Peculiar Chapter 1

1.1K 24 7
                                    

Fire's POV:
"C'mon Fire Gailyn Cole! A prom wouldn't kill you, pumunta ka na kasi." Pamimilit sakin ni Janine kaya napabuntong hininga ako at nahiga sa kama nya. Prom, huh?

Napa-irap ako at dumapa mula sa pagkakahiga ko, "Janine, alam mo naman na magmumukhang tanga ako dun." Napapikit ako at nakita ang sarili ko; magulo buhok, wearing torn dress, sirang makeup, in short pangit.

"Ako maga-ayos sayo, kaya sige na!" Pamimilit nya habang sinusuot ang uniform nya kaya tumayo na ako at inayos ang medyo nagusot kong uniform. I'd rather eat pizza all night than stand in the dark for five hours.

Napabuntong hininga ako at tinignan sya, "I'll think about it." Mahina kong sabi at lumabas na sa kwarto nya. Napatingin naman ako sa salamin at napakunot ang noo, "Walangya! Hindi man lang sinabi ni Janine ah."

Mabilis kong pinahidan ang panis kong laway, huhu. Buti na lang si Janine pa lang ang nakakakita sakin... Kaya ba hindi ako tinitigan ni Janine?! Abaaaa. "Badtrip yung babaeng 'yun ah!" Inis kong bulong at nilabas ang lipstick ko-

"FIRE, YOU WOULDN'T BELIEVE THIS!" Sa gulat ko ay naitaas ko ang lipstick ko at sumayad naman 'yon sa ilong ko papunta sa noo. Badtrip! Naiinis ko syang tinignan at nagulat ako ng bigla syang tumawa.

Naiinis akong tumingin sa salamin at mangiyak ngiyak, "Ang pangit pangit ko na nga, nalagyan pa ng lipstick huhu." Bakit ba pinanganak akong pangit? Ay, oo nga pala, walang makakasagot nyan.

Wala na nga pala akong mga magulang.

"Hay nako Fire, mamaya ka na mag-inarte dyan please. Male-late na tayo, at tsaka yung sasabihin ko kanina. Nag-break na sila Jaden, diba super crush mo yun?!" Namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi nya.

Pasimple nya akong kinurot kaya hinampas ko ang kamay nya, "Ano ba, naman 'to e." Naiilang kong sabi at tumawa naman sya ng malakas, "Uso pala sayong magpabebe?" Natatawa nyang tanong kaya inirapan ko sya.

"But seriously though, ito na ang golden opportunity mo para magkaron ng 'kayo' ni Jaden." Masaya nyang sabi at kinikilig kilig pa nya akong niyakap. Ako? Magustuhan ni Jaden? Hello, is it me your looking for?

E mas mapangit pa nga ako dun sa babaeng nasa Trolls e, "Hay nako, ayoko nang isipin ang mga ganyan ganyan. Gusto ko lang matapos 'tong sem na 'to, okay?" Sabi ko na lang at hinigit na sya pababa ng hagdanan nila.

"But Fire you're already 18, old enough to date! Alam mo kasi, now a days ang gusto ng mga lalaki e yung may experience na-" Agad ko syang hinampas dahil sa sinabi nya, ang bastos ng babae na 'to!

Tinignan naman nya ako na parang naguluhan sya, "Ikaw ha, ang bastos mo!" Akusa ko pero mas lalong kumunot ang noo ni Janine. "Anong bastos? Experience as in experience sa pakikipag-date. You know, holding hands, dates, and so on."

"A-alam ko namang yun yun e!" Bigla kong sabi at mas binilisan ang paglalakad, maya maya pa ay narinig ko ang malakas na tawa ni Janine, "Ikaw ha! Ang naughty naughty mo!" Sinundot sundot pa nya ang tagiliran ko kaya lumayo ako.

Simula pagkapanganak ko ay dito na ako nakitira kayla Janine, ginawa nila akong PA/body guard ni Janine. Oo, as in gwardya. Alam nyo yung Strong Woman Do Bong Soon, in real life katulad ko sya.

Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero mala-weighlifter ako kagaya ni kim bok joo, pero wala akong bangs at hindi ako short hair ha. Normal lang akong babae at as much as possible, hindi ako nakikisangkot sa gulo.

"Oh, Janine. Hatid na kita." Sabay kaming napalingon ni Janine at nakita si Charles, ang ultimate stalker ni Janine. Nakita ko naman ang takot ni Janine dahil nahuli namin yang inaamoy ang undies ni Janine.

Agad akong humarang sa harap ni Janine ng makalapit si Charles, "Hoy, ikaw. Lumayo layo ka nga samin, mandiri ka naman oh!" Naiinis kong sabi at kumunot naman ang noo ni Charles. Tignan mo 'to, hindi din pala nakakaintindi.

"Kadiri, hindi ba ikaw yun?" Natatawa nyang tanong bago ituro ang mukha ko. Aba, namemersonal 'tong gagong to ah. "Tignan mo nga yang buhok mo, kulang na lang bahayan ng daga sa sobrang kapal."

Kumunot naman ang noo ko, "Tsaka yang damit mo, ikaw ba nagtahi nan? Ang pangit ng taste mo ha, infairness. Tignan mo naman yang mata mo, wala ka bang tulog at sobrang laki ng eyebags mo?"

"Hoy, tigilan mo na nga si Fire, hindi ka naman nya inaano ah." Pagtanggol sakin ni Janine at tila nag slow motion ang paligid ko at kita ko ang pagtaas ng kamay ni Charles upang abutin si Janine kaya agad kong hingit ang kamay nya at pinaikot sya.

Namimilipit naman syang nakahiga sa sidewalk, "Makapang lait ka pero isang higit ko pa lang tumba ka na agad?" Nakangisi kong sabi bago akbayan si Janine at natatawa naman syang umakbay pabalik.

"Ang lakas mo talaga Fire, astig!"

************
"Fire! Fire! Fire!" Napalingon ako ng may tumawag sakin ng sunod sunod at nakita ko naman si Sir Frank, kumaway sya sakin at kumaway din naman ako pabalik. "Sir, ano pong kaylangan nyo?"

Nakita ko namang matitisod sya kaya inihanda ko agad ang kamay ko at mabilis syang hinawakan, "Hala!" Gulat nyang sabi at tinignan ako, para kaming mga nasa drama na nadulas ang babae.

Ang pinagkaiba lang, si Sir ang nadulas at ako ang sumalo, "K-kanina pa kasi kita hinahanap." Naiilang nyang sabi habang inaayos ang uniform nya. Napakamot naman ako sa ulo ng makitang may ilan na tumatawa.

"Ano po bang kaylangan nyo?" Tanong ko habang natingin sa paligid, syempre sanay na ako na pinagtatawanan ako. Minsan nga naiisip ko na lang na ang weird ng mga students, kasi hindi naman ako nagjo-joke pero tawang tawa sila.

Sabi nga sakin ni Janine na abnormal lang daw sila pero minsan natawa din sya sakin, so abnormal din si Janine? "Bilang isa sa mga mahuhusay na writer dito sa school, inuutos ko sayo ang pagsusulat sa magaganap na prom dito sa school."

"Eh? Sir, hindi po ako pupunta!" Angal ko agad at hinawakan naman ni Sir ang malaki nyang salamin, kung iisipin nyo para syang yung mga supporting actors sa kdrama na nerd. Sya ang prof namin na sobrang weird at sobrang geek.

Pagka-ayos nya ng salamin ay tumingin sya sakin, "I'll give you A on research and creating writing if you do this essay." Nagliwanag ang mukha ko at naimagine ang letrang A sa results ko. Kung iisipin nyo din ay isa ako sa mga bida na book worm at grade seeker.

"Sir naman e..... sige na nga!" Wala sa loob kong sabi at nakita ko namang nagliwanag ang mukha ni Sir. Oh diba, pak na pak lagi ang conversation namin ni Sir. Lagi kasing win-win ang usapan namin. Panalo sya, panalo din naman ako.

Tinapik naman nya ang balikat ko, "Good, inaasahan kong gagandahan mo ang pag-gawa natin dahil ilalagay ko ang essay mo sa front page. Prom is important to every student, so make sure it's worth to read. "

"Yes, Sir." Napabuntong hininga ako at napatingin sa hallway ng school namin, halos wala na ang ibang estudyante. Ibig sabihin ay malapit na ang klase, another boring day.

Napatingin din ako sa salaming nakadikit pagitan sa hallway at canteen, "I guess I'll need to go to that stupid prom."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon