Fire's POV:
I need to save him.Yan na lang ang iniisip ko at ang gusto kong mangyari, I don't even fucking care about my revenge. All I want is to make sure that he is okay, lumipad ako sa malapit na puno at natanaw ang punong puno ng demonyong palasyo.
Makikita ang bawat galaw nila ay handa sa kung ano man ang dadating, kahit nakalipad ay makikita pa din nila ako. "Fuck." Bulong ko dahil wala akong makita na madaling pasukan sa lugar na ito.
I can feel the dark magic surrounding the facilities, punong puno ng sumpa at madilim na enerhiya ang lugar. Nasan naman kaya si Four? At paano ako makakapasok sa lugar na ito kung handa silang lahat?
Kumunot ang noo ko ng bigla silang nagsi alisan, anong ibig sabihin nito? Dahan dahan akong lumipad pababa malapit sa isang malaking puno katabi ng unang building, ramdam na ramdam ko ang lamig ng lugar.
Bakit sila umalis?
Mayroong pumipigil sa akin sa paglakad pero nagpatuloy pa din ako hanggang sa makapasok ako, balot na balot ang pasilidad ng malakas at itim na maharlika. Hindi ko maitatanggi ang takot na aking nararamdaman. Am I doing the right thing?
"Welcome." Nagpalinga linga ako ngunit wala akong nakita na tao o kahit ano, hindi ko pa din maintindihan ang nangyayari. Ang alam ko lang ay pinaglalaruan ako pero kailangan kong makita si Four, I need to save him.
Kinuyom ko ang kamao ko, "Whoever you are, no whatever you are, show yourself and fight me." Mariin kong sabi at nakarinig naman ako ng isang tawang malakas ngunit hindi ko pa din alam kung saan iyon nanggagaling. Nakakainis!
"Hindi ko alam na matabil din ang iyong dila, Fire." Hindi ko kilala kung sino ang nagsasalita pero ramdam ko ang kasamaan nito base pa lamang sa tono ng kanyang pananalita. You know, the ones we see in movies where the antagonist plays with the protagonist and has a very creepy voice.
Tumingin muli ako sa paligid, "Ano ba ang kailangan mo?! Ilabas mo si Four at tayo ang magharap, don't hide behind your shadow." Sabi ko at lumipad ng bahagya dahil naramdaman ko ang prisensya ng ibang tao.
"Nakakatawa ka masyado, bata. Hindi mo pa nga talaga ako kilala." Sabi nya kaya umikot ako ngunit napatigil ng may makitang anino sa dilim. Dahan dahan akong bumaba mula sa pagkakalipad at tinitigan ang aninong iyon.
Pero.... kilala ko ang aninong 'to.
"S-sino ka?"
"Hindi ba't kilala mo ako?" Napaatras ako ng bahagya at nailagay ang isang kamay sa aking bibig. Hindi ako maaaring magkamali, kilalang kilala ko sya.
At sa unti unti nyang paglabas sa dilim ay nanggilid na agad ang aking luha, bakit ganyan ang mga tingin nya? Ang mata nyang tila purong itim at ang kamay nyang may bahid ng itim. Anong nangyari sa kanya?
"Four..."
"Miss me?" Tuluyang tumulo ang luha ko ng marinig ko ang boses nya, gusto ko syang takbuhin at yakapin ngunit may pumipigil sa akin. Alam kong hindi pa sya ang kausap ko ngayon, kitang kita ko ang itim na inerhiya na nanggagaling sa kanya.
Dahan dahan syang naglabas ng fire phoenix kaya dahan dahan na din akong lumipad, I can't fight him... but I can't let him win too.
"Four, wake up!" Sigaw ko bago lumipad pero mabilis nya akong nahigit pababa at naihagis papunta sa dingding. Napahawak naman ako sa batok ko at napaungol sa sakit. Shit! Ang sakit naman.
Tumingin ako kay Four at nakitang palapit na agad sya sakin, "Please, Four." Mahina kong sabi pero alam kong hindi nya ako narinig kaya mabilis akong tumayo at hinagisan sya ng malaking puno galing sa labas.
"Wake up!" Paulit ulit kong sigaw habang kung ano anong gamit ang binabato sa kanya. Ngunit alam kong wala iyong epekto sa kanya dahil kita ko ang shield nya na lupa.
Wala pang isang minuto ay nakawala sya sa atake ko at mabilis nya akong sinakal, "Four..." Singhal ko at napahawak sa kamay nya. Ramdam ko ang unti unting paghigpit ng sakal nya sakin.
I love you... I wanted to say those words but I couldn't.
"Flower." Bulong nya ngunit humihigpit pa din ang sakal nya sakin. Napamulat ako at nakita ang purong itim nyang mukha kaya napangiti ako kahit papano. Alam kong lumalaban sya para sakin kaya dapat ko din syang tulungan.
Mabilis kong sinipa ang gitna nya kaya namilipit sya sa sakit, good thing I know his weakness. "I will help you, Four." Sabi ko at mabilis na lumipad pinalibutan ko sya ng lupa kaya wala agad syang nagawa.
Huminga muna ako ng malalim dahil na din sa pagod bago- "AHHH!" Sigaw ko ng bigla akong hinangin pataas bago bumagsak. Shit na talaga! Ramdam ko ang unti unting pagtulo ng dugo mula sa aking ulo.
Pumikit ang na mariin dahil sa sobrang pagkahilo, "Please... I believe in you so please help me." Dasal ko sa God of Life at tsaka muling nagmulat ng mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero ramdam ko ang unti unting paglakas ng katawan ko.
"I bless you with your full power."
Tila ba bumulong ang hangin sa akin at unti unting lumutang ang aking katawan, napangiti ako bago tumingin kay Four na nagtataka. "I said wake up." Sabi ko sa kanya tsaka ko sya pinalutang at binato pataas gaya ng ginawa nya sakin.
Lumipad ako hanggang sa maabutan ko sya at hinawakan ang leeg nya bago sumabay sa pagbaksak nya. Para akong super hero na nag-knee landing, kita ko naman ang pagkahilo ni Four dahil nakahawak na sya sa kanyang ulo at sinampal sampal iyon ng mahina.
"MAGALING!" Napatayo ako ng marinig ko ang boses ng demonyo na 'yon, ramdam ko ang init ng aking mata at gustong gusto ko syang sugudin agad.
Naghanda naman ako ng mga gamit pang atake, "What have you done to Four?" Mariin kong tanong habang naglalakad palapit sa kanya.
"Hindi mo ba nagustuhan? Para syang manika na aking pinaglalaruan."
"Let him go."
"At ano naman ang iyong gagawin kung humindi ako?"
Sa sobrang inis ko ay samu't saring puno ang binato ko sa kanya kasabay nun ang pagkasira ng bubong. Kahit basa na kami dahil sa ulan ay hindi ako pumikit, nakatitig lamang ako sa kanya at nanliit ang mata ko ng hindi ko na sya makita.
"Hinahanap mo ba ako?" Laking gulat ko ng nasa harapan ko na sya at bigla akong sinakal bago ihagis palapit kay Four. Bigla naman akong sinabunutan ni Four at patayong sinuntok, sa sobrang lakas ng suntok nya ay ramdam ko ang pagsuka ko ng dugo.
Napatingin ako sa mata nya, "Four..." Nabitawan naman nya ako kaya napaluhod ako, sobra na akong nahihilo. "Save them." Narinig ko na naman ang hangin na nagsalita kaya pinilit kong tumayo.
"That's it. You want to play, I'll let you play your fucking game."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!