Fire's POV:
Natapos ang labanan ng sumikat ang araw, ramdam ko ang pagkabigo ng aming parte. Walang nagsalita ng makadating kami sa gym, hindi ko makita si Four at Ash kanina pa kaya mas nanghina ako. Si Aj ay nasa clinic pa hanggang ngayon, malaki daw ang napinsala sa ulo nya kaya ilang oras na syang nandun.Madaming sugatan.
Madaming nanghihina.
Madaming naiyak.
Madaming nawala... Hindi ko alam ang dapat kong maradaman, bigla bigla na lang nawala ang mga kalaban matapos masira nila Kyla ang portal. Sobrang laki ng pasasalamat namin sa kanila dahil niligtas nila kami.
"We're sorry students.... we failed to protect every one of you." Nakatungong sabi ni Headmaster kaya mas lumakas ang iyakan sa gym. Isang nakakabinging iyakan, sugatan at halatang pagod ang lahat. Ni-isa walang gumalaw, tahimik lang kaming nakatungo habang naiyak.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon, hindi ko nailigtas ang pamilya ko... ngayon pati ang pangalawa kong pamilya, unti unting nasisira. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabras.
I need some time to think.....
**********
Aj's POV:Mabilis akong napatayo ng magkamalay ako- "Wag ka masyadong gumalaw ng gumalaw, Malaki ang pinsala sa ulo mo. Ginagamot pa kita."Napatingin ako sa nurse na nasa gilid ko at hinawakan ang ulo ko.
"Nasan si Ash? Nasan sya?!" Tanong ko dahil hindi ako maaaring magkamali, sya yung nakaitim na babae. Si Ash! Hindi ko alam kung bakit nya ito ginagawa pero alam kong mabuti syang tao, kaya kaylangan ko syang tulungan.
Gumawa ako ng maliit na force field at nilagay yun sa sugat ko, "This would hold for two days, you can finish healing me after then. Kaylangan ko lang talaga umalis, may importante akong pupuntahan." Sabi ko kaya wala na syang nagawa at hinayan akong tumayo.
"Mag ingat ka, hindi lahat kakampi mo."Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ng aming nurse kaya hindi ko na sya nilingon. Kahit nahihilo pa ako at naglakad na ako ng mabilis, kaylangan kong maabutan si Ash-
Napakapit ako sa taong nabunggo ko at mabilis na tumayo, "AJ! Anong ginagawa mo sa labas? Hindi ba dapat at ginagamot ka pa?" Tanong ni Kayla kaya tumingin ako sa likod nya, wala din si Four.
"Nasan si Four? Nasan si Fire?" Sunod sunod kong tanong kaya inalalayan nya akong umupo, "Hindi ko din alam kung nasaan sila, nung magkagulo tayo e hindi ko na sila napansin. Pero alam ko nakasakay si Fire sa fire dragon nya." Sagot nito sakin.
"E si Ash, nakita mo ba sya nung naglalaban?" Tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako. Alam kong hindi gugustuhin ni Ash na malaman ni Fire ang nangyayari sa kanya dahil mag aalala lamang ito.
Umiling ako, "Busy ako sa pagsira ng field nila kaya hindi ko namalayan si Ash, mabuti pang hanapin ko na lang muna sya."Tumango sy at sabay na kaming tumayo, mukhang malalim din ang iniisip ni Fire.
Nagsimula na akong lumipad, hindi ko alam kung paano ko sya mahahanap pero kaylangan ko syang mahanap. Kaylangan kong Makita ang babaeng pinakamahal ko, dahil alam kong kaylangan nya ako ngayon.
Kumunot ang noo ko dahil may nakita akong babae malapit sa falls, binalot ko ang sarili ko ng force field bago dahan dahang lumapit sa kanya- "PUTANGINA!"Nagulat ako ng biglang sumigaw ng malakas si Ash.
"TANGINANG BUHAY 'TO! PAGOD NA PAGOD NA AKO! MABUTI NANG MAMATAY NA LANG AKO KESA SAKTAN KO ANG MGA TAONG IMPORTANTE SAKIN!"Sigaw nya at nagulat ako ng may ilabas syang espada.
Mabilis kong pinalipad ang espada at lumapit sa kanya, "Nababaliw ka na ba ha?! Bakit mo papatayin sarili mo?!"Nagulat ako ng bigla nya akong hagisan ng ice spikes kaya gumawa ako ng force wall sa harapan ko.
"Umalis ka na! Hindi mo na ako matutulungan... nasa kanila na ang buhay ko." Mahina nyang sabi kaya napapikit ako, ang sakit marinig na sumusuko na agad sya.
Ilang minutong walang nagsalita samin, "Alam mo naming hindi kita iiwanan diba? Ash, nandito pa ako oh. Nandito lang ako lagi para sayo." Bulong ko at napatingin sya sakin.
"Bakit ganyan ka sakin? Hindi mo pa ako kilala, pero bakit mo ako minamahal?"
"Ash, kilala ka ng puso ko... Sapat na yun para protektahan at tulungan ka sa problema mo."
"Aj...."
********
Ash's POV:Napatitig ako kay Aj habang umiiyak, ano bang ginawa ko para mahalin nya ako ng sobra sobra? Pero biglang pumasok sa isip ko ang pamilya ko..... ang pamilya ko!
"Kung gusto mong mailigtas ang pamilya mo mula samin, pumatay ka ng isa sa pinaka malakas na peculiar."
Kaya ko nilapitan sila Four dahil alam kong sila ang mga pinakamalakas sa academy na 'to. Hindi ko lang aakalain na may puso din pala sila. Lalo na ang pinakamalakas na defense ng academy, si AJ.
"I'm sorry... but I need your heart." Bulong ko kaya nagulat si Aj at mabilis ko syang inataki ng ice wall hanggang masira ang wall na binuo nya. Lumipad sya kaya lumipad din ako, "Don't do this, Ash! Please!"
Hindi ako nagsalita at hindi ko din sya tinitignan, "I need to save them! I need to save them!" Paulit ulit ko lang yang sinasabi habang inaatake sya ng iba't ibang ice. Hanggang sa matamaan ko ng ice spike ang gilid ng ulo nya, ang natamaan ko sa kanya kahapon.
Bigla syang nalaglag kaya lumapit na ako sa kanya, "I need to save them..." Bulong ko at dahan dahang nagpalabas ng ice sword at tinapat yun sa puso ni Aj.
"I need to save my family from them, I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry-"
"Hey." Bulong nya, "It's okay.. look at me, look at me." Tumingin ako sa mata nya at nagulat ng bigla may tumulong luha mula sa mata nya. "Go save them, you don't need to get my heart because I'm offering it to you... I love you..."
Nabitawan ko ang ice sword na hawak ko at dahan dahang napaluhod sa tabi ni Aj, ipit na ipit na ako sa dalawang panig... What monster have I become??? Paano ko nagawang saktan ang lalaking mahal ko?
Tama pa ba ang aking ginagawa?
He is willing to give his heart for me, even if it means that he would die. Why? Dahan dahan kong hinakawan ang kanyang pisngi at unti unti na ring napangiti. He was more than an angel to me, he was my soul mate. Why was it so hard for me to admit? I am falling for him so deeply and I can't help but to fall even more.
Hinawakan ko ang kamay nya at naramdaman ko ang paglipat ng peculiar nya sa akin, dahan dahan ko syang binalutan ng force field at hinawakan ang kamay nya, "I love you too..."
I have to find another way to save my family, I can't kill my other family too.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!