Chap. 25

2K 65 8
                                    

*Alex Pov*


Palinga-linga ako sa paligid ng makapasok ako dito sa building namin para hanapin si joanna. Pinapunta kasi nya ako dito,hindi ko naman alam kung bakit. mamaya pa namang tanghali yong graduation practice namin tapos ang aga-aga pinapunta ako dito ni joanna.

asan ba kasi yun?


"Hi! Ikaw ba si alex? - tanong ng lalaking biglang kumalabit sa likod ko. nilingun ko sya at parang familiar sya sakin. tinignan ko yung suot nya naka varsity jacket sya at kung hindi ako nagkakamali sa soccer sya kabilang. ganito din kasi yung jacket ni kenneth bilang varsity player ng soccer.

"Oo..ba-bakit? - medjo na uutal kong sabi. ngumiti lang sya sakin at sabay abot sakin ng isang stem ng puting rosas na tinago pa nya sa likod nya.

"Nice to finally meet you. enjoy your day your highness. - ngiting sabi nya sabay yuko sakin. ako naman itong naiwang nakanganga nung umalis na sya. ano yun? napatingin ako sa rosas na hawak ko. bakit nya ako binigyan?
nalilito ako sa sinasabi nya.

bakit nya ako tinawag na your highness ano ako princessa?

*beep.. beep..

From: joanna

girl aantayin kita sa room D-25.
sya nga pala sa hagdan ka dumaan sira yung elevator.

Ano? nasa third floor yung room na yun ah! ano bang ginagawa nya don? tinignan ko yung elevator may nakapaskil nga na sira. ano bayan.

inis akong nagpapadyak. wala na akong nagawa kundi umakyat sa hagdan.

bago pako maka akyat may nakasalubong akong lalaki na naka varsity jacket din tulad ng kanina.
gwapo sya katulad nung kanina at inabutan din ako ng puting rosas.

"teka nga bat ba binigyan nyo ako ng ganito? - taong ko sa lalaki ngunit ngumiti lang sya at yumuko sa harap ko sabay alis.

"hoy! - sigaw ko kaso hindi ako pinansin. maya-maya may nakasalubong na naman ako. tulad ng kanina nag abot din ito ng isang rosas. inilahad nya lang ang kamay na parang nagsasabing dumeretso lang ako sa pag-akyat.

hinayaan ko nalang at go with the flow nalang ako. hanggang sa naka 11 white roses yung hawak ko.

agad kong nakita si joanna sa may pinto ng room na sinasabi nya. nakangiti lang yung loka-loka.

"Anong trip to? may kinalaman ka ba dito? - tanong ko sa kanya sabay angat sa mga bulaklak na hawak ko.

"hehe.. ay naccr pala ako pumasok ka muna dyan sa room babalikan kita mamaya. oh ito! dali na pasok na. - sabi nya habang tinutulak ako papasok sa loob ng room. inabot nya muna sakin ang isang puting rosas.

"teka bat may ganito..hoy joanna! - wala na tumakbo na ang bruha. tinignan ko naman yung room madilim naman. hayaan na nga aantayin ko nalamg dito yung babaeng yun. pero anong gagawin ko dito sa mga bulaklak na to?

napabuntong hininga nalang ako. bubuksan ko na sana yung ilaw ng room ng may biglang nag stram ng guitara?.

"Si..sino yung nandyan? - alam kong meron pang tao dito sa loob ng room. maya-maya'y unti-unting lumiwanag ang paligid gawa sa mga mumunting ilaw na nakapaligid sa sahig at naka sabit sa bawat sulok ng room nato.

Unti-unti kong namukhaan ang taong nakatayo sa gitna na may hawak na guitara.

"A-anong ginagawa mo? A-ano..to? - tanong ko sa kanya at inikot ko yung tingin ko sa paligid. wala kasing bintana ang room nato kaya madilim sya kung hindi talaga bubuksan ang ilaw. may nakalatag na malaking carpet sa gitna kung saan sya nakatayo. isang heart shape na carpet,may mga unan at mga series lights nakapaligid sa gilid. puno naman ng petals ang sahig at may mga flying balloons pa.

tinignan ko ulit si kenneth pero sa halip na sagutin nya ako ay ngumiti lang sya at nagsimulang mag stram ulit ng guitara.

"Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

napakagat ako ng ibabang labi ko. magsisinungaling naman ako sa sarili ko kung hindi ako kinikilig sa ginagawa nya. ang ganda ng boses nya. ang lamig at ang sarap pakinggan.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you

In love si kenneth sakin?

malabo naman yun. pero bakit ginagawa nya to? bakit nya ako kinakantahan at may pakulo pa syang ganito.

sa sandaling nakilala ko si kenneth kahit may pagka barumbado sya at may pagkapilyo isa padin syang mabuting tao. hinahalagahan nya talaga ang mga taong malalapit sa kanya. lalo na ang pamilya nya at mga kaibigan nya.

si kenneth yung dedma sa ibang tao at walang paki. pero pagdating sa mga taong mahalaga sa kanya, sobra sya kong makasuporta at magmahal.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be

naglakad sya palapit sakin habang titig na titig sa mga mata ko.bakas sa mukha nyang masaya sya. siguro kasing pula na ng kamatis yung pisngi ko.

Take my hand,
Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you

sobrang lapit na nya sakin at gusto ko syang piktusan at patigilin sa ginagawa nya. hindi ko nga alam bakit ko sya hinayaan gawin to. nakakailang kaya tong ginagawa nya sakin ngayon.

For I can't help falling in love with you..

"Okay..Okay magaling kanang kumanta. Ano bang meron at may nalalaman kapang ganitong gimik ha? - tanong ko sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

nilapag nya ang guitara nya at humarap sakin na nakangiti habang napailing. hinila nya ako sa gitna at inabotan ng isang bouquet ng white roses.

"kasi nga po I can't help falling in love with you. I am falling in love with you ale. - seryosong sabi nya na ikinagulat ko ng sobra.

"gab-gab naman baka naman nagkakamali ka lang at isa pa bakit ka naman maiinlove sakin? wag mo nga akong pagtripan. iba nalang! - sabi ko at napakamot sa ulo. na stress ata ako bigla sa rebelasyon nya eh.


"No ale! hindi kita pinagtritripan. do you know why I give you white roses? because white roses signifies purity and innocence just like you ale. Your face may not launch a thousand ships
But it's your heart and soul that are for keeps. I love the way you walk, just like a man, not really sexy but it's fine. I love you just the way you are. mahal kita kahit ano ka pa o sino ka pa. I love everything about you and I really do. don't worry okay? hindi mo naman kailangan sumagot ngayon dahil alam ko nabigla kita. you can take all your time ale. I can wait! please wag mo muna akong bastedin ngayon, bigyan mo muna ako ng chance to prove myself to you. please ale kahit ano mang isasagot mo buong-buo ko itong tatanggapin, but let me show you first my sencirety about how I feel towards you. please?



































To be continued..

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon