Peculiar Chapter 33

147 6 0
                                    

Ash's POV:

"Ano?! May mga estudyanteng nakuha?!" Napatingin kaming lahat kay Fire at nakitang tinutulak nya si Ms Narzabal, "Please tell me na hindi sya kasama dun, please..." Napaluhod sya kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya.

Tumingin ako kay Miss at miski sya ay naiiyak, "I'm so sorry... I truly am." Mahina nyang sabi kaya tumango ako, kasalanan ko 'to. Kung hindi lang ako isang duwag, siguro walang nakuha at naisara ni Aj ang field namin.

"I'm sorry too." Mahina kong bulong at niyakap si Fire, hindi ko alam kung paano ko sila matutulungan pero isa lang ang alam ko... tutulong at tutulong ako.

Tumayo na si Fire kaya inalalayan ko sya, "We'll get them back." Biglang nag-iba ang mukha ni Fire at napalitan ng galit.

"Walang awa sila, hindi ko sila mapapatawad kapag may nangyari kay Four." Humarap sya sa amin at kinuyom ang kanyang kamao, "It's me that he wants and he'll have every part of me." Bulong nya at nagmistulang usok na bigla na lamang nawala.

For the first time in my life, I felt incomplete.

"Ash..." Napalingon ako kay AJ at kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. I couldn't help but feel the tears in my eyes that are about to fall. Mabilis nya akong niyakap at sinalo, we lost the battle and students are missing.

Napasinghap ako ng malakas, "Ano na ang gagawin natin, AJ? This is all my fault. Dahil sakin hindi mo nasira ang portal." Bulong ko at mas humigpit naman ang yakap nya sa akin.

"Ash, it's not your fault. At hindi pa tapos ang lahat, if you think you made the wrong decision then it's time for you to make up for it." Sabi nya at hinaplos ang aking buhok.

Paano ko naman gagawin yun? Puro kapalpakan at kamalian na lamang ang aking nagagawa.

"Paano, Aj? Everything's falling apart."

"We're a team, remember?"

*****
Four's POV:

"Kuya, nasaan po tayo?"

"Natatakot ako."

"Huwag na lang kayong maingay, baka magalit pa sila."

"Pero Ate, ang dilim masyado dito sa lugat na ito."

Napakuyom ako ng kamay dahil sa mga naririnig ko, ang aking ama... Kaylan ba sya matitigil sa mga kasamaan nya? "Wag kayong mag alala, hahanap ako ng paraan para makauwi kayo ng ligtas." Mahina kong sabi ngunit miski ako ay walang idea kung paano ko iyon magagawa.

"Mga inutil! Sa tingin nyo ba ay matatalo nyo ang katulad ko?" Napatayo kaming lahat dahil bumukas ang pintuan. Agad akong nagpalabas ng fire ball ngunit mabilis iyong nawala at nakaramdam ako ng panghihina sa buong katawan.

Isang malakas na tawa ang bumalot sa kwarto, "Huwag mo nang subukan iyan dahil wala kang magagawa sa lakas ko, mahina ka pa bata." Sabi nito at tinapik ang balikat ko kaya dinuraan ko ang sahig kung saan sya nakalutang.

"Go to hell and fuck yourself!-" Isang malakas na pwersa ang nagpalipad sa akin at humampas ang likod ko sa isang bakal. Napakuyom ako dahil ramdam na ramdam ko ang dugong dumaloy mula sa sugat ko.

Bwisit!

"Watch your words, I can kill you easily pero hindi kayo ang gusto kong patayin. I need the girl, oras na makuha ko ang kapangyarihan nya, ako ang magiging pinaka malakas dito." Sabi nito bago tumawa, demonyo talaga.

Pero teka, babae?

"Sinong babae?" Nanghihina kong tanong dahil pakiramdam ko ay kilala ko ang kanyang tinutukoy. Iba ang kapangyarihan ni Fire at paniguradong sya ang gusto nitong patayin.

Ngumisi ito sa akin, "Tama ang nasa isip mo, bata. Sya nga ang gusto kong patayin dahil sya lamang ang may kapangyarihan na nagtataglay ng purong magic. Oras na macontrol ko ang kapangyarihan nya, macocontrol ko ang mundo."

"Hindi mo sya makukuha!"

Tumingin ito sa akin, "Sinong may sabi na ako ang pupunta sa kanya, kung naandito ka naman?" Ramdam ko ang pagliyab ng aking mga mata at nagpalipad ng fire spikes papunta sa direksyon nya.

"Hindi mo sya makukuha hangga't naandito pa ako!"

Narinig ko na naman ang tawa nya kaya mas labis ang inis ko, "Hindi alam ng batang iyon ang tunay na kakayanan nya, sampung persiyento pa lamang ang nailalabas nyang kapangyarihan." Bulong nito kaya kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba pansin? Alam kong alam ng Head nyo na sya ang pinaka malakas na peculiar dahil ginagawa nya ang lahat upang humusay si Fire. Gagamitin nya ito laban sa akin, ngunit masyado akong mabilis kaya hindi pa nya ito nahanda."

Mas lumawak ang ngisi nya, "At oras na pumunta na sya sa akin, kukunin ko agad ang puso nya." Isang marahas na tawa ang ibinato nya bago lumabas ng kwarto namin. Bumalik din ang electric wave na bumabalot sa lugar namin.

"Tumigil ka na sa kakasatsat mo, hindi mo sya matatalo." Nakangisi kong sabi at mas tumawa naman sya dahil sa sinabi ko.

Dahan dahang umangat ang katawan ko at tinignan naman nya ang sugat ko, "Masyado kang mahina mag isip, bata. Hindi mo ba alam kung bakit ikaw ang kinuha ko?" Tila huminto ang paghinga ko at tuluyang nanghina.

"Oras na para magharap kayong dalawa..."

*******
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon