*Alex Pov*
"Hello ladies.. hi my loves do you miss me?- todong ngiting sabi ni kaloy. yung pinsan ni barbie na nagtatrabaho sa barbeque station. (if you still remember him)
"Anong ginagawa mo dito? - takang tanong ko wala ba tong trabaho sa ihawan? pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hangang paa. aba ang porma nya ah!
"Special delivery for you Princess. Pizza at vanilla ice cream para hindi kana malungkot at umiyak. - ngiting-ngiting sabi nya na kinagulat namin ni stef kaya nagkatinginan kami.
"Teka Kaloy pano mo nalaman na malungkot at umiyak ang pinsan ko ha? - nanlaki naman ang mga mata ni kaloy tila'y nagulat sya sa tanong ni stef sa kanya.
"Ah..eh.. ano.. that's what you call connection. - kunot-noo akong nakatingin sa kanya. kinuha naman ni stef ang pagkaing dala ni kaloy.
"Anong connection ang pinagsasabi mo? - mataray na tanong ko. "connection! instant connection between us my princess in short we are soulmate! - todo ngiti nyang sabi bungal naman. english yun ah! kung titignan ko sya ngayon parang ang layo nya sa dating kaloy na dugyot. naliligo lang pagnakaalala.
"Ang creepy mo alam mo yun? - sabi sa kanya ni stef. "Oh common stef, Im so sorry alam kong nagseselos ka alam ko na matagal ka nang may pagnanasa sakin ngunit itong pinsan mo talaga ang nakabihag sa pihikan kong puso. - madramang sabi ni kaloy. parang pumitik yung ugat ko sa ulo kunti nalang sasabog nako sa butiking to.
Nanlilisik na mga tingin ang binigay ni stef kay kaloy kaya nakailang lunok na si kaloy ng laway nya sa takot. "Hehe kainin nyo yan ha pabusog kayo. nakalimutan ko may appointment pako ngayon hehe. bye princess. - paalam ni kaloy sabay kumaripas ng takbo. may pa appoinment pa syang nalalaman.
"Pasalamat sya nasa likod bahay yung itak natin kundi nataga ko na yung pagmumukha ng ugok na yun! - inis na sabi ni stef.
"Nagtataka lang ako paano nya nalaman na malungkot at umiyak ako? at alam nya talaga ang comfort foods ko. - takang sabi ko sabay tingin ng seryoso kay stef sya lang naman kasama ko dito eh.
"Hoy my dear couzin ha wag mo akong tignan ng ganyan. magkasama tayo buong araw ni hindi mo ako nakitang lumabas at humawak ng phone ko na may katext o may katawag. kaya wala akong kinalaman dyan. - may point naman sya sa sinabi nya hindi ko nga naman sya nakita may kausap o lumabas ng bahay. pero paano?
"baka nakita ka nya kanina o nung nakaraan kasi sa totoo lang couz you look so stress saka pwede na nga nating ipakilo yang eyebags mo eh. kaloka! halata sayong wala ka masyadong tulog. wag mo ng isipin yung bespren mong nagdisappear! natoto syang umalis matoto syang bumalik, kung ano man ang rason nila ipagdasal nalang natin na sana okay lang sila. ganun lang! baka nakakalimutan mo couz magtatayo pa tayo ng sariling restuarant natin diba? kaya life goes on! - ngiting sabi nya sakin sabay kindat na kinangiti ko na din. hindi ko talaga alam kung ano mangyayari sakin kung wala akong stefanie sa buhay ko.
tama sya life must go on!
Simula ng araw na yun hindi na ako nagmokmok pa at pilit kong hindi isipin yung biglang pag-alis nya. kaya tinuon ko nalang sa trabaho ang aking sarili.
Hindi naman ako nabigo sa larangan na pinili ko. sa loob ng dalawang taon naging ganap ako bilang isang chef. dahil sa kagustuhan namin ni stefanie matupad ang mga pangarap namin masasabi ko na malaki ang pinagbago ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Ang Nerdy Kong Bestfriend
Teen FictionLucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina hina nya sya naman kina tapang ng bestfriend nya. Alex is a boyish kind of girl, matapang,palaban...