Chap. 23

2.4K 81 7
                                    

*Alex Pov*

Nasan na kaya yung loka-loka kong pinsan, gabi na di pa nauwi. baka nasa salon. bahala sya baka sasabay yun kay papang.  makatulog na nga lang.

*beep.. *beep..

kinapa ko sa side table yung phone ko baka si stef yung nag text.

From: Bespren koh

Do you know how much time I should spend with you to feel happy?

hhhm? ito na naman yung pintig ng puso ko,isang text lang mula kay lucas nagwawala na. wrong send ba to?  ako ba tinatanong nya?

"Do you know how much time I should spend with you to feel happy? - huh?basa ko sa text nya ulit.

* beep..beep..

From: Bespren koh

Forever!

anak ng! mas lalo pang lumakas yung kabog ng dibdib ko. baka wrong send lang to hindi ko naman sya tinext eh.
mag tetext ulit to at sasabihin wrong send sya.

*Beep..Beep..

sabi na eh!

From: Bespren koh

I miss you.

I miss you. hindi wrong send? hindi alex mag tetext ulit to. anak ng tokwa naman oh triple na ata yung kabog ng dibdib ko sa text nya.

kailangan ko yata ng tubig. nilagay ko sa bulsa yung phone ko at dali-daling bumaba. uminom agad ako ng tubig pagkadating sa kusina.

*Beep..Beep..

From: Bespren koh

Hindi mo ba ako namiss? kasi ako miss na miss na kita.

"Ano ba trip mo ha? kelan mo sasabihin na nawrong send ka! may pamiss-miss kapang nalalaman! - sigaw ko sa phone ko. para nakong baliw dahil sinasigawan ko yung phone ko. napakamot ako sa ulo ko.

"hindi kita rereplyan pag di mo pa tenext na wrong send ka lang. alam ko naman na di mo ako na mimiss. - sabi ko sa habang nakatingin sa phone ko. nababaliw na ata ako.

"Ayyyyyy!!!! - napatili ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod.

"Ako lang to. hindi ako na wrong send at totoong na mimiss na kita. - doon ako natigilan. basi sa boses at amoy nya sya nga. para naman kung may anong kuryente dumaloy sakin sa yakap nya. halos di magkamayaw sa pag tibok ang puso ko.

"I-ikaw pala lucas, ano kaba pa bigla-bigla kang sumusulpot! pimples kaba? papatayin mo ba ako sa gulat? - sabi ko ng makabawi sa gulat at para makawala na din sa yakap nya. ang awkward eh.

"Sorry. bat ba hindi moko nerereplyan at kinakausap mo pa yung phone mo.? - tanung nya sakin nahiya tuloy ako. kailangan ko mag isip ng palusot.


" Ahh ehhh.. trip ko lang! saka lahat naman tayo may kanya-kanyang trip diba? so walang basagan ng trip. at isa pa pano kaba nakapasok ha? - pag-iiba ko. nakakahiya ka alex!

"Ah.. ayos yang trip mo ha. ano kasi, hindi naman naka lock yung gate nyo pati pinto kaya pumasok na ako. saka para dalhin to. - sabi nya sabay angat ng supot na may pagkain. kumuha naman sya ng plato para isalin yung dala-dala nya. wag nyang sabihin dito sya kakain? eh iniiwasan ko nga sya eh.

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon