Fire's POV:
"Welcome to the battlefield, Fire." Bati ni Mr Javier at binuksan ang pintuan, may iilan din akong kasama at halos puro lalaki pa. May tatlong babae pero hindi naman nila ako kinakausap.Sunod sunod kaming pumasok at umupo, wow. Parang nasa sinehan lang kami pero may ring sa gitna. Pinapalibutan iyon ng parang cage, "Wow, ang astig!" Bulong ko sa sarili ko at kanya kanya din naman silang bulungan.
"Ito ang entrance exam nyo," Sabi ni Mr Javier kaya umayos kami ng mga upo namin. "You just have to show us your peculiar ability at lalabas dun ang ID nyo. All of your information ay nandun sa ID na yun."
Nagsimula na ang mga peculiar at namamangha ako sa mga nakikita ko, ang isa ay nagiging pure ice ang katawan at kahit anong apoy ay hindi sya masunog sunog. May isa naman na nakakagawa ng kahit ilang clone nya.
"Next up... Fire Gailyn Cole!" Napangiwi ako at tumayo, pagpasok ko sa stage ay nakita ko na nakaabang sila sa kung ano ang gagawin ko. May nag-body scan sakin at may mga nalaglag na bagay.
Agad kong tinaas ang mga kamay ko at pinigilan ang lahat na malaglag, pinagsama sama ko yun sa isang gilid- "Ahh!" Sigaw ko ng biglang may nalaglag na truck mula sa itaas, naitaas ko naman agad ang kamay ko at napigilan yun.
"Telekinesis." Rinig kong sabi ng isang babae at lumabas na ang ID ko, nandun ang kung ano ang kapangyarihan ko. Nandun din ang phone number, full name, level, at basic info ko. Kumapit iyon sa kamay ko at naging bracelet.
I'm officially a student in Peculiar Academy.
********
"IKAW ANG ROOMMATE KO?!" Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko ng biglang may magbukas ng pinto at sumigaw, nagpapahinga ako ah! Pagharap ko sa kaliwa ay bigla akong napa-atras. "S-sino ka?!"Natutuwang nilapit nya ulit ang mukha nya sa akin, "Hihi, ikaw nga ang room mate ko!" Masaya nyang bati at niyakap ako. Inilayo ko naman ang mukha nya sa mukha ko, bakit naman ganitong kakulit pa ang naging room mate ko?!
"Hi! I'm Ashley Jay Garello aka Ash!" Masaya nyang bati at nilahad ang kamay, kinuha ko naman ko naman yun nginitian sya. Mukhang mabait naman sya, naalala ko tuloy si Janine. "Fire nga pala."
Siguro kinamumuhinan din ako ni Janine, "What's with the long face?" Tanong nya at tinabihan pa ako sa kama. "Are you scared na walang tatanggap sayo? Do you feel lonely dahil hindi ka normal?" Tanong nya at tumingin lang ako sa kanya.
"I dont get it," Bulong nya bago tumingin sa bintanang malapit sa kama ko, "I mean, what's so bad about being different? So what kung hindi tayo normal kagaya ng ibang tao. We're gifted, and most of the times, we forget that we are."
Wala akong nasagot sa sinabi ni Ash, totoo naman ang sinabi nya. "C'mon malapit na magdinner, at tsaka diba bukas na start ng klase mo? Good luck!" Masaya nyang sabi at hinigit na ako.
"Ash, thank you." Mahina kong bulong at nakita ko naman ang pag-ngiti nya. Ang ganda din nya, kung mala-kdrama 'to sya yung bida sa kdrama na sobrang ganda pero sobra din naman ang pagka-humble.
Lumingon lingon ako dahil padami na nang padami ang mga estudyanteng naglalabasan, "Wag kang matakot. Sabay sabay kasi tayong nagbe-breakfast, lunch, at dinner. Buong academy, mapa-stuffs ay nandito." Tumango na lang ako sa sinabi ni Ash-
"Aray!" Sigaw ko ng bigla akong makabunggo- "Tss, tanga na nga, lalampa lampa pa." Hindi pa ako tumutunghay ay alam ko na kung sino yun. Quatro, oo si Four. Tumayo ako ng hindi sya pinapansin.
Aalis na bali ako pero hinawakan nya ang braso ko, "A friendly reminder, madaling natatalo ang mga mahihina." Bulong nya bago ako bitawan at naramdaman ko naman ang paghawak sakin ni Ash.