Chap. 32

2K 66 15
                                    

*Alex Pov*

tanghali nako nagising dahil gumawa pako ng resume at application letter kagabi sinamahan pa ng kadaldalan ng pinsan ko. Ewan ko kung anong oras nako nakatulog. kumakalam na sikmura ko.

"Stef anong ulam? - napakamut kong tanong saka umupo na sa hapagkainan.

"hindi ko alam kakagising ko lang eh. tanong mo sa cook. - sabi nya habang nag lalagay ng plato sa mesa. "Sino ba nagluto gutom nako eh! pang? - tawag ko kay papang.

"Umalis na kanina pa, sandali lang mahal na princesa pinagluluto kapa ng princepe mo. - princepe? anong pinagsasabi nitong babaeng to. dali-dali akong tumayo at pumunta ng kusina.

napalunok akong nakanganga ng makita ko kung sino ang nagluluto. bat parang lumaki ang braso nito bumakat yung biceps nya habang pinaghahalo nya yung fried rice. lumaki ata katawan nitong mokong nato.

"mukhang busog kana ah. - nakangising tudyo ni stef. inirapan ko lang ito. "Ano ba ginagawa ng mokong na yan dito?

"aba't ewan ko. - kibit balikat na sabi nya. "Gising kana pala kunti nalang tapos nato. - nakangiting sabi ni lucas.

Parang nag heart-heart yung mga mata ko sa mga pagkain sa harap ko. daing na bangus, itlog maalat na pinaghalo sa kamatis, hotdog, Sunny-side up egg, fried rice at bacon.

"hindi ko alam kung anong nakain mo at bigla kang nagpunta dito at nagluto. pero salamat na din dahil gutom na talaga ako. - sabi ko kay lucas sabay subo. patango-tango namang pinsan ko  habang nakain.

"Wala akong magawa eh nag jogging kase ako kanina kaya naisipan ko dumaan dito at magluto narin.  - nakangiting sabi nya. kaya pala parang nagiging fit sya nagsisimula na pala syang mag exercise.

nagpapamacho?

syempre nagpapamacho yan sa girlfriend nya. - singit ng mahaderang utak ko.

"Sya nga pala lucas mag aaply ka naba ng work o tambay ka muna? - rinig kong tanong ni stef. "Magwo-work na ako kinuha kasi ako nung pinag ojt-han kong companya dati.  - napatingin naman ako sa kanya ang swerte nya kung ganun. 

"Wow, swerte ah! kami ni insan bukas siguro mag hahanap kami since matagal kaming nagising ngayon kaya bukas nalang.

"hindi ba kayo mag babakasyon muna?  - takang tanong nya. "Ikaw ba hindi kakain? - mataray na tanong ko dadak sya ng dadak eh! hindi na nya nagalaw yung plato nya.

"Kakain. - agad na sagot nya sabay subo ng hotdog. inirapan ko lang sya. "Ang strict noh? ang swerte ng magiging jowa ni insan, hindi malilipasan ng gutom. hehe - hagikgik na sabi ni stef, sinamaan ko agad sya ng tingin.

"Yeah! sana ako yun. - sagot ni lucas pero hindi ko nadinig yung huling sinabi nya.

"Ano sabi mo? - mataray na tanong ko nakatanga lang syang nakatingin sakin sabay iling.

------

Kasalukuyan kaming nagmo-movie marathon dito sa bahay. trip ni lucas eh hinayaan ko lang gawain din naman namin to dati. namiss ko na nga yung ganito eh.

*ding..dong..ding..dong..

"lucas may tao. - kalabit ko sa katabi ko.  sya katabi ko eh di sya inutusan ko. ang ganda na kasi ng eksena dun na sa part na hinahabol na ng killer yung mga bida. "S..stef may tao. - rinig kong utos nya kay stef.

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon