Chap. 27

2.2K 83 10
                                    

*Alex Pov*

Today is the day! our graduation day. I'm so thankful that finally after those hardship, struggles, headaches, circumtances of being a student nalagpasan namin yun at ngayon dala-dala ko ang isang masayang ngiti saking mga labi.

masaya akong pumapalakpak at pasimpleng nagpunas ng luha ng matapos ang mahabang speech ni lucas. (hindi ko na sasabihin kung ano at ang haba baka maloka si author)

Isa lang naman syang Suma Cum Laude at hindi na ako nagulat doon. sobrang proud ako sa kanya.

tumayo ako ng marinig ko ang aking pangalan na tinatawag. shock ang itsura ng papang ko ng sinulyapan ko sya nakita ko pa syang napaluha. tinanggap ko yung medal at tinaas ito sabay tingin kay papang ngumiti ako sa kanya at kinindatan. surprise ko talaga sa kanya to.

"Anak I'm proud of you! - madramang bati sakin ni papang. kakatapos lang ng graduation ceremony namin. agad kong niyakap si papang at nagpasalamat. inaantay lang namin si stef para makauwi na kami.

maya-maya'y dumating na din si stef. patakbo itong lumapit samin at denambahan kami ng yakap ni papang. "graduate na ang mga junakis ko. proud na proud ako sainyo. - naluluhang sabi ni papang.

nagkatinginan kami ni stef at sabay napangiti. "hindi naman po namin maabot to kung hindi po dahil sainyo tito eh. - nakangiting sabi ni stef kay papang. tumango tango naman ako bilang sang-ayon. "mahal na mahal ka namin papang. - sabi ko sabay yakap sa kanya at yumakap na din si stef samin.

"Congratulations!! - sigaw ng mga bakla pagkapasok namin sa bahay. nagsara kasi si papang para lahat makapag handa. nandito lahat ng mga empleyado nya sa salon.

nasopresa kami ni stef na makita yung mukha namin sa malaking tarpaulin nakasabit sa bahay. actually picture naming tatlo kasama si lucas.

"Teka nasan na ba sila ate patty? - rinig kong tanong ni carla. napatingin ako sa labas ng gate ng may humintong taxi. lumabas mula doon si tita at lucas.

pinagplanohan talaga to nila papang at tita (mommy ni lucas) na isabay yung celebration at dito sa bahay ang handaan.

"Kung alam ko lang na may award yung mga anak natin di sana mas bongga pa dito ang ihahanda ko. - maarteng sabi ni papang kay tita. "yun na nga may nalalaman pang surprise! tignan mo nasira ang make up ko dahil sa kakaiyak kanina. - napangiti kami kay tita sa sinabi nya.

"Ang bongga naman isang suma cum laude at cum laude! nakakaproud kayo baby girl at baby boy! - masayang sabi samin ni juanita. "Ikaw stef wala kang award? -pang-aasar ni barbie kay stef.

"Meron! ito oh! -sabay angat ng diploma nya. "makatanggap lang nito ok na noh para sakin ito yung award ko sa pagsisikap ko mag-aral! hindi ko nga lang inabot yung level ni insan at ni lucas. - dagdag nya.

"Tama yan! ang importante nakapagtapos ka. kung nasaan man ang kapatid ko ngayon for sure sobrang proud yun sayo! - sabi ni papang kay stef sabay akbay nito sa kanya. "hhhmm tito naman wag mo ko paiyakin. - nakapout na sabi ni stef. ginulo lang ni papang ang buhok nya. "Tito!! - reklamo nya kaya napailing nalang ako sa kanya.

"Hi! - sabi nung nasa likod ko. hinarap ko ito at ngumiti.

"Congratulations/Congratulations! - sabay namin bati sa isa't-isa. sabay din kaming natawa.

"I'm proud of you/proud ako sayo! - sabay ulit naming sabi. napailing nalang ako at sya naman napakamot nalang sa ulo.

nakatingin lang ako sa kanya ng may dinukot sya sa bulsa nya. "Here, for you. - sabay abot sakin ng isang pahabang itim na kahon. napangiti ako sa kanya at kinuha yung box na binigay nya. "Ano to? hindi kana sana nag abala pa! - sabi ko kasabay nun ang pag flash ng camera samin kaya sabay kaming napatingin kung san nang galing ito.

Ang Nerdy Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon