*Alex Pov*
Tamad na tamad akong bumangon sa kama ko. Hindi na nga ako nakapaghaponan kagabi dahil sa pagod. pagkatapos ng interview sakin kahapon pinagluto pa nila ako para subukan ang cooking skills ko. Thankful naman ako na nagustuhan nila yung inihanda ko.
Sobrang saya ko na natanggap ako kahapon. pati na rin si stef isa na sya sa mga magiging receptionist ng hotel. sobrang tuwa ni papang ng binalita namin sa kanya.
nextweek pa naman kami magsisimula kaya may araw pa kami para makapagpahinga bago kami sasabak sa unang trabaho namin.
"Insan naiisip mo ba ang naiisip ko? - tanong nya. "yeah. -tipid na sagot ko.
"Doon kana sa taas at ako dito sa baba. - sabi nya pero umiling ako. "palitan mo nalang yung mga beddings at kurtina sa taas, isasama ko sa labahin ko. - taas kilay syang tumingin sakin."Sigurado ka? - tumango lang ako sa kanya. pag wala kaming lakad ganito kami mag gegeneral clining. kinuha ko yung mga duming damit ni papang at ni stef una umayaw pa sya pero sinamaan ko lng sya ng tingin. trip ko kasi maglaba ngayon.
hapon na ng matapos ako sa paglalaba. rinig kong may kausap sa loob si stef.
naabotan ko silang nanonood ng tv ni lucas. araw-araw yata tong nandito tong lalaking to.kakatapos lang din yata ni stef na maglinis. nagpaalam sya na aakyat muna at magpapahinga. pabagsak naman akong umupo sa sofa at pumikit.
"tired? - tumango lang ako bilang sagot ng hindi sya tinitignan. naramdaman kong umusog sya palapit sakin. napabuka ako ng mata ng kinuha nya kamay ko at dahan-dahang pinipisil at minamasahe.
"Sana inagahan kong pumunta dito para matulungan ka. - sabi nya habang nasa kamay ko yung mga tingin nya. marahan kong hinila yung kamay ko mula sa kanya. "Ayos lang ako. - napailing lang ito at kinuha ulit kamay ko.
napalunok ako ng paakyat sa braso ko yung masahe nya. kahit medyo ilang ako sa ginagawa nya hinayaan ko lang. sobrang ngalay kasi ng braso ko sa bigat ba naman ng mga bedsheet eh. binabad ko pa kasi bago ilagay sa washing.
"Inaatok ako bes. - tanging nasabi ko. "Okay just close your eyes. - sabi nya kaya pumikit ako. sasandal sana ako sa balikat nya hindi ko nagawa. nanlaki ang mga mata ko ng umaangat ako sa ere.
"Lucas ibaba mo nga ako! - sigaw ko sa kanya. pero imbes na ibaba ako mas hinigpitan nya yung pagkakahawak sakin. "Ssshh.. I just carry you upstairs! hindi ka pwede matulog dito. - balewalang sabi nya. " ibaba moko kaya kong maglakad. - malumanay na sabi ko.
"just close your eyes alex. wag kang malikot baka mahulog tayo dito sa hagdan. - sabi nya at tumahimik nalang ako. hinayaan ko nalang sya at kumapit nalang ako sa batok nya.
hindi ko tuloy maiwasan mapatitig sa kanya. hay lucas ano nanaman to! ginugulo mo na naman lahat ng internal organs ko!
"Staring is rude. - biglang sabi nya napakurap naman ako ng mata. "h..hindi kaya! -tanggi ko.
nahuli ka na nga tumatanggi pa! - sabat ng chismosang utak ko.
"It's okay, you can stare me all you want. I won't mind alex. - nakangising sabi nya. tinulak ko ng mahina yung pisngi nya na kinangiti nya lang. gusto ko sana sampalin eh pero di ko kaya.
BINABASA MO ANG
Ang Nerdy Kong Bestfriend
Teen FictionLucas is a nerd guy..walang araw di sya na bubully sa school nila, wala syang lakas na loob para patulan ang mga ng aapi sa kanya. kung ano man kina hina nya sya naman kina tapang ng bestfriend nya. Alex is a boyish kind of girl, matapang,palaban...