan kami nag date este bestfriend date dati. pinababa nya ako at tinanggal sakin yung helmet. Ang awkward nga dahil nakatitig sya sakin habang inaalis yung pagkalock ng helmet ko.
Pumasok na kami matapos nyang ipark yung motor nya. "Reservation for Lucas Yap. -deretsong sabi nya sa waitress na sumalubong samin. "This way sir. - agad naming sinundan yung waitress.
"Don't tell me favorite mo narin dito kasi dito mo ako dinala? - nakangiting tanong ko sa kanya matapos kaming mag order. "Well I won't deny it! - nakangiting sagot naman nya.
"Ganun? so ano pinaka-favorite mong dish nila at nagustohan mo dito?
"Lahat ng seneserve nila gusto ko but that's not the reason why..
kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Eh ano? - naguguluhang tanong ko.
"Later, let's eat first. - sabi nya dumating na kasi yung order namin.
"So pwede ko na bang malaman kung bakit favorite mo na yung restaurant na fav ko? - tanong ko sa kanya, andito kami sa rooftop kung saan nya ako dinala dati. hinila nya lang ako bigla pagkatapos naming kumain.
"Dahil dito tayo una nagdate? - ngiting sagot nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. date? bigla namang namang dumadagungdong ang puso ko sa sinabi nya.
"Our bestfriend date remember? our memorable night. ang gabing yun ang nagpagising sakin sa katotohanan at nagpalito sakin. - para namang nalukot yung dila ko sa loob ng bibig ko wala akong masabi kahit nalilito ako sa huling sinabi nya.
Alinlangan akong tumingin sa kanya hindi ko alam kung bakit ganito ako basta nagwawala ang tibok ng puso ko.
Jusko kumalma ka heart!
"Aahhmm.. - yan lang lumabas sa bibig ko. nakangiti lang sya na nakatingin sakin. "Nilalamig kaba? - saka sya nakatingin saking mga kamay na nakahawak sa mga braso ko. naka white blouse lang ako, wala akong jacket na dala.
"Oo eh. ikaw naman kasi dito mo pala ako dadalhin di ka man lang nagdala ng jacket o di kaya nag text ka man lang para makadala ako ng sariling jacket ko. - nakangusong reklamo ko sa kanya. natawa sya ng mahina saking sinabi. wala namang nakakatawa dun ah?
Napaigtad ako ng maramdam kong may pumulupot na mga braso sa bewang ko. "Sorry nakalimutan ko but I can be your human jacket. - napapikit ako ng mariin at napakagat ng ibabang labi ko dahil sa kiliting naramdaman ko ang hininga nya sa leeg ng magsalita sya.
BINABASA MO ANG
Ang Nerdy Kong Bestfriend
Teen FictionLucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina hina nya sya naman kina tapang ng bestfriend nya. Alex is a boyish kind of girl, matapang,palaban...