Peculiar Chapter 29

146 7 0
                                    

Fire's POV:
Nakahawak ako sa sports bag ko at tinginan si Ash, "Wala ka ng naiwan?" Tanong nya kaya tumango ako at hinagis nya sakin ang susi ng room namin. Hindi pa din namin alam kung ano ang emergency pero masama na agad ang pakiramdam ko.

"Okay, students, let's go home." Anunsyo ni Sir Fare kaya tumango kaming lahat, lumapit ako kay Four at hinawakan ang kamay nya. I don't know pero pakiramdam ko kaylangan kong hawakan ang kamay nya.

Hindi ko alam kung ano ang maririnig naming news sa school, "Hey, you're doing it again. I told you, everything's going to be okay." Bulong ni Four kaya sinadan ko ang ulo ko sa braso nya, naniniwala ako sa sinasabi nya.

"Four... our school is my only home now." Bulong ko at kahit pigilan ko ang takot na bumabalot sa puso ko, pakiramdam ko mas lumalaki lang yun. Hindi ko mapigilang matakot, ayokong mawala ang school sakin.

Mas hinigpitan ni Four ang pagkakahawak sa kamay ko, "I know... and I'll do everything to protect it, so don't worry." Bulong nya bago halikan ang noo ko kaya napapikit ako. Napangiti ako dahil ngayon ko lang naramdaman 'to, na may kakampi ako.

"Students, I want you to prepare yourself. Paglabas nati dito, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Just be prepared." Sabi ni Sr Quil kaya tumango kami, gamit ang isa kong kamay ay hinawakan ko ang sports bag ko.

Huminga ako ng malalim bago tignan si Four, "Okay Students, let's go." Lumabas na kami sa hotel at naramdaman ko ang malakas na hangin. Paglabas pa lang namin ay hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Stay alert, the enemies know where we are." Napalingon ako dahil nagsalita si Aj. Nakahawak din sya kay Ash pero kalmado lang si Ash, napatingin sakin si Kyla kaya tinanguan ko na lamang sya.

Tumingin ako sa paligid at mas humihigpit ang pagkakahawak ko kay Four, why do I feel like someone's preparing for an... "ATTACK!" Hinigit ako ni Four papunta sa likod nya at nagulat ako ng may lumabas na isang malaking halimaw sa harapan nya.

Sinakal si Four ng halimaw kaya napahawak ako sa bibig, I've been training for months pero hindi pa ako nakaka-experience ng tunay na laban. "Fire, stay with me!" Sigaw ni Four bago sya ihagis ng halimaw.

Humarap sakin ang halimaw kaya napa-atras ako, "Okay, Fire, you can do this, you can do this. Focus. Focus- AHHH!" Sigaw ko ng bigla akong pitikin ng halimaw. Sobrang laki nya kaya ang dali lang para patalsikin ako.

"Aj! Shield them!" Rinig kong sigaw ni Sr Fare at unti unti kong naramdama nang shield na bumalot sa katawan ko, nawala ang sakit na nararamdaman ko kaya nakatayo agad ako. Tumingin ako sa paligid at nakita si Four na nakikipag laban.

Miski si Tifany nakikipaglaban, alam kong natatakot sya pero patuloy sya sa pakikipaglaban. "FIRE, BEHIND YOU!" Agad akong lumingon at tinaas ang kamay ko. Tumigil ang isang dark element kaya hinagis ko sya.

I shouldn't be scared, if I want something, I should protect it.

Lumapit ako kay Tifany at nakitang nagpapalabas sya ng mga daga. "I can help you." Sabi ko kaya tumango sya. Binaba ko ang kamay ko at naramdaman ko ang mga daga, mabilis ko silang tinaas at pinapunta sa isang dark elements.

"Fire, let's do the technique!" Sigaw ni Four kaya tumango ako sa kanya, hinawakan nya ang kamay ko sandali bago yun bitawan agad. Huminga ako ng malalim at nagpakawala na sya ng apoy at bato.

Agad kong pinag sama yun at tinapat sa isa pang element, may apat na malalaking element pa. "Now!" Sigaw ko at nakita ko ang pagtaas ng kamay ni Four kasabay ng paggalaw ng pinagsamang apoy at bato.

Nang bumagsak ang isang dark element, lumapit ako kay Aj at hinawakan sya. Naramdaman ko ang paglabas ng force field kaya tinaas ko na ang kamay ko. Unti unting lumalaki ang force field sa paligid namin hanggang sa pati ang mga mentor namin ay nashield-an na.

"Thanks, Fire!" Masayang sabi ni Aj kaya tumango ako, ang galing ng teamwork namin. Napalingon ako kay Ash at hinahampas nya gamit ang stick ang isang paa ng dark element. Oo nga pala, wala syang peculiar na mahihiram ngayon.

Dalawang dark elements na lang, ang mga mentor namin ang nakikipaglaban at pagod na pagod sila matapos ang laban. Miski ako pakiramdam ko kaylangan kong matulog ng tatlong araw, pupunasan ko na bali ang mukha ko nang bigla akong hawakan ni Four.

"Why?" Tanong ko pero hindi sya nagsalita, naglabas lang sya ng panyo at dahan dahang pinunasan ang mukha ko kahit basang basa din ang mukha nya. Napangiti ako at dahan dahan din naman syang napangiti.

Nang makapagpahinga na kami ng ilang minuto ay tumayo na ang dalawa naming mentor, "Students, it would be better kung nasa school na tayo ngayon." Tumayo na din kaming lahat at tumalikod na ang mga mentor namin, "And thank you, for fighting with us." Napangiti ako sa sinabi ni Sr Fare.

*****
"I'm so glad you're all back in one shape!" Napangiti ako ng isa isa kaming yakapin ni Ms Narzabal, she's so innocent. Nang mapatapat sya sakin ay inayos nya muna ang buhok ko bago ako yakapin.

Niyakap ko din sya pabalik at pumikit, "You did a good job, Fire." Bulong nya kaya napangiti ako at kumalas na sa kanya. Matapos ang konting batian namin nila Sr Javier ay bigla na lang sumeryoso ang mga mukha nila.

"The dark elements... they will attack in three days." Lahat kami ay napasinghap dahil sa sinabi ng Headmaster namin. Three days, how the hell will we fight?! E kung ilang dark elements pa lang pagod na kami, ano pa kapag army?

Mukhang nakita ng headmaster ang takot sa mukha namin, "Listen, everyone, we're here together. Kung magkakasama tayo, alam kong makakaya natin." Sabi nya at hinawakan ang balikat ni Four.

"Tama si headmaster, if we're afraid of the enemy, we already lose. But I know that wouldn't happen, cause' we're together." Sabi ni Four kaya napangiti ako, he's really a leader. Nakakatuwa na kahit hindi sya friendly, ang lakas ng impact kapag sya na ang nagsalita.

Tinignan naming lahat ang statue ng god of life, "If so... what are we going to do?" Tanong ni Ms Narzabal kaya napalingon ulit kami kay headmaster, nakatingin naman sya sa statue ng god of life.

"We fight, we fight together."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Peculiar AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon